top of page
Search

ni Madel Moratillo | April 26, 2023



ree

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong nagnanais na maharang ang implementasyon ng SIM Registration Act.


Sa pulong balitaan, sinabi ni Supreme Court spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na hindi pinagbigyan ng SC ang hirit na temporary restraining order (TRO).


Sa halip, inatasan lang ng SC ang mga respondent na maghain ng komento sa petisyon sa loob ng 10 araw.


Kabilang sa mga respondent sa kaso ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), at mga telco.


Sa inihaing petition for TRO, hiniling ng petitioners na ideklarang unconstitutional ang SIM Registration Law.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 26, 2023



ree

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang 90-day extension ng subscriber identity module (SIM) card registration period na deadline ngayong araw, Abril 26.


Ginawa ng Pangulo ang pag-apruba bilang tugon sa panukala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpapalawig ng SIM registration period sa ginanap na sectoral meeting na pinangunahan ni Marcos sa

Malacañang kahapon kaugnay sa update ng SIM card registration.


Inatasan ni Marcos ang DICT na ipaalam sa publiko ang ginawang pagpapalawig sa registration.


Hanggang nitong Linggo, Abril 23, mahigit 82 milyong SIM cards umano ang naiparehistro, na katumbas ng 49.31% ng kabuuang active SIMs hanggang Disyembre 2022, o 168,016,400 total number ng active SIMs sa bansa.


Nabatid na target ng DICT na 70% ng mga active SIM ang mairehistro sa 90-day extension.


Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, itinakda ang deadline sa mandatory SIM registration ng Abril 26, 2023.


Gayunman, may probisyon sa batas na maaari itong palawigin kung kakailanganin.

Suportado naman ni Sen. Grace Poe, principal sponsor ng batas sa Senado ang desisyon na palawigin ang SIM registration.


Ayon sa Senadora, dapat kumilos ang telecommunications companies at bumaba sa “grassroots” para makapagparehistro maging ang mga nasa malalayong lugar.


 
 

ni BRT | April 22, 2023



ree

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suporta nito sa panawagang iurong ang deadline ng SIM card registration.


Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, mahalaga ang SIM card registration para sa maliliit na negosyo, lalo na sa mga nasa online selling.


Sa pamamagitan ng rehistradong SIM, makikilala ang mga nagbabayad sa mga digital payment at maiiwasan ang panloloko. Kaya kailangan umanong paigtingin ang kampanya para sa SIM card registration.


“SIM registration is very important as we move towards digital payments, and digital payments are what we need to happen to further promote and develop our MSMEs. Because that’s how they can facilitate accessing the market, being able to sell online,” sabi ni Pascual.


Nakatakda ang deadline ng SIM registration sa April 26.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page