top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 19, 2025





Mga Ka-BULGARians, ang OG na Concert King at Concert Queen ng Pilipinas na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, muling magtatambal para sa isang engrandeng konsiyerto na magpapabuhay ng ating mga pusong sabik sa nostalgia. 


Titled Always & Forever (A&F), ang kanilang pinakabagong concert ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena (SM MOA).


First time nilang mag-headline ng show bilang tandem sa MOA Arena, pero teka, hindi ito ang unang beses nilang tumapak dito. Kung maaalala, noong 2013, kasama nila sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa isang epic na concert dito rin sa venue na ito. Pero ngayon, sa kanilang dalawa na talaga ang spotlight!


Hindi lang basta isang gabi ng kanta’t tawanan ang hatid ng A&F. Isa itong selebrasyon ng kanilang dekadang legacy sa musika at ang kanilang kuwento bilang magkaibigan, dating magkasintahan, at ngayo’y partners-in-performance.


Siyempre, aabangan ang kanilang bagong duet ng kantang The Promise (I’ll Never Say Goodbye) na unang inamin ni Martin na inirekord niya para ipahayag ang nararamdaman niya noon para kay Pops. 

Clingy? Maybe! Suave? Definitely!


Pero mga ateng, hindi raw ito nag-work as intended, ha! Sa kabila nito, pinili nila ang kantang ito bilang theme ng kanilang show dahil gusto nilang i-capture ang essence ng A&F.

Ang totoo, mga nini, hindi naging madali ang pagsisimula ng kanilang partnership after their separation. 


Sey nga ni Martin, “It was awkward.” 


Pops, being the honest queen that she is, added, “There was so much discomfort and awkwardness.”


Pero hello, kahit super awkward nu’ng unang balik-tambalan nila, ginawa pa rin nila dahil sabi nga nila, “The show must go on!”


Ngayon, kung gaano ka-winner ang chemistry nila on stage, ganu’n din kalalim ang kanilang pagkakaibigan na nagsilbing pundasyon ng lahat ng ito. 


“Sanay na sanay na kami ni Martin sa kapaan. Martin and I can go on stage na tinginan lang, nagkakaintindihan na kami,” sabay natatawang pahayag ni Pipay.


Kilig overload din ang cutie moments nilang dalawa bilang bagong grandparents sa kanilang apo na si Finn, anak ng kanilang panganay na si Robin Nievera. 

Sey ni Pops, “Ang cute-cute niya. He’s so bait. He’s such a happy baby.”

Martin couldn’t agree more. 


Dagdag pa ni Pops, “Robin will bring him to our rehearsals and he really listens. He listens so much that he falls asleep. I guess the noise doesn’t really bother him. Maybe, that’s a sign he will also be into music someday.”


So, malamang sa malamang, baka future Concert King in the making din si Baby Finn!

Walang ka-effort-effort ang chemistry nina Martin and Pops on and off stage.


Kung tatanungin kung ano ang meron sila na wala sa ibang tambalan, Martin explained it best: “It’s the automatic chemistry. Hindi kami nagpu-put on. No script needed.” 


Totoo ‘to, mga ‘teh. ‘Yung tipong kahit walang peg o script, effortless pa rin ang kanilang mga performances.


Sey naman ni Pops, “Our chemistry is really different.” 


‘Yun na! Kaya naman walang duda, ang tambalan nila ay hindi basta-basta matitibag.


Nakakakilig ding isipin ang sinabi ni Pops nang tanungin sila kung ano ang magiging title ng isang duet na maglalarawan sa kanilang journey. 


Sey niya, What Love Is Now. Because love has different dimensions and has different stages. Martin and I, ang dami na naming pinagdaanan and we have remained as good friends.” Goosebumps, mga Ka-BULGARians, ‘di ba?


‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 18, 2025





Sa vlog ni Ogie Diaz nu’ng Huwebes (January 16), eksklusibong nakapanayam ng talent manager-reporter-vlogger si Richard Gutierrez. 


Sa daloy ng panayam, nabanggit ng Incognito actor na ongoing na ang annulment process nila ng estranged wife na si Sarah Lahbati.


Nilinaw din ng aktor na hindi ang rumored girlfriend na si Barbie Imperial ang dahilan ng hiwalayan nila ni Sarah. Wala raw naganap na overlap sa pagitan nina Sarah at Barbie.  


Aniya, “Siguro ‘yung tungkol sa ‘min ni Sarah, ayoko na ring pag-usapan ‘yung mga nangyaring detalye. Kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward.  


“Actually, at this point, nakapag-move forward na ‘yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami.  


“And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life. And of course, kung happy s’ya sa buhay n’ya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata ‘yun. At ang importante sa ‘min ay ‘yung mga bata.  


“So, kung ano man ‘yung dahilan, matagal na panahon na ‘yun. Nakapag-move on na kami pareho, 2025 na. Gusto kong magsimula ‘yung taon nang maganda, peaceful, at happy.  


“So, ‘yun, let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward.”


Matatandaang noong January, 2024, unang namataan sina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub, pero nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa isyung nagkakamabutihan sila. Wala rin silang kumpirmasyon o denial tuwing sila’y tinatanong ng press tungkol sa kanilang mga sightings.  


Naging sunud-sunod na ang sightings na magkasama sila, rito sa Pilipinas at maging sa South Korea at Italy.  


Tuloy, naitanong ni Ogie kay Richard ang tungkol sa real status nila ni Barbie.  

Ani Richard, “Siguro for now, like gaya nga ng sabi mo, nakikita naman ng mga tao... Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie,” makahulugan niyang sabi.  

Mariin din nitong nilinaw na walang kinalaman si Barbie sa hiwalayan nila ni Sarah.


Never daw naging third party ang sexy actress sa kanilang paghihiwalay.  

Pahayag ni Richard, “Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi s’ya third party, hindi nag-overlap.  


“Kasi maraming mga tao, ‘yun nga, mga bashers na nagsasabi na s’ya ang dahilan. Wala s’yang kinalaman. Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ni Sarah. So, ‘yun, gusto ko lang i-clarify.  


“Siyempre, kasi parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming mga nag-hate comment sa kanya.”


Bukas ang BULGAR sa pahayag ng kanyang ex-wife na si Sarah Lahbati.



NAKATAKDANG sumabog ang mga rebelasyon sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) dahil sa mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) matapos niyang malaman na hindi si Rigor (John Estrada) ang tunay niyang ama.


Simula pa lang ito ng mga pasabog sa hit Kapamilya serye. Ibinahagi ni Coco na maraming mangyayaring pagbabago sa takbo ng kuwento, at may mga bagong karakter din na papasok.  


“Ginalaw ko na ‘yung bawat character. Ito na ang lahat ng revelation kasi may papasok na mga bagong karakter at panibagong kuwento. Gusto namin na parang ibang show na ang pinapanood ng viewers para hindi natatapos ang excitement gabi-gabi,” sabi ni Coco sa kanyang panayam sa TV Patrol (TVP). 


May pahapyaw din si Coco tungkol sa mga bagong karakter na siguradong magugustuhan ng mga manonood.  


“Dream cast. Lagi kong nilu-look forward na makatrabaho ang mga mahuhusay na veteran actors at ‘yung mga artista na gustung-gustong mapanood ng mga bata. Tamang combination ito ng cast,” dagdag ni Coco.  


Samantala, makiki-fiesta ang cast ng BQ sa masayang selebrasyon sa Sinulog Kapamilya Karavan ngayong Sabado, Enero 18, 4 PM, sa Ayala Center Cebu.  


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 17, 2025



Photo: Janno GIbbs at Sen. Jinggoy Estrada - IG, FB


Nagpahayag ng opinion si Janno Gibbs kaugnay ng minsang naging privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa VMX content and artists.


May bago kasing gag show na si Janno ang bida at kasama niya ang napakaraming mga baguhang magaganda at seksing VMX stars, plus ilang nagkapangalan na rin dahil dito.


Ayon kay Janno, “It’s a different platform. It’s indeed private in nature at kung hindi ka subscriber, ‘di ka naman magkakaroon ng access. Meron din s’yang child lock feature to secure na nasa mga edad na ang puwedeng makapag-subscribe.”


Tahasan kasing sinabi ng senador na nagiging venue ng kalaswaan o pornographic content ang VMX, kaya't pinag-aaralan daw nila kung paano ito masa-sanction kahit nasa isang platform ito na hindi sakop ng MTRCB.


Susog naman ni Janno na bukod sa trabahong naibibigay ng VMX sa mga taong nasa harap at likod ng kamera, maayos at matino naman ang “for adults” content ng mga ito. 


“There may be some bad eggs, but still nasa discretion ‘yan ng manonood o subscriber,” dagdag pa ng aktor.


Segue naman ng mga oldies na kasama namin, “Dapat sigurong mas tingnan at paigtingin ng mga mambabatas natin ‘yung mga isyu sa values education sa mga schools, rules sa mga opisina, at i-implement ang matapang na batas sa mga rapists, sex offenders at magkaroon ng programa sa mga parents, guardians and the likes ang bawat community tungkol sa pag-guard sa values at edukasyon ng mga minor sa usaping sex, etc..”


Samantala, naninindigan si Janno na wala siyang nakikitang bastos o mali sa bago nilang palabas sa VMX. 


Bagama’t naughty, nagpapakiliti at nagpapakilig sila, pero nasa receiver na raw iyon kung paano nito ii-interpret ang mga jokes, language, dialogues, kilos at arte nila.



Kung hindi pa na-hack ang socmed account ni Angel Locsin, hindi pa tayo makakarinig ng balita tungkol sa aktres.


Sa halos apat na taon (o mahigit ba?) na inactive si Angel sa showbiz, talagang napanindigan nito ang i-isolate ang sarili at hindi makipag-communicate.


Kung meron man tayong nababalitaan tungkol sa kanya, pawang galing ‘yun sa mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. 


At nito ngang huli ay ang husband niyang si Neil Arce ang nag-anunsiyong na-hack ang kanyang X account hanggang sa muling mai-activate ito.


Although may mga nagsasabing gimik lang ito ng aktres para sa kung anumang pakulong pagbabalik nito in the future, tila wala na rin umanong gaanong pumansin maliban sa mga fans niya.


May mga netizens pa ngang imbes na intindihin ang pagkaka-hack ay humirit pa na kung wala rin naman daw ibabalita o ire-relay na something new sa socmed ang mag-asawa, might as well daw na panatilihin na lang nilang “private citizens” sila.


Aguy, nakakaloka na talaga ang mga pakialamerang netizens, ‘noh! Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page