top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 19, 2021


ree

Nagluwag na ang Singapore sa kanilang travel restrictions sa mga papasok sa kanilang bansa.


Lahat ng fully vaccinated na magmumula sa mga bansang Britain, Canada, Denmark, France, Italy, the Netherlands, Spain at US ay hindi na sasailalim sa quarantine simula Oktubre 19.


Nauna na itong ipatupad sa mga manggagaling sa Brunei at Germany noong Setyembre at sa darating na Nobyembre 15 ay ipapatupad din ito sa mga manggagaling sa South Korea.


Base sa kanilang panuntunan, hindi na kailangang sumailalim sa quarantine ng mga fully vaccinated travellers basta magnegatibo ito sa COVID-19 bago ang nakatakdang biyahe.


Samantala, sinabi ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loon na hindi maaaring manatili sa lockdown ang kanilang bansa kaya pipilitin nilang mamuhay nang normal sa kabila ng banta ng COVID-19.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021


ree

Pinagkalooban na ng provisional authorization ang paggamit ng COVID-19 breathalyzer test sa Singapore na naglalayong malaman kung positibo sa Coronavirus ang isang indibidwal sa loob lamang ng isang minuto.


Ayon sa spin-off company mula sa National University of Singapore na Breathonix, nakipag-ugnayan na sila sa health ministry upang magsagawa ng deployment trial sa naturang breathalyzer.


Ang breath analysis ay isinasagawa kalakip ng confirmatory polymerase chain reaction (PCR) COVID-19 swab test.


Ayon sa nasabing kumpanya, ang breath test ay mahigit 90% accurate sa isinagawang Singapore-based pilot clinical trial noong nakaraang taon.


Ang naturang device ay gumagamit ng disposable mouthpiece upang maiwasan ang cross-contamination at matapos itong hipan, ina-assess nito ang chemical compounds mula sa hininga upang malaman kung positibo sa COVID-19 ang isang indibidwal.


Kung positibo ang resulta, isasailalim ang pasyente sa confirmatory PCR COVID-19 swab test.


Samantala, ayon sa Breathonix, nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang local at overseas organizations na nais gumamit ng breathalyzer test.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page