top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 13, 2025



Photo: Aegis - SS from video / CB


Malaking kawalan ang pagpanaw ng isa sa members ng Aegis Band na si Mercy Sunot. 

Aminado ang magkapatid na Juliet at Ken Sunot, maging ang iba pang miyembro ng legendary band na sina Rowena Pinpin, Vilma Goloviogo at Rey Abenoja na napilayan sila sa biglaan at hindi inaasahang pagkamatay ni Mercy noong Nov. 18, 2024 sa USA dahil sa sakit nito.


Emosyonal nga ang Aegis sa ginanap na mediacon nila para sa kanilang upcoming Valentine concert titled Halik sa Ulan: A Valentine Special na magaganap sa Feb. 1 and 2 sa New Frontier Theater dahil mami-miss nga raw nila at maninibago sila na hindi na nila kasama si Mercy.


Kaya asahan nang bukod sa pagbirit ng Aegis ay babaha rin ng luha sa concert habang kinakanta nila ang kanilang mga pinasikat na kanta tulad ng Luha, Halik, Basang-Basa sa Ulan at iba pa.


At baka nga pati ang kanilang mga guests tulad nina Julie Anne San Jose, Morissette atbp. ay makiiyak din.


Anyway, tinanong namin ang Aegis Band kung may balak ba silang palitan si Mercy sa kanilang grupo since may mga kumakalat na kinokonsidera raw si Lyka Gairanod para mapasama sa kanila.


Sina Juliet at Ken ang sumagot na wala silang balak palitan si Mercy at wala raw makakapalit dito na sinuman.


Nakakatawa naman ang kuwento ni Vilma Goloviogo nang matanong kung na-reject na rin daw ba ang grupo lalo na nu’ng nag-uumpisa pa lang sila.


Aniya, may time raw na ayaw nang patugtugin sa isang bar ang mga kanta ng Aegis dahil sobrang wild na ng mga fans at nambabato kapag may request silang hindi pinagbibigyan.


Ganu'n kalakas ang grupo na hanggang ngayon, kahit marami nang bagong bandang sumikat, hindi nalalaos ang Aegis, maging ang kanilang mga kanta.


Kaya sa mga fans ng Aegis, don't miss the chance na muli silang mapanood sa kanilang Valentine concert na Halik sa Ulan mula sa direksiyon ni Frank Lloyd Mamaril.


Wais ang style…

MOVIE NI VICE, PROMO NG PARTYLIST





May konek pala ang 50th MMFF movie ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is… sa kanyang ineendorsong partylist, ang Angkasangga Partylist.


Nagpahayag ng buong suporta si Vice Ganda sa adbokasiya ng Angkasangga na itaguyod ang kapakanan ng mga breadwinner, lalo na sa informal sector.


Sa isang rally na dinaluhan ng 4,000 katao sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Maynila, pinuri ni Vice Ganda ang first nominee ng Angkasangga na si Angkas CEO George Royeca, sa kanyang dedikasyon sa pagprotekta sa mga manggagawa ng bansa.


Bukod sa kapakanan ng mga breadwinner, nais din ng Angkasangga na tugunan ang mahahalagang isyu tulad ng pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksiyon ng mga manggagawa.


Just wondering kung nagpabayad kaya si Vice Ganda sa pag-eendorso nito o kusang-loob lang niya ito dahil sa paniniwala sa advocacy ng Angkasangga?



Tinanghal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Tempo, PEP, Manila Bulletin, Pinoy Entertainment Guide (FB) matapos ang idinaos na taunang halalan nu'ng Biyernes sa tanggapan ng PMPC sa QC.


Si Fernan "Ms. F" de Guzman naman ang inilagay ng may 37-voting members bilang bagong bise-presidente ng samahan.


Si Jimi Escala ang 'waging Secretary, Online; Assistant Secretary-Mildred Bacud, Online; Treasurer-Boy Romero, Assistant Treasurer-John Fontanilla, Auditor-Rodel Fernando, PRO for English-Eric Borromeo, Online (Editor) for Filipino-Blessie Cirera.


Ang bumubuo naman ng Board of Directors ay sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, at Francis Simeon.


Sa nakalipas na 40 taon, kinikilala ng PMPC at ipinagdiriwang ang kahusayan sa industriya ng pelikula, telebisyon at musika sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong taunang okasyon, ang Star Awards for Movies, Television at Music.


Nakasentro ang PMPC sa paghahatid ng mga pinakabago at sariwang balitang showbiz sa iba't ibang uri ng plataporma.


Sa kasalukuyang pamamalakad ng bagong pamunuan, nakatuon ang PMPC sa lalo pang pamamayagpag at pagpapatuloy ng adhikain nitong itaas ang antas ng showbiz industry.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 11, 2025



Photo: Star Cinema at KimPau - IG Paulo Avelino


Nagkakagulo ang mga supporters ng KimPau dahil sa balitang iniurong ng Star Cinema ang supposedly Valentine playdate ng movie nila na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).


Kumalat din ang tsikang kapwa in-unfollow nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang Star Cinema (SC) sa socmed.


From February playdate na inumpisahan nang i-promote ng dalawang lead stars, bigla umanong gagawin na sa April ang showing.


“Nagpaumpisa na silang (Star Cinema) magpakilig. May mga pa-coded emote pa ng relasyon, tapos babalitaan kami ng ganito?” litanya ng ilang KimPau fans.


Ang mas nakakaloka pa, bina-bash umano ang dalawa dahil idinadamay ng iba ang name ni Kathryn Bernardo na sa bakuran nga ng SC ay itinuturing na box office queen.


Nu’ng una ay inisip ng marami na baka isa na naman itong pakulo para mag-ingay ang movie, pero mukha ngang naka-unfollow ang KimPau sa SC?

Wala pa ring tugon ang SC sa reklamong ito ng mga KimPau fans.


Topic nang bumisita sa Palasyo…

SOFRONIO, UMAMIN KAY PBBM NA PABALIK-BALIK SA CR SA SOBRANG KABA NU’NG SUMALI SA THE VOICE USA 



Nakakatuwa ang pagiging very candid ng naging usapan nina Sofronio Vasquez at President Bongbong Marcos (PBBM) with FL (First Lady) Liza Marcos.


Sa ginawang courtesy call ng The Voice USA (TV USA) champion sa Malacañang kamakailan, nagmistulang big star si Sofronio, lalo’t siya ang naging sentro ng chikahan at tanungan.


Bukod sa pagkanta ng naging winning song niya sa The Voice, naghandog din si Sofronio ng paboritong The Beatles song ni PBBM na Imagine.


Pero mas marami ang naaliw sa chikahan nila, lalo na sa usaping mga seremonyas bago sumalang sa contest.


Ibinahagi ni Sofronio na lagi siyang “nagbabawas sa CR” bago kumanta to ease out some pressure, nerbiyos at kaba.


Although natatawa, sinabi nina PBBM at FL na normal at natural umano ‘yun, lalo't sasalang ka nga sa show. Marami lang ang natuwa dahil candidly, napag-uusapan nga sa Palasyo ang ganu’ng mga pang-CR na bagay. Hahaha!


Bumilib din ang marami sa Pangulo dahil kahit lantad na Kakampink at supporter ni Leni Robredo si Sofronio last elections, inestima nila ito nang maayos.


Pagsuko sa NBI, kino-comedy pa… 

RUFA MAE, NANGUTANG PARA SA P1.7 M PIYANSA


SPEAKING of kinabiliban, marami rin ang humanga kay Rufa Mae Quinto sa pagiging natural nito sa pagsuko ng sarili sa National Bureau of Investigation (NBI).


Sa airport pa lang ay kinagiliwan na ng mga netizens ang kakikayan ni Rufa na winelkam back ang sarili at nagdeklarang didiretso siya sa NBI para sumuko dahil sa kinasangkutan na isyu sa isang beauty care company na kinuha lang siyang endorser.


Nagawa pa ni Rufa na matulog sa opisina ng NBI dahil hindi nga nila inabutan ang office hours dito.


Nagpapasalamat din ang comedienne actress na pinayagan siya ng korte na makapagpiyansa dahil sinasabi niyang siya rin ay isang biktima.


As of this writing, balitang may mga proyektong nakatakdang gawin si Rufa dahil ayon sa kanya, nangutang siya para ipandagdag sa P1.7 milyong piyansa at iba pang gastusin sa kaso.


Bukod pa raw dito ang kakaharapin niya para sa ipinaglalabang anak sa mas personal niyang laban sa asawa.


Seryosong mga usapin subali’t hindi mo mahihinuha na pinagdaraanan ng laging nagpapatawang aktres.


Hay…


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 10, 2025





Bagong inspirasyon at bonggang pasabog ang dala ng pelikulang Nasaan Si Hesus? (NSH), isang adaptasyon ng hit stage musical na isinulat ng yumaong Nestor U. Torre. 


Pero bukod sa madamdaming kuwento nito, ang isa sa mga highlights ng upcoming film ay ang papel ni Geneva Cruz bilang isang singing nun. 


Yes, Mare! Hindi mo inakala, pero ang ating ageless diva, na palaging on fleek, ay bibida bilang madre sa pelikula!


First time ni Geneva na gumanap bilang madre, kaya naman sobrang excited siya. 

Aniya, “I’ve never done a musical in film. So I’m very excited to do this role now.” 


At kung na-curious ka sa story niya bilang halos madre sa totoong buhay, heto ang chika: bata pa lang siya, talagang gusto na niyang maging madre. 


“I’ve always wanted to be a nun. I had a crush when I was 12 years young. Pero later on, na-realize ko na hindi pala puwede mag-asawa ang mga madre, so medyo nalungkot ako when I realized that,” ani Geneva. 


Hay, ‘teh, sino ba naman ang hindi naloka sa ganitong realization, ‘di ba?


Hindi na nga siya natuloy maging madre dahil, well, life happened! Napaaga ang motherhood journey ni Geneva at nabuntis siya sa edad na 19. Pero alam mo, wala siyang pagsisisi sa pagiging isang ina. 


“I’m really happy as a mom. I also realized na hindi dapat naka-based sa lalaki ang happiness ko,” pagbabahagi niya. 


Ang ganitong wisdom ay talagang nakaka-good vibes, lalo na’t isinasabuhay niya ito bilang isang strong and empowered momshie.


Ang panganay niyang si Heaven ay 28 years old na ngayon at sumabak na rin sa music scene. Recently, magkasama sila ni Gloc-9 sa isang show sa US. Talagang mana sa ina, char! 


Samantala, ang kanyang daughter naman ay isang firecracker na gustong maging popstar at member ng girl group. 


“Grabe s’ya gumalaw. Basta, I’m sooo proud of her. Kung nakita n’yo ako sumayaw at gumalaw when I was with Smokey Mountain, double pa nu’n ang galaw ng daughter ko,” sabi pa ni Geneva. 


Ang sarap lang marinig na hindi lang siya ina, kundi proud na stage mom din!

Bukod sa pagiging hands-on mom, talagang picky si Geneva sa mga proyektong tinatanggap niya. Gusto niya kasing sigurado na worth it ang mga gagawin niya para sa kanyang pamilya at sa kanyang sariling legacy. 


“Namimili rin talaga ako ng mga pelikulang gagawin ko. Kasi parang hindi rin magugustuhan ng 28-year-old son ko,” ani Geneva. 


Kahit sa pagtanggap ng sexy roles, mindful siya. “Ayoko ma-typecast doing just that. It’s a compliment to still be considered to play sexy roles even at my age. Being sexy is just a look and an image just on stage,” dagdag niya. 


Oh, ‘di ba, beauty with brains talaga si Madam Geneva!


Sa pelikulang NSH, aabangan natin kung paano niya bibigyang-buhay ang isang madre na umaawit at nagdadala ng pag-asa sa mga tao sa gitna ng mga pagsubok. Isang inspirasyon si Geneva hindi lang bilang artista kundi bilang isang ina, anak, at babae na hindi natakot yakapin ang kanyang journey. 


At kung tatanungin mo siya kung nasaan si Hesus? Aba, nandiyan lang Siya sa puso ng ating ageless queen na walang kupas—sa loob at labas!


Makakasama ni Geneva sa pelikulang NSH sina Rachel Alejandro, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sanchez, Rachelle Gabreza at marami pang iba. Ang director ay si Dennis Marasigan at ang creator-producer ay si Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel.


So, mga Mare, abangan ang NSH sa Abril! Siguradong nakaka-touch, nakaka-empower, at may pasabog na lessons na mag-iiwan ng tatak sa ating lahat. Bongga, ‘di ba? ‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog



Mga ateng, humawak na at sumandal na sa inyong mga silya kasi may pasabog na chika! Ang iconic na tambalang Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat na kinagiliwan natin noong mga junakis pa sila ay nagbabalik, at this time, mas fierce, mas mature, at mas bongga sa pelikulang Guryon.


Sa mga naglalakihang pakpak ng Blackfire Entertainment, lilipad ang tambalang ito sa big screen. Dahil sa Instagram (IG) post ng Star Magic, na-sight natin ang dalawa habang todo-pirmahan ng kontrata kasama ang direktor ng pelikula na si Lester Dimaranan. Siyempre, naka-fierce pose pa, mga ateng!


Throwback muna tayo, mga Sis! Kung naabutan mo sila noon, for sure kilig overload ka sa tambalan nila sa mga iconic teleserye tulad ng May Bukas Pa (MBP), Noah, at Ikaw Ay Pag-Ibig (IAP). Literal na child wonders ang peg nila noon! Pero fast forward tayo sa ngayon, aba, ibang level na ang glow up. Sa recent series na High Street (HS), sequel ng hit na Senior High (SH), pinatunayan nilang kaya nilang makipagsabayan bilang young adult stars.


Ano nga ba ang “Guryon”? Naku mga Mare! tahimik pa ang mga Marites tungkol sa plot ng pelikula, pero kung pagbabasehan ang title, mukhang may hugot itong tungkol sa mga pangarap na sinisikap abutin—parang guryon na lumilipad sa taas, gan’yan. Pero teka, baka naman may madilim na twist? O baka heart-wrenching love story? Ay naku, kahit ano pa ‘yan, mukhang isa na namang masterpiece ang ihahain nila sa atin.


Sina Zaijian at Xyriel ay parang ginto na mas kuminang habang tumatagal. Kung dati, mga cutie patootie lang sila na kinagigiliwan, ngayon, bigatin na sila at ready nang hamunin ang mas seryosong acting roles. Pero kahit pa seryoso na ang mga roles, siguradong may dalang kilig, iyak, at feels ang tambalan nila.


Hindi pa man natin alam ang full chika sa Guryon, isang bagay ang sigurado—ibang level ang anticipation! Kaya mga beks, markahan na ang kalendaryo, maghanda ng popcorn, at gawin nating trending ang #Guryon


Abangan ang bawat kembot ng updates at ilaban natin ang tambalang ito sa mga sinehan! ‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog

 
 
RECOMMENDED
bottom of page