top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 26, 2025



Photo: Softdrink beauties at Darryl Yap - Julius Babao Unplugged - FB


Dedma o ayaw nang magbigay ng komento ni Darryl Yap sa latest revelations at pagtutuwid na ginawa nina Sarsi Emmanuel, Coca Nicolas at Myra Manibog sa vlog ni Julius Babao.


Ang tsismis, hindi naman daw kasi pinaniniwalaan ni Darryl ang mga pahayag ng mga dating kaibigan at katrabaho ni Pepsi Paloma kaya wala raw kuwenta kung papatulan pa niya.


Basta para raw sa iskandalosong direktor kuno, tuloy na tuloy ang showing ng kanyang kontrobersiyal na pelikula. Hahayaan na lang daw niyang ang taumbayan ang maghusga at magbigay ng karampatang hatol.


Wala pa ring naglilinaw kung sino nga ba talaga ang mga nasa likod ng produksiyon ng movie at kung may sanction bang gagawin dito ang korte para hindi ito maipalabas?


Nakarinig din kami ng tsikang hindi na rin umano magkakaroon ng anumang interview sa mga artistang kasama sa movie hindi dahil pinagbawalan sila, kundi para raw mapanatiling sabik ang lahat sa kabuuan ng movie.


Kumbaga, aasa na lang daw sa nalikhang iskandalo, kontrobersiya at ingay ang promo ng movie sa nalalapit nitong pagpapalabas ngayong Pebrero.

Kakaiba rin!



THIRTY-TWO solid years na nga ang pagsasama nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ngayong 2025.


Sa muling pag-imbita sa amin ni Gladys sa darating na January 28 para ipagdiwang ang masayang milestone na ito ng kanilang pagsasama, para na rin naming ni-renew ang kasabihang may “forever” talaga sa mundong ito.


Isa nga ang relasyong Gladys-Christopher sa showbiz na nagtagal nang ganito at siyempre pa ay pinakasikreto nila bukod sa understanding love nila ang pagkakaroon ng respeto at tiwala nila sa isa’t isa.


Hindi man sila ganu’n ka-perfect as a couple kung isyu ng mga tampuhan at petty quarrels ang pag-uusapan, pero lahat nga ng ito ay agad naman naaayos nang walang nasasaktan o sinasaktan.


Naku, sa dami ng mga raket ng mag-asawang ito inside and out of showbiz na sila talaga ang personal na namamahala, hindi talaga magkakaroon ng space ang anumang negativity, lalo’t 100% silang suportado ng kanilang respective families at mga matatalino, guwapo at magandang mga anak.

Cheers to more and congratulations on your 32nd wedding anniversary, Gladys and Christopher.




WALA naman palang kaugnayan ang Star Cinema sa sinasabi o kinukuda ng mga KimPau fans na pinaboran ng naturang film outfit ang movie nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.


Halos nag-away-away kasi at pinaratangan ng kung anu-ano ang Star Cinema na kesyo pinaboran ngang mailagay sa February 12 playdate ang reunion movie nina Jolens at Marvin over sa dapat na pelikula ng KimPau.


HIndi naman pala Star Cinema ang production company na gumawa ng Jolens-Marvin movie kundi ilang independent movie outfits na fan ng tandem nila.


At lalo namang wala ring kinalaman sa promo ng reunion movie ang Star Cinema na nagpahayag na ngang ang KimPau movie ay sa March 26 na ipapalabas worldwide sa tulong ng mga ka-collab nilang outfits na nagdi-distribute ng movie worldwide. 


Kaya sa mga Jolens-Marvin fans d’yan from the ‘90s to today, hayan na ang hinihintay ninyo, sa February 12 na ipapalabas ang Ex Ex Lovers (EEL).

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 25, 2025



Photo: Softdrink Beauties - TROPP / VinCentiments


Pinagsama-sama ni Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) program ang tatlo sa mga nakatrabaho at naging kaibigan ni Pepsi Paloma noong ‘80s para muling magbigay-pahayag sa kontrobersiyal na isyu tungkol dito.


Sina Sarsi Emmanuel at Coca Nicolas bilang mga kasamahang softdrink beauties ni Pepsi at si Myra Manibog na nakasama rin nito sa ilang movies.


Lahat sila ay nagsasabi na walang katotohanan ang isyung “rape” sa dati nilang kaibigan at pinabulaanan din nila ang ipinagsisigawang kaugnayan umano ni Mommy Charito (ang yumaong si Charito Solis) sa usaping ‘rape’ ni Pepsi.


Ang naturan ngang kaugnayan ay ang sinasabi ngayon nitong si Direk Darryl Yap na alam nga ng beteranang aktres ang totoong pangyayari, bukod pa sa sources din niya ang nanay at kapatid ni Pepsi.


“Imposible. Noong mga panahon na ‘yun, ni halos ‘di nagkikita o nag-uusap sina Pepsi at nanay niya. Sa dami ng mga problema noon ni Pepsi gaya ng mga pasanin sa buhay, ‘yung love life, may depression atbp., kami-kami ang nagkakasama sa bahay at trabaho,” sabay-sabay pang hirit ng tatlo sa pinakamapapangahas na sexy stars noong ‘80s.


May mga nagtatapang-tapangan namang netizen na nag-aakusa kay Julius na baka raw “nabayaran” siya ng kung sinuman para gawin ang mga ganitong paglilinaw, lalo’t pareho umano silang nasa same network ng inaakusahan ni Darryl Yap?


Luh? Kung saan-saan na dinala ang usapin gayung heto nga’t may mga buhay na nagpapatotoo at mismong mga nakasama, nakatrabaho at naging kaibigan pa ng pinag-uusapang tao.


Kumpara sa mga sabi-sabi nitong bansuting direktor kuno, bukod sa nanay at kapatid ng kontrobersyal na sexy star, ano ba ang pinanghahawakan niyang katotohanan?


‘Wag daw silang pagkumparahin… 

ICE, GAME MAGSAMA SILA SA CONCERT NI JAKE


TAMA naman si Ice Seguerra sa pagsasabing hindi makakatulong sa kanila ni Jake Zyrus ang sila’y pagkumparahin.


In fact, willing pa nga si Ice na tulungan ito if ever mang hingin nito ang tulong niya or may mga producers d’yan na maiisip na sila’y pagsamahin sa isang show.


“Let Jake be Jake. Although pareho kaming trans, may kani-kanya kaming dinadaanang landas, we process our own issues. Maging masaya na lang po tayo sa kung anuman ang ginugusto ng isang tao, for as long as na wala naman itong sinasaktan o sinasagasaan,” pakiusap pa ni Ice sa mga nagkukumpara sa kanila.


Napabalita nga kasing diumano’y naging alcoholic na at walang matinong trabaho sa Amerika si Jake at nakikitira na lang sa ilang mga kaibigan doon.


Well, hindi ito ang unang beses na may ganitong kagayang balita tayong narinig, pero ang mahalaga ay mga taong handang tumulong gaya nga ni Ice.

Segue pa ni Ice, “Let’s pray talaga na mahanap o matagpuan na n’ya ang isang tao na tunay na magmamahal at tatanggapin siya kung anuman s’ya. Mapalad lang talaga ako dahil nand’yan ang asawa ko.”


Sa totoo lang, ang bongga sigurong mapanood na magkasama sa isang show sina Ice at Jake. Malay natin, pagbalik ni Jake sa ‘Pinas, isa ‘yan sa mga gagawin niya, ‘di ba, Ateng Janiz? Support natin ‘yan!


Fans, todo-asang buntis na, Matteo…

UMBOK NG TIYAN NI SARAH, PINAGPIPIYESTAHAN


BUO pa at solid pa rin ang samahang OG Champions nina Sarah Geronimo, Erik Santos, Christian Bautista, Mark Bautista at Rachelle Ann Go.


Sa napanood naming interview ni Kuya Boy kay Rachelle Ann, masayang malaman na despite each's successes, may time pa pala sila sa isa't isa lalo na kapag may umuuwi o pumupunta abroad.


Kuwento ni Rachelle, “Mayroon po kaming group chat. Update-update sa isa't isa, ganu’n, chismisan ng buhay-buhay.”


Pero ang bongga raw sa grupo nila ay never nilang pinag-uusapan ang mga showbiz ganap dahil mga isyu sa asawa, pamilya, negosyo’t mga kagayang anik-anik ang chikahan nila.


Nito ngang umuwi si Rachelle Ann ay masaya silang nag-reunion nina Erik at Sarah. Dito nga nai-post ni Erik ang pinag-uusapan ngayong tila umumbok na tiyan ni Sarah.


“Of course, masaya tayong lahat kung totoo man ‘yan. Lahat tayo ay ‘yan ang nilu-look forward. So, ano na nga ba?” sagot ng mga popstar supporters sa makahulugang post nga ni Erik.


Sa totoo lang din, wala ngang tapon sa grupong ito nina Erik et. al. Lahat talaga sila ay may kani-kanyang marka sa showbiz.


May nang-iintriga nga lang at hinahanap nila si Sheryn Regis kung bakit umano hindi nila kasama sa grupo. Hahaha!




 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 24, 2025



Photo: Coco Martin - Circulated


Nahimatay pala si Coco Martin sa Sinulog Festival sa Cebu after nitong makilahok sa parada.


Sa sobrang init daw at dami ng dagsa ng mga tao, plus medyo kulang pa yata sa tulog sa dami ng mga naunang ganap, hayun at hindi na kinaya ni Coco kaya hinimatay ito.


Wala namang hindi maganda na nangyari dahil mabilis namang nalapatan ng first aid ang aktor-direktor na tunay namang kinuyog sa naturang pestibal.


“Masayang-masaya dahil kahit saang lugar kami pumunta o mapadpad, ang lakas ng sigawan ng mga tao sa kanya pati na ‘yung name na Tanggol at Batang Quiapo.


Medyo nahihilo na s’ya kahit hindi pa tapos ‘yung parada, pero dahil sa mainit ngang pagtanggap sa kanila, ‘di n’ya ‘yun ininda. Pero noong malapit nang matapos, hayun, bumigay na,” lahad na kuwento ng isa sa mga kasama nina Coco sa Cebu.


Worried nga raw si Julia Montes nang matanggap ang balita at agad nitong tinutukan ang status ng “partner” at from time to time nga raw ang pagkumusta nito.



Naglabas ng saloobin si Marc Nelson kaugnay ng kanyang pagtestigo o pagbibigay ng statement sa naging isyu ng naghiwalay na mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji.


First and last time na raw niya itong sasabihin dahil bilang “ninong” ng anak nina Maggie at Victor, nagkaroon umano ng pagkakataon na naibulalas sa kanya ng bata ang pinagdaraanan nito sa “away” ng parents.


Kapakanan lang daw ng inaanak ang kanyang iniisip at binibigyan ng halaga at wala siyang anumang hangarin na makigulo sa dating mag-asawa na kanya ngang mga kaibigan.


Sa bashing na inabot nga ni Marc na pati ang mga lumang isyu sa kanya ay kinalkal ng netizen, wish na lang daw niyang manahimik at irespeto ang lahat kasama na ang media na kanyang pinakiusapan ding irespeto ang sitwasyon ng bata at nilang lahat.



MARAMI naman ang nakakapuna na nag-mature na nga ang katawan, pananalita at kilos ni Miguel Tanfelix.


Sa action series na pinagbibidahan nito, ang Mga Batang Riles, kapuna-puna nga ang “binata” (hindi pa binatang mama) nang si Miguel na bagay din naman palang makipagbardagulan.


“Kantung-kanto, may pagka-squammy na kyut, astig, matikas at fresh na fresh na ang role niya na bumagay sa kanya,” komento ng mga nakakapanood kay Miguel sa Mga Batang Riles (MBR).


Ginu-groom bilang action prince ng GMA-7 si Miguel at very positive naman ang pagtanggap sa kanya ng mga viewers.


Parang basketball team ang composition ng Mga Batang Riles led by Miguel, with Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria at Antonio Vinzon. Sila bale ang tropa ng Batang Riles na may magkakaibang kuwento pero may common goal na panatilihing maayos ang buhay-riles.


Bongga rin ang supporting cast ng series gaya nina Kuyang Dick Paulate, Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Jay Manalo, Desiree del Valle, Eva Darren, Jeric Raval, Zephanie, Leandro Baldemor, Lara Morena, Ynez Veneracion, Jenine Desiderio, Seb Pajarillo, at marami pang iba kasama na ang Miss Universe Top 5 finalist na si Beatrice Luigi Gomez.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page