top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 30, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Biyernes.


Bandang 7:40 AM nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Cebu Pacific Flight 5J 723 na lulan ang mga naturang bakuna.


Ang mga opisyal naman ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines sa airport.


Samantala, noong July 27, umabot na sa 18,174,405 vaccine doses ang naipamahagi na simula nang mag-umpisa ang vaccination program ng pamahalaan.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 29, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ngayong Huwebes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Cebu Pacific Flight 5J 671 na may lulan ng mga naturang bakuna bandang alas-7:30 nang umaga.


Ang mga opisyal naman ng National Task Force Against COVID-19 ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac doses sa airport.


Samantala, noong Martes ay umabot na sa 18,174,405 doses ang naipamahagi na kung saan 11.3 million ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang ang 6.8 million naman ang nabakunahan na ng second dose.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ngayong Biyernes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Cebu Pacific flight 5J 723 na may lulan ng mga naturang bakuna bandang alas-7 nang umaga.


Dadalhin umano sa cold storage facility sa Marikina City ang mga naturang bakuna na ipamamahagi sa NCR Plus at iba pang lugar na nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.


Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 17 million doses ng Sinovac vaccines ang nai-deliver na sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page