top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 6, 2025





Hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pagpo-promote niya pa rin ng pelikulang Uninvited. Kahit nabalot ng kontrobersiya ang hindi pagkapanalo ni Ate Vi as Best Actress sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan tinalo siya ni Judy Ann Santos, buong-puso itong tinanggap ni Ate Vi with so much humility and grace. 


Tinapos pa rin niya ang awards night at take note, hindi siya nag-walkout, mga Ka-BULGARians, hindi katulad nu’ng isang aktres na nag-walkout nu’ng hindi nanalo last year.


Napakaganda ng ipinakitang ehemplo o halimbawa ni Ate Vi sa ating lahat, kaya heto, super blessed pa rin siya at ang buong cast ng Uninvited dahil dumadagundong na ang pangalan nito sa international scene, mga ateng! 


Isa itong pelikulang may lalim, emosyon, at aksiyon na siguradong tatatak sa puso ng

mga manonood.


Sa mga hindi pa nakakapanood, aba, mga mars, huwag nang paawat dahil eto na ang listahan ng mga international screenings — January 2: UAE, Qatar, at Bahrain; January 10: US at Canada; January 19: Malta at Paris, France.


Ang pelikulang ito, na opisyal na kalahok sa ika-50 MMFF ay pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos, na nagpatunay muli kung bakit siya ang Reyna ng Pinilakang Tabing. 


Grabe, mga sis, ibang level ang performance ni Ate Vi rito – parang sinasaksak ang puso mo sa bawat eksena!


Ang kuwento? Juicy at intense! Sa isang sosyal na party ng bilyonaryong negosyante (played by Aga Muhlach), biglang rumampa si Vilma bilang Eva, isang ina na buong-tapang na bumangga sa mga kalalakihang pumatay sa kanyang anak isang dekada na ang nakararaan. 


Naging vigilante si Eva, at isa-isa niyang pinatay ang mga kontrabida — mula kina Cholo Barretto bilang Celso Batac, Ketchup Eusebio bilang Jomar Maitem, hanggang kay Gio Alvarez bilang Randall Ballesteros.


Pero wait lang, mga ‘teh, hindi lang ito basta revenge story. Binigyang-diin din ng pelikula ang mga sensitive na isyu tulad ng karahasan, katiwalian, mental health, at ang kabayanihan ng isang ina. Talaga namang itinatak ni Direk Dan ang mga flashback para mas mapiga ang emosyon ng bawat eksena.


Ang cast? Wagas, mga sis! Mula sa pagganap ni Nonie Buencamino - kahit maikli ang role - hanggang kina Mylene Dizon bilang Katrina Vega (asawa ni Guilly), Tirso Cruz III bilang Colonel Red, at Lotlot de Leon bilang Norma, todo ang intensity. Alam mong pinag-isipan ang bawat casting at execution. 


At ang villain? Juicy ang pagka-intense ng karakter ni Guilly na ginampanan nang bongga ni Aga.


Milya-milya ang narating ng pelikula sa dami ng isyung tinatalakay nito. Habang ang ibang biktima ay natakot, tumanggap ng suhol, o tumakas na lang, si Eva, tumayo bilang boses ng hustisya. 


Shocks lang, mga bes, parang sinampal ka ng reality check – ano’ng gagawin mo kung ikaw si Eva?


Hindi rin nagpahuli ang audience reactions — imagine mo, palakpakan sa dulo ng bawat screening! Ang sarap sa puso na makitang maraming naka-relate, naantig at naliwanagan.


May ilang eksenang medyo over sa execution, pero hindi mo ito mararamdaman dahil sobrang lakas ng climax. Hindi rin maiiwasang ikumpara ito sa ibang MMFF entries tulad ng And The Breadwinner Is… (ATBI) ni Vice Ganda, pero mga bes, ibang liga ang Uninvited.


Isa itong pelikula na hinding-hindi mo malilimutan. Bukod sa all-star cast, ang kuwento mismo ay tumagos sa puso ng mga tao. 


Kaya kung may time kayo, mga bakla, i-schedule na ang panonood abroad!

Congratulations sa buong team ng Uninvited! Isang pelikula itong hindi lang para sa aliw kundi para rin sa pagbabago. 


Bravo, Ate Vi, at sa lahat ng bumuo ng obra maestrang ito!

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 6, 2025



Photo: Barbie at Jak - IG Barbie Forteza


At dahil sumabog na nga ang breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto, maraming speculations as expected ang kumakalat, kasama na rito ang diumano’y na-fall out of love ang isa habang na-pressure naman ang isa sa isyu ng trabaho?


Hindi na natin sasabayan pa ang naturang espekulasyon, lalo’t isang napakasakit na pangyayari ang pag-end ng 7-year relationship ng dalawa na inakala nga ng marami na mauuwi sa kasalan.


Ibigay na lang natin ‘yun sa kanila, lalo’t may mga nagsasabi namang sinubukan pa rin nila itong i-save.


Pero isyu ng emosyon at pag-ibig ‘yan, kaya’t wala po tayong karapatang makialam pa.


Here’s simply wishing the both of them na maayos nilang pagdaanan ang proseso ng pain and hurt at sana ay manatili silang friends. 



May pagka-sadista rin at tila delulu ang ibang agad na umaasang may future na ang BarDa o ang tambalang Barbie at David Licauco.


Lalo’t sa latest post ng hunk actor nitong pag-end ng 2024 ay nagpapahiwatig umanong wala itong love life o single pa.


Agad ngang nag-viral ang wish ng marami na ligawan na niya si Barbie, though may mga nag-remind naman ditong maging “cautious sa three-month rule”.


Kaya ‘yung mga delulung fans, nagtakda na sa April 2025 ay asahan na raw nating harap-harapan nang manliligaw si David kay Barbie. 


Nakakaloka namang talaga ang buhay minsan. Hahaha! Nauuna at nagdidikta pa talaga ang mga ito sa buhay ng idolo nila.


But knowing showbiz, kung pagkakakitaan ang ganito, sasakyan ‘yan ng mga produ at iba pa ring nagsasantabi ng emosyon para sa salapi. Hahaha!



“NATURINGANG award-winning at batikang direktor, tumatanggap ng ganyang project?” ang pintas ng netizen kay Direk Gina Alajar sa pinag-uusapang teaser ng kontrobersiyal na upcoming movie ni Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).


Yes, hindi pa man nga ipinalalabas o baka nga hindi pa man tapos ay nakakuha na ng matinding reaksiyon ang teaser ng movie ng iskandalosong direktor na si Darryl.


Pati tuloy ang mga batikang aktres at direktor gaya ni Gina ay napupulaan, kasama na sina Mon Confiado at Shamaine Buencamino na pawang mga kilalang de-kalibreng performers din.


We still have to hear from Direk Gina and company kung bakit tinanggap nila ang project na kapag under Darryl Yap ay tinatawag na diumano’y “basura o nagpapabibo lang”.


But the fact na pinag-uusapan ang teaser where Direk Gina was asking the female lead kung nireyp siya ni Vic Sotto (sobrang nakakalokang teaser), masasabi talaga nating ganu’n kahusay at katindi bilang aktres ang isang Gina Alajar.



 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 5, 2025





Kilalang palaban at walang preno, muling pinatunayan ni Annabelle Rama na hindi siya magpapatalo pagdating sa mga mahal niya sa buhay. 


Sa isang recent ganap, binasag ni Annabelle ang katahimikan at diretsahang binara si John Estrada tungkol sa mga ginagawa umano nitong pagpapapansin kay Barbie Imperial.


Sa gitna ng isang ambush interview, walang halong arte o pasosyal si Annabelle nang sabihin niya ang kanyang saloobin. 


“‘Pag trabaho, trabaho lang. ‘Wag nang kukulitin ang mga batang kababaihan, tigilan mo na si Barbie, Dong. Mahiya ka naman, ang tanda mo na!” wika niya nang may halong diin at pangingilag. Talagang walang filter, mga Ka-BULGARians!


Usap-usapan kasi ang closeness nina John at Barbie noong magkasama sila sa taping ng Batang Quiapo (BQ). Pero ngayon, tapos na ang showbiz trabaho ni Barbie sa serye, kaya bakit daw kailangan pang i-maintain ni John ang ‘communication’? Sino ba ang source? Si Marites ba o ang mga tita-tits sa likod ng kamera?


Ang mas nakakaloka, hindi lang simpleng friendship over ang pinag-uusapan. Ayon sa mga chika, tila nawiwindang ang mga fans sa isyung may love triangle umano sa pagitan nina Barbie, John, at Richard Gutierrez. 


True ba itez? Sabi nga ng mga netizens, “Ano na, ‘teh? Dapat pang-MMK ang drama!”

Kung bakit naman super-affected si Annabelle, eh, dahil daw naging close si Barbie sa pamilya ng Gutierrez. May tsikang si Barbie ay may something-something noon kay Richard, kaya naman protective si Tita A. 


Minsan nang pinatunayan ni Annabelle na kahit hindi niya literal na anak, kayang-kaya niyang depensahan ang mga taong malapit sa kanya. Ang taray ni mader, ‘di ba?


Nang tanungin kung siya na ba ang bagong manager ni Barbie, cryptic ang sagot ng Queen Mother, “Malalaman ng mga tao sa mga susunod na araw.” 


Hmmm, ano kaya ang pasabog? Manager vibes ba o Marites extraordinaire lang?

Dahil nga sa dami ng eksenang ito, trending din ang ganap nina Barbie at Richard na kasalukuyang nasa Japan. Pero ang catch? Magkahiwalay silang nagbabakasyon.


Walang sweet photos, walang clingy moments, kaya naman hindi maiwasan ng mga tao na magtanong: “Split na ba sila?”


Kung may ganap nga sa pagitan nina John at Barbie, dagdagan mo pa ng posibilidad ng tampuhan nina Barbie at Richard. 


Aba, eh, parang teleserye na ang peg ng drama nila. 

Si John naman, still tahimik sa mga patutsada ni Annabelle. Huwag nang umasa ng sagot agad, kasi nga naman, baka mas lalong mabudol ang plot twist.


Habang tikom pa ang bibig ng lahat ng involved, tuloy ang chikahanchi ng mga tao sa social media. 


Ang tanong, matatapos ba ito bilang simpleng issue lang o isa na namang climactic chapter ng madrama nating showbiz world?


Abangan na lang natin ang next eksena. Sabi nga ni Annabelle, “Dong, mahiya ka naman!” 


Baka naman next time, may bagong bida sa kuwentong ito. Ang importante, maayos ang lahat —o baka naman, magkabukingan na! Choz!


‘Yun na! Ambooolancia!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page