top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 3, 2025



Photo: Daniel Padilla - Instagram


Sa pagpasok ng 2025 ay balita ngang nagdi-dispose na umano ng kanyang mga shares si Daniel Padilla.


Last year pa nga napabalita na diumano'y kinonsulta na ng aktor ang kanyang mga business partner at legal team kaugnay ng mga business ventures and investments niya.


At ang chika nga, nag-decide na itong mag-dispose at magbenta ng shares for the obvious reason nga na hindi na niya ma-manage at nag-iiba na ang kanyang economic condition.


Wala naman kaming nakikitang masama o pangit dahil parte naman talaga ng pagnenegosyo ang mga ganu’ng galawan. And yes, for practical reasons na hindi na gaya ng dati ang ‘buhay ekonomiya’ ni Daniel, karapatan niyang ayusin ang kanyang finances.


Unlike before na kaliwa’t kanan at halos buwan-buwan siyang may projects, nag-a-adjust lang si Daniel Padilla at nagpapakatotoo pagdating sa mga araw-araw na usaping pananalapi, ‘noh!



MEANWHILE, may mga netizens naman na tiningnan ang pinag-uusapang pagkain ni Kathryn Bernardo ng grapes under the table noong salubungin nila ang Bagong Taon.


Naging tradisyon na kasi sa pamilyang Bernardo ang mga ganu’ng bagay, kaya’t kumbaga ay pina-practice lang nila sa ganu’ng okasyon, lalo’t may kinalaman ito sa usaping yaman at pananalapi.


Kaya lang, may ilan tayong kababayan na bukod sa hindi nila pinaniniwalaan ang ganu’ng tradisyon, tinitingnan nila ito sa ibang bagay.


Para raw kasing ang suwapang sa pera at naghahangad ng sobrang yaman ang pamilya ni Kathryn, mereseng magmukha na itong engot na nasa ilalim ng mesa habang kumakain ng bilog na prutas.


Well, wala namang masama sa mga ganu’ng paniniwala at kaugalian kapag New Year, ‘noh! Ang mga tao talaga, may masabi lang, lalo’t obvious na naiinggit sila sa yaman ng mga Bernardo. Hahaha!



SA darating na Manila International Film Festival (MIFF) sa USA come January 30-February 2, 2025, kasama pala sa official entries ang Hello, Love, Again (HLA) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Yes, bukod sa 10 naging official entries sa MMFF, kasama ang movie ng KathDen. Meaning, kung official entry din ito, kasama rin sila sa posibleng manalo ng awards come its own version of awards night.


Ang team na nag-organisa ng MIFF ay pinamumunuan ni Meriden Angeles bilang producer at founding members naman nito sina Omen Ortiz, Ebradu Udarbe, Lisa Lew, Ruben Nepales, Celia Abaya-Dy, Leo de la Cruz, Erickson Ilog, Ron Ramores at Cindy Sison.


Medyo naintriga at naloka lang kami sa tsismis ng aming mga katsika from the USA na diumano’y iniimbitahan ng naturang team ang mga sobrang yaman na mga Fil-foreign businessmen na maging jury member as investment?


Hahaha! Hindi pa man nagsisimula ang second offering ng MIFF, may ganito nang intriga?


Uy, siyempre naman, negosyo ‘yan, ‘noh!


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 30, 2024





Sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), isang action movie lang ang nakapasok sa lineup — ang Topakk mula sa Nathan Studios. Pero sa kabila ng tagumpay nito sa takilya at international acclaim, tila hindi ito sapat para bigyan ng hustisya ng MMFF jury. 


Opo, mga Ka-BULGARians, tila binastos ang pelikulang nagdala ng bagong mukha sa action genre sa Pilipinas!


Hindi maikakaila na sina Arjo Atayde, Julia Montes at ang buong cast ng Topakk ay nagbigay ng todo-laban na performance. Si Arjo, bilang si Miguel, isang dating sundalo na may Post-Traumatic Stress Disorder (PTS) ay nagpakitang-gilas sa kanyang nuanced acting. Samantala, ang tambalan nila ni Julia ay nagpasabog ng chemistry na nagpapatibok sa puso ng madla.


Ang pelikula ay may dalawang rating pa nga—R-16 at R-18—depende sa venue, na nagre-reflect ng matapang nitong storytelling at brutal na realismong hatid ni Direk Richard Somes. Pero kahit na sobrang tarush ng pelikula, tila wala itong dating sa MMFF jury. Ang tanong, bakit nga ba ganu'n, mga ateng?


December 19 nang mag-grand premiere ang Topakk, kung saan nagmistulang star-studded na event ang black carpet night. Pero bago pa ito nagkaroon ng bonggang homecoming, nauna nang pumalakpak ang international audience sa 78th Cannes Film Festival (CFF) at 76th Locarno Film Festival (LFF). Ang sabi nga ng producer na si Sylvia Sanchez, “Natutuwa po ako kasi very proud ako as producer and as the mother of Arjo na pinapalakpakan ng mga dayuhan ang Topakk sa ibang bansa.”


Pero sa MMFF 50th Awards Night noong December 27? Wala man lang major award. 

Nakakaloka, ‘di ba? Ang pelikulang world-class na kinilala sa ibang bansa, eh, binigyan ng balewalang moment sa sariling bayan.


Ang bawat eksena ng labanan sa Topakk ay parang roller coaster ride—matindi, mabilis, at puno ng emosyon. Pero higit sa suntukan at barilan, may puso ang pelikula.


Nagpapakita ito ng kuwento ng survival, trauma, at redemption.

Ang sabi nga ni Sylvia, “Kundi man natin malampasan ang mga gawang dayuhan, at least makasabay man lang tayo in terms of production value and execution.”


Kahit ang mga kontrabida ng pelikula, na ginampanan nina Sid Lucero, Paolo Paraiso, atbp. ay hindi basta-bastang cardboard villains. Nabigyan nila ng lalim ang kanilang mga karakter, na nagdala ng dagdag-tensiyon sa pelikula.


Ngunit sa kabila ng galing ng pelikula, tila nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ang MMFF jury. Ano ito, may favoritism? Ang daming dapat kilalanin mula sa Topakk —mula sa script hanggang sa production value—pero ni hindi man lang ito nabigyan ng karampatang pansin.


Nakakaduda tuloy kung ang MMFF ba ay para sa quality films o para sa commercial preferences lang. Ang tanong, paano na ang mga filmmakers na tulad ni Somes na naglalagay ng puso’t kaluluwa sa kanilang mga gawa?


Takilya ang tunay na hukom. Pero mga Nini, walang makakapigil sa tagumpay ng Topakk. Sa kabila ng pagbalewala ng MMFF, nag-reign supreme ito sa takilya. 


Dagdag pa, maraming sinehan ang nagdagdag ng screenings dahil dinudumog ito ng mga tao. Totoo nga, walang makakapigil sa pelikulang may puso at aksiyon.


Kung gusto n’yong makita ang tunay na kalidad ng pelikulang Pilipino, aba, Topakk na ang dapat n’yong panoorin! Ito ang pelikula na hindi lang para sa entertainment, kundi para ipakita ang resilience ng Pinoy sa harap ng trahedya.


Sa mga fans ng action at drama, huwag nang patumpik-tumpik pa. At sa MMFF, sana naman next year, magbigay-pugay kayo sa karapat-dapat. Dahil ang sining, hindi lang para sa kita. Ito’y para sa puso at kuwento ng bawat Pilipino. 



MGA Ka-BULGARians, kung ikaw ay isang sucker para sa mga pelikulang puno ng emosyon, The Last 12 Days (T12D) ay isang obra maestra na hindi mo dapat palampasin. 


Ang grand finale ng T12D ay isang cinematic gem na siguradong tatagos sa puso ng bawat manonood. Sa direksiyon ng mahusay na si CJ Santos, at sa pangunguna nina Mary Joy Apostol at Akihiro Blanco, ang pelikulang ito ay isang showcase ng galing sa storytelling at pag-arte.


Ang T12D ay nagkukuwento ng pinakamahirap na yugto sa relasyon nina Camille (Mary Joy Apostol) at Daniel (Akihiro Blanco). Matapos ang kanilang mga pinagdaanan sa unang dalawang bahagi ng saga, ngayon ay haharapin nila ang pinakamabigat na pagsubok—ang laban ni Daniel sa isang life-threatening na sakit.


Habang pinapanood ko, ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat eksena. Hindi pilit ang drama; ang sakit, ang pag-asa, at ang pagmamahalan nina Camille at Daniel ay parang buhay na buhay. Makikita mo ang vulnerability ng bawat karakter, lalo na kung paano nila hinaharap ang posibilidad ng pagkawala. 


Isa itong pelikula na hindi lang tungkol sa love story—tungkol din ito sa pagharap sa sakit at kung paano magpatawad at magmahal sa kabila ng lahat.


Isa sa pinakamalakas na punto ng pelikula ay ang chemistry nina Apostol at Blanco. Sa bawat eksena, makikita mo kung gaano sila kagaling magdala ng emosyon. Sa mga tahimik na sandali, nag-uusap ang kanilang mga mata. Sa mga confrontation scenes, ramdam na ramdam mo ang pagmamahalan at takot na mawalan.


Si Mary Joy ay parang ipinanganak para sa papel na Camille. Siya ang boses ng pag-asa sa kuwento, at ang galing niyang mag-internalize ay parang pinaniniwalaan mong tunay siyang si Camille. 


Si Akihiro Blanco naman ay isang revelation. ‘Yung pain na ipinakita niya bilang Daniel ay hindi over-the-top—sakto lang, kaya mas nakakaiyak.


Saludo ako kay CJ sa paghubog ng isang pelikula na sobrang raw at intimate. Malinaw na hindi lang siya gumagawa ng drama para lang makaiyak; ang bawat eksena ay may layunin. Pati ang pacing, sobrang na-maintain kahit na mabigat ang tema.


Ang cinematography ay visually stunning, parang sumisigaw ang bawat frame ng lungkot at pagmamahalan. 


Mula sa malalapit na kuha sa mga mukha ng mga bida hanggang sa mga wide shots ng nature, ramdam mo ang isolation at pag-asa. Simple pero effective ang visuals sa pagdadala ng damdamin.


Pati ang musical score ng pelikula ay tagos sa kaluluwa at ito ay isang malaking bahagi kung bakit ito mas nakakakilabot. 


Ang T12D ay higit pa sa kuwento ng pag-ibig; isa itong paalala kung gaano kahalaga ang bawat sandali na kasama natin ang mahal natin sa buhay. 

Kung ikaw ay naghahanap ng pelikula na magpapaiyak sa ‘yo pero mag-iiwan din ng lesson, ito na iyon. Minsan, ang pagmamahalan ay hindi tungkol sa happy endings—tungkol ito sa pagsasakripisyo at pagharap sa masakit na realidad.


Ang T12D ay isang pelikulang hatid ng Blade Entertainment sa pangunguna ni Robert S. Tan. Ang film ay hindi lang basta pinapanood, kundi nararamdaman. Isang maganda at makapangyarihang pagtatapos sa T12D


Isa lang ang payo ko, maghanda ng maraming tissue sa panonood ng pelikulang ito. 

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 30, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto sa Uninvited MMFF - Instagram


“Who betrays you once, will betray you a thousand times. There is no need to drink the whole sea to realize that it’s salty,” ang makahulugang post sa Facebook (FB) account ni Ate Vi or Vilma Santos-Recto.


Ang nasabing post ay lumabas kahapon nang tanghali (December 29), two days after ng iskandaloso at kontrobersiyal na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Awards Night.


Although wala namang makapagsasabi kung may kinalaman ‘yun sa very disheartening happening last December 27 kung saan gayung siya ang matunog na magbe-Best Actress ay si Judy Ann Santos nga ang nakapag-uwi ng tropeo, pero since bihira namang mag-post ang Star for All Seasons ng tila mala-cryptic message, posibleng ipagpalagay na may pinatutungkulan nga ito. Kung sino man ‘yan o sino man sila na sinasabing “nag-betray” umano o may betrayal na ginawa ay tiyak namang mabubulgar din soon.


Hindi naman din ‘yun pagpapahayag ng “bitterness” gaya ng sinasabi ng ibang mga bashers na tila natutuwa pa sa sinapit sa awards night ng Uninvited.


Ang bitter ay ‘yung mga taong kuda nang kuda pero ni hindi magawang manood o magbayad ng sine para alamin ang totoo. At ‘yan ay hindi fake news, huh!


As we write this, nadagdagan pa ang mga sinehan ng Uninvited bilang pagpapatunay na ang sambayanan na ang nagsasalita.


Naku po, gustung-gusto ‘yan ng mga organizers ng festival dahil dagdag-prestige at kontribusyon sa mga kaban nila ang mga kumikitang entries.  


Never daw in-expect na mananalo…

AGA, NAG-BEACH AFTER ‘DI MA-NOMINATE SA 50TH MMFF AWARDS NIGHT


Samantala, sa naging chat conversation namin ni Aga Muhlach ay ikinuwento nitong bumalik nga siya sa “dagat” kung saan kasama niya ang buong pamilya na nagbabakasyon for the holidays.


Sandali lang siyang lumuwas ng Manila last December 27 for the awards night at kahit ramdam naming naapektuhan din ito ng iskandalo, pamilya agad ang kanyang binalikan sa naturang beach resort somewhere in Luzon.


“Just happy to be back sa dagat with my family. Happy ako for all the winners. Never expected to win naman or be recognized. It’s always been my practice. It’s work. Can’t be emotional. But...I really appreciate everyone’s concern and support. We always move on, kapatid. God is good. Love you my friend!!! Appreciate you,” ang bahagi ng chat ni Aga nu’ng ito’y kinumusta namin after the event.


“All good, I’ll see you soon,” dagdag pa nito na nagpapaabot din ng pasasalamat sa mga taong naniwala at patuloy na nagtitiwala sa kanya at sa mga sumuporta sa entry nilang Uninvited.


Todo-promote nu'ng una sa 2 entries…

UGE, LAGLAG SA MGA NOMINADO SA BEST SUPPORTING ACTRESS, TAMEME


MARAMI rin ang nagulat na tila walang reaksiyon o anumang pahayag si Eugene Domingo sa pagkakalaglag niya sa mga Best Supporting Actress nominees gayung naging masigasig siya sa pag-promote ng 2 entries na kasali siya. 


Naging very vocal si Uge during the promo period na magkaiba at kapwa niya kayang ipagmalaki ang parehong movies sa buong mundo.


Na kesyo sobra siyang proud na kahit hindi siya ang main lead sa isa at special participation lang sa isa ay laban na laban diumano ang mga ito.


Pero after ngang hindi siya makakuha man lang ng nomination, at halos nag-rally na rin ang mga naniniwalang may “K” siyang ma-nominate, bigla ring nanahimik ang mundo ni Uge at ni joke ay walang magawa sa iskandalosong filmfest awards night.


“Very unusual for someone like her na nakilala nating very vocal at outrageous pa nga sa mga ganyang ganapan? Hmmm… may alam kaya siya na hindi natin alam?” ang maintrigang tanong ng mga netizens. 


May hirit pa nga sila na gaya raw ni Vice Ganda ay naitatawid ni Uge ang mga “puna at batikos” in a very amusing way.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page