top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 18, 2021


ree

Halos 99% ng populasyon ng Siargao Island sa Surigao del Norte, kabilang ang mga turista, ang nasalanta ng bagyong Odette, ayon kay Surigao del Norte Representative Francisco Jose Matugas II ngayong Sabado.


"Siguro 90% ng 180,000 na population o 99% ng population doon kasama na 'yung mga turista [ang apektado ng bagyong Odette]," ani Matugas.


Sinabi rin ni Matugas na ayon sa kanyang ama na si Surigao del Norte Governor Francisco Matugas, ang isla ay nakaranas ng "total devastation."


"Sabi niya, total devastation talaga ang buong Siargao. So far, sa paglibot niya yesterday, sa limited na paglibot niya, wala siyang building na nakitang nakatayo. 'Yung mga sementado, either wala ng roof or kalahati na lang," pahayag niya.


"Mostly na mga 80% ng municipal buildings, mahirap na pasukan kasi nakakatakot na. 'Yung ospital naman, dahil located siya sa isang tago na lugar, minimal lang daw 'yung damage sa ospital," dagdag pa niya.


Totally damaged din ang airport terminal sa Siargao.


“'Yung tama ng Odette, direct hit kami, so kahit inland [tinamaan]. Kahit nga bahay nga namin, bumagsak. Inland, bumagsak din," ani pa Matugas.


Unang nag-landfall ang bagyong Odette sa Siargao Island bandang 1:30 p.m. noong Huwebes, Disyembre 16, bago nag-landfall sa Dinagat Islands bandang 3:10 p.m. Ang dalawang nasabing lugar ay isinailalim sa Tropical Cylone Wind Signal No. 4 noong kasagsagan ng bagyo.


Wala pa umanong pinal na bilang kung ilan ang total evacuees.


"Wala pang bilang kasi nag-conduct ng preemptive evacuation a week before pagdating ni Odette. Lahat nasa evacuation center especially those staying beside sa dagat, sa dalampasigan," aniya.


Nitong Biyernes ay humingi ng tulong si Matugas sa national government upang matulungan ang mga apektadong komunidad sa kanilang lugar.

 
 

ni Lolet Abania | December 17, 2021


ree

Ipinahayag ni Surigao del Norte First District Representative Francisco Jose Matugas II ngayong Biyernes na ang Siargao Airport terminal ay “totally damaged” dahil sa bagsik ng Bagyong Odette.


Ayon kay Matugas, batay sa impormasyon na inilahad ng officer-in-charge ng airport na si Richard Alas, matinding impact ang idinulot ng Bagyong Odette sa tanyag na tourist destination kung saan winasak nito ang terminal ng paliparan.


“It is regrettable however that the Siargao Airport terminal was totally damaged. Per Mr. Alas’ initial assessment, the damage of Odette in Siargao is devastating. There are no updates yet as to casualty,” ani Matugas sa kanyang Facebook post.


Ayon sa mambabatas, nilinis na ang runway na napuno ng mga debris.


“Thus, planes and choppers carrying relief goods can land,” sabi ni Matugas.


Sinabi rin ni Matugas na dalawang private planes mula sa Legaspi City ang nakatakdang mag-transport sa team ng mga doktor, mga medisina, at first-aid kits sa Siargao para makatulong sa isasagawang emergency at rescue operations.


Ayon sa state weather bureau na PAGASA, ang Bagyong Odette muling magla-landfall sa buong northern o central portion ng Palawan ngayong Biyernes ng hapon, at muling mamataan sa West Philippine Sea ngayong gabi, at kikilos patungong Kalayaan Islands sa Sabado.


Gayundin, inaasahang lalabas ang Bagyong Odette sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga o hapon.


Tinatayang isa ang nai-report na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan dahil sa bagyo, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 
 

ni Thea Janica Teh | November 21, 2020


ree


Bubuksan na muli sa mga turista ang tinaguriang Surfing Capital ng Pilipinas na Siargao Island simula Nobyembre 23.


Sa inilabas na executive order ni General Luna Mayor Cecilia Ruson, papayagan nang makapasok ang mga turista sa isla at bubuksan na rin simula Disyembre 1 ang Siargao at Surigao Airport.


Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng General Luna na patuloy pa rin na susundin ang travel guidelines at protocols pati na rin ang ilang precautionary measures tulad ng 5-day confirmed booking.


"We have to control the volume of tourists coming in and that we need to assess and adjust with the situation momentarily, rest assured, we will be reconsidering the same in due time," sabi ni Ruson.


Bukod pa rito, ipagbabawal pa rin sa Siargao ang non-essential gathering at patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at hand sanitation.


Ayon naman kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, "As Siargao reopens to travelers, subject to minimum health and safety standards, the people of the island will regain their livelihood and share their paradise to our kababayans once more with the same level of hospitality they have always been known for."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page