top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023




Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkules na kanilang inaresto ang dalawang fugitive mula sa China at South Korea sa magkasunod na operasyon.


Arestado sa operasyon ang Chinese na si Guo Shangming sa Paco, Manila nu'ng Martes at sa bandang Intramuros naman naaresto ang South Korean na si Hyeong Jinwoo.


Pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, huwag gawing breeding ground ang Pilipinas para sa mga krimen at nagbabala ito na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya.


Napag-alamang sangkot si Guo sa ilegal na pamamaraan ng paniningil ng utang at si Hyeong naman ay miyembro ng voice phishing syndicate sa Maynila.


Itinuturing na "undesirable aliens" ng BI ang dalawang naaresto.

 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 21, 2023




Muling nagpalipad ang North Korea ng short-range ballistic missiles na hindi sinang-ayunan ng South Korea.


Nangyari ang huling pagpapalipad ng missile sa Dongchang-ri site kung saan umabot ito ng hanggang 800 kilometers.


Umabot umano sa taas na 50 kilometers ang paglipad ng nasabing missiles, ayon sa Defense Ministry ng Japan.


Ayon naman sa defense ministry ng south korea labag umano ang nasabing pagpapalipad ng missile sa United Council resolution.


Wala umanong natamaan sa pagpapalipad ng missile, ang dahilan ng pagpapalipad ng missile ng North Korea ay dahil sa pagkontra nila sa nagaganap na joint military drill ng South Korea at US.


 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 22, 2022




Hello, Bulgarians! Idinaos ang isang seremonya ng pagtatapos para sa mga mag-aaral ng Bibliya mula sa Zion Christian Mission Center (ZCMC) Class 113 sa Daegu Stadium noong Linggo, Nobyembre 20, 2022 na may kabuuang 106,186 na nagtapos mula sa 79 na bansa kabilang ang Pilipinas. Ito ang pinakamalaki sa buong mundo para sa isang teolohikong institusyon. Ang nasabing institusyon ng ZCMC ay pinamahalaan ng Shincheonji (New Heaven and New Earth) Church of Jesus, isang simbahang nakabase sa South Korea.


Natapos ang kanilang mga mag-aaral ng siyam (9) na buwang kurso sa teolohiya na sumasaklaw sa 66 na aklat ng Bibliya. Ito ang kanilang ikalawang pagtatapos na umabot ng 100,000 katao, pagkatapos ng halos tatlong (3) taon. Sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemya, binuksan nilang muli ang kanilang mga klase gamit ang online platform na nakapagpalawak nito sa publiko. Bukod dito, nagsagawa ng mga boluntaryong aktibidad ang simbahan upang tugunan ang ilang mga problemang dala ng pandemya, kabilang ang malawakan at patuloy na donasyon ng dugo na nakatulong sa pagbuo ng convalescent plasma laban sa COVID-19 at paglutas ng pambansang kakulangan ng dugo sa Korea, ayon kay Aaron Russo, isa sa mga instructor sa ZCMC.


Sa ginanap na press conference noong Martes, Nobyembre 22, 2022 sa Max’s Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City, pinangunahan nina (mula sa kaliwa) Pastor Josefino Bornales, Pentecostal Holiness Church; Director of Oversees Churches Aaron Russo, Shincheonji Church of Jesus; Abigail S. Saguid, Theology Department Head HQ Philippines (Shincheonji Church of Jesus); at Jun Ewick, president New Life Evangelical Training School Inc. and Senior Pastor of New Life Church. Tumaas ang bilang ng mga pastor at seminarista na nagtapos, na may kabuuang 522 mula sa Korea at sa ibang bansa.


Ang Koryanong pastor na si Heo Jeong-wook ay nagbigay ng patotoo sa seremonya ng pagtatapos. Pagkatapos ng 20 taon ng ministeryo, sinabi niya, “Natutunan ko lamang ang tradisyonal na teolohiya sa seminaryo, ngunit wala akong gaanong alam tungkol sa Aklat ng Pahayag, Isinantabi ko ang mahihirap na salita at itinuro ko lamang ang mga salitang madaling iparating sa mga miyembro. Nagsisisi ako na ako ay isang makasalanan na nagdagdag ay nagbawas sa salita ng Diyos.” Sinabi din nya, “Binitiwan ko ang lahat ng mayroon ako at humarap sa katotohanan. Natapos ko ang kursong ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng tunay na teolohiya na nagdadala sa langit, hindi ang pag-aaral ng tao. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon sa buhay.”


Ibinahagi naman ni Pastor Jun Ewick ng New Life Church ang kanyang karanasan sa pag-aaral ng kurso noong taong 2019. Ayon sa kanya, ang mga pastor ay naghahanap ng katotohanan sa likod ng iba’t ibang mga katuruan sa mga seminaryo. Bilang dating dekano at propesor sa isang Bible school, sinabi niya na ang mga pastor na tulad niya ay may pananagutan sa itinuturo nila sa mga miyembro. Nagpapasalamat siya sa ZCMC at sa chairman nito na si Lee Man-hee sa pag-aalok ng libreng kurso na nakatulong sa kanyang ministeryo. Si Pastor Josefino Bornales ng Pentecostal Holiness Church naman ay isa sa mga pastor na magsisipagtapos ngayong taon. Ninanais niyang ibahagi rin ito sa ibang mga pastor. Plano rin niyang magtayo ng isang Bible center sa kanilang lugar upang maibahagi ang kanyang mga natutunan.


••• Definition of terms NHNE = New Heaven New Earth (English) or Shincheonji (Korean) – the church based in South Korea who hosted the 100,000 bible students graduation ceremony. SCJ = Shincheonji ZCMC = Zion Christian Mission Center – the Bible education institution operated by Shincheonji

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page