top of page
Search

ni BRT @News | July 16, 2023



ree

Pumalo na sa mahigit 103 million subscribers ang nagparehistro na ng SIM cards.


Ayon sa National Telecommunications Commission, nangangahulugan ito na nasa 61 porsyento ng 168 milyong subscribers ang nagparehistro.


Nanindigan naman ang NTC na hindi na palalawigin ang itinakdang deadline sa Hulyo 25.


Nasa mahigit 48 milyon ang Smart subscribers, mahigit 47 milyon ang Globe at mahigit 7 milyon naman ang DITO subscribers.


Kusang magde-deactivate ang mga SIM card na hindi maiparerehistro bago ang Hulyo 25.


 
 

ni BRT @News| July 9, 2023




ree

Sa gitna ng SIM card registration, lumala at tumaas ang mga insidente ng cybercrime sa Metro Manila nang 152% sa unang kalahati ng taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, hindi bababa sa 6,250 cybercrimes ang naiulat sa pulisya. Mas mataas ito sa 2,477 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Sa mga cybercrimes na naitala sa Metro Manila, ang online scam ay umabot sa 4,446 — isang pagtaas mula sa 1,551 na insidente noong nakaraang taon.


Samantala, sa kabila umano ng SIM registration, posible pa umanong lumala ang cybercrime dahil sa mga malware sa internet, technological development at kapabayaan sa online users.


 
 

ni BRT | May 24, 2023



ree

Patuloy na nakatatanggap ang ilang indibidwal ng mga text scam sa kabila ng pagpapalawig ng SIM Card Registration sa bansa.


Napag-alaman na halos araw-araw, mayroon pa ring random texts na dumarating, ang ilan ay sinasabing nanalo sa isang raffle, o kaya naman ay i-click ang link na ipinadala at ang iba naman ay hinihikayat na maglaro ng games.


Mayroon namang mga scammer na nagpapanggap bilang mga provider ng e-wallet na hinihikayat ang mga user na muling irehistro ang kanilang SIM upang maging aktibo ang kanilang e-wallet, ngunit nilinaw ng Department of Information and Communications Technology na hindi ito totoo


 
 
RECOMMENDED
bottom of page