top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2023




Direktang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Miyerkules kay Chinese Premier Li Qiang na igigiit ng Pilipinas ang mga karapatan sa soberanya hinggil sa mga alitan sa teritoryo sa South China Sea.


Ang nasabing posisyon ay batay sa depinisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit (Asean), nagpahayag ng pasasalamat si Marcos sa China para sa pakikipagtulungan nito sa Asean, at sinabing nakatulong ito sa paglago ng rehiyon.


Gayunman, ang paglago na iyon ay maaari lamang maging posible sa kapayapaan.


Samantala, hindi umano dapat na pumayag ang Association of Southeast Asian Nations na may maghari-harian na bansa sa South China Sea.


Sa intervention ni Pangulong Marcos sa 43rd ASEAN Summit Retreat dito, inihayag niya na dapat na pumalag ang ASEAN na mapasailalim ang international order sa puwersang ginagamit para sa hegemonic ambition.


Aniya, nahaharap sa isang malaking hamon ang ASEAN.


"History will ultimately judge whether the supremacy of the rule of law prevails, ushering in an era where all nations truly stand as equals, independent and unswayed by any single power,” paliwanag ni Marcos.


"The challenge for us remains that we should never allow the international order to be subjected to the forces of might applied for a hegemonic ambition," hirit pa ng Pangulo.


Dagdag pa niya na committed ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa para maisulong ang freedom of navigation at overflight sa South China Sea na nakabase sa international law kasama na ang 1982 UNCLOS.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 24, 2021



Muling inisnab ng China ang mga diplomatic protest ng Pilipinas laban sa kanila.

Iginiit ng Beijing na magpapatuloy pa rin ang "law enforcement activities" sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.


"China's position on the South China Sea issue is consistent and clear-cut. It is legitimate and reasonable for China's maritime law enforcement authorities to conduct law enforcement activities in waters under China's jurisdiction in accordance with domestic laws and international laws, including the United Nations Convention on the Law of the Sea," ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa press briefing sa Beijing nitong October 21.


Matatandaang inireklamo ng Pilipinas ang panggigipit ng Chinese vessels sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagsasagawa ng maritime patrol sa karagatang sakop ng Pilipinas.


Ayon sa DFA, mahigit 200 diplomatic protests ang isinampa nito laban sa China dahil sa "unlawful radio challenges, sounding of sirens, and blowing of horns" sa mga nagpapatrolyang Philippine vessels sa bahagi ng West Philippine Sea.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020



Umaasa ang Malacañang na magkakaayos din ang United States at China dahil sa patuloy na pagkakaroon ng military tension sa pagitan ng dalawang bansa sa South China Sea.


Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “We hope that both partners of the Philippines will be able to draw an understanding and resolve any and all issues between them amicably and peacefully. This outcome will help further enhance greater stability and security in the region.”


Aniya pa, “This is what is needed for the mutual benefit and interest of everyone in our region.” Naiulat na nagpaputok ang China ng missiles sa South China Sea nitong Miyerkules bilang warning diumano sa US sa panghihimasok nito.


Ngunit ayon sa US ay mananatili ang kanilang presensiya sa South China Sea.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page