top of page
Search

ni ATD - @Sports | April 15, 2021



ree

Tama ang piniling destinasyon ni Pinoy cager Kai Sotto sa kanyang hangarin na makalaro sa National Basketball Association, (NBA).


At sang-ayon naman si Philippine Basketball Association, (PBA) legend Ramon Fernandez sa daan na pinuntahan ni Sotto.


Naniniwala si Fernandez na tama ang tinatahak na landas ni Sotto na kasalukuyang nasa U.S. para mag training upang maabot ang pangarap. "Ang masasabi ko lang, tama 'yung ginawa niya na nagpunta siya sa States at doon siya nag-training," lahad ni 19-time PBA champion at four-time PBA MVP, Fernandez, sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.


Hindi nakapaglaro si 7-foot-3 Sotto sa nakalipas na NBA G League season kasama ang Ignite ngunit patuloy naman ang pagpapalakas ng 18-year-old big man upang maging handa anumang oras.


Samantala, isa sa naging susi sa tagumpay ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ay ang pagtulong sa kanya ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial.


Matagumpay na nadepensahan Ancajas ang titulo matapos talunin via unanimous decision si mandatory challenger Mexican Jonathan Rodriguez. Bilang ganti, hindi pa babalik ng Pilipinas si Ancajas, mananatili ito sa America upang tulungan si Marcial na naghahanda para sa Olympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. “Mag-stay pa muna kami rito dahil tutulungan pa namin si Eumir sa preparations niya sa Olympics,” ani Ancajas.

Sparring partners sina Marcial at Ancajas sa kanilang training camp sa America.


Malaki ang naitulong niya sa sparring ko. Kaya wala kaming nasa isip ngayon kundi makuha ni Eumir ‘yung pangarap nating lahat na gold sa Olympics,” pahayag ni Ancajas.


Mananatili sa Los Angeles, California si Marcial at saka bumalik sa Pilipinas sa susunod na buwan para makasama ang national team sa training camp.


Samantala, sakto din na manatili si Ancajas sa America dahil nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) pa ang National Capital Region, (NCR) dahil namiminsala pa rin ang coronavirus (COVID-19).

 
 

ni MC - @Sports | April 15, 2021



ree

Kahit inilagay na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang nasa loob ng NCR plus bubble ay hindi pa rin pinapayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) at Premier Volleyball League (PVL) na sumabak sa kanilang training.


Base sa bagong patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF), mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang sports activities gaya ng scrimmages, contact sports, games at iba pang aktibidad sa indoor at outdoor. “Outdoor sports courts or venues for contact sports, scrimmages, games or activities; indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas and other indoor leisure centers or facilities and swimming pools,” ayon sa mga ibinabawal ng IATF.


Dahil dito, inaasahan nang iaatras ang opening ng PBA Season 46 Philippine Cup na orihinal na nakatakda sa Abril 18. Una nang iniatras ang pagbubukas ng PVL Open Conference mula sa dating May opening sa bagong June schedule. Pinapayagan lang umanong mag-work out ang mga player sa kani-kanilang tahanan.





 
 

ni ATD / VA - @Sports | April 14, 2021



ree

Isang bagong national record ang naitala sa athletics event na women's hammer throw ng Filipina-Canadian na si Shiloh Corrales-Nelson. Naitala ng 19-anyos na si Corrales-Nelson ang bagong Philippine record matapos ang gold winning performance sa Triton Invitational sa San Diego, California noong weekend.


Naibato ng first year student sa University of California Riverside (UCR) ang hammer sa layong 50.63 meters na bumura sa 8-taong rekord na 50.55 meters na ginawa ni Loralie Amahit-Sermona noong Asian Championships sa Pune, India.


Ayon kay UCR track coach Candace Fuller, nagawa ni Corrales-Nelson ang bagong rekord sa huli nitong pagbato. Si Shiloh at ang ate nitong si Zion,silver medalist noong 30th Southeast Asian (SEA) Games ay may dugong Pinoy dahil sa kanilang inang si Editha Corrales. Dahil bata pa, kumpara kay Amahit-Sermona na edad 29-anyos ng maitala ang dating rekord, inaasahang malayo pa ang mararating ni Corrales-Nelson.


Samantala, mahirap pero sisikapin ng Filipino triathletes na makasilo ng olympic berth kaya naman puspusan ang kanilang paghahanda para sa Asian Championships na gaganapin sa Hatsukaichi, Japan sa April 24 hanggang 25.


Puntirya nina Portugal-based Kim Mangrobang, Kim Remolino ng Cebu at Fil- Spanish Fernando Casares na makasikwat ng panalo laban sa mga tigasing katunggali para mahablot ang tig-isang slot sa men at women's division ng Tokyo Olympic Games.


Sa ABril 18 tutungo sina Mangrobang, Remolino at Casares sa Japan para magkaroon pa ng oras sa protocols at quarantine period.


Maliban sa Olympic slots, magsisilbing selection ang Asian Championships para sa Philippine team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.


Inamin ni SEA Games mixed relay gold medalist Casares sa Radyo Pilipinas na gagawin nito ang lahat para manalo sa Asian Championships.


May anim na Pinoy athletes pa lang ang may tiket sa quadrennial meet na ilalarga sa Hulyo 23 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.


Dobleng pag-iingat ang ginagawa ng national athletes upang hindi makapitan ng mapanganib na coronavirus (COVID-19).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page