top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 20, 2025



Photo: chloeanjeleigh - Instagram


Hayan na naman, nakakita na naman ng oportunidad itong si Goldilocks girl ni Caloy Yulo para mag-ingay.


Dahil nabalita ngang hindi man lang binati ng pamilya si Caloy when he celebrated his birthday, siyempre, napag-usapan na naman sila.


Imbes kasing i-share raw sa pamilya ang espesyal na okasyon ay minabuti ng magjowa na abroad ito i-celebrate.


Dedma nga si Caloy kahit wala siyang nakuhang birthday greetings from his family, pero dahil sa intriga ng netizen, naging patola ang kanyang GF at sumagot ito sa bashing.

Next issue, please? Hahaha!


Kaya ‘di na maka-box office… 

NORA, MATATANDA NA ANG FANS, MOVIE ‘DI NA MASUPORTAHAN


SINASABING ang dahilan kung bakit nahihirapan na raw na magkaroon ng box-office hit movie ang isang Nora Aunor ay dahil sa matatanda na ang mga loyal followers nito, na kesyo hindi na nila keri ang sumugod sa mga sinehan at suportahan ang idolo nila.


Medyo nagtataka at napapatanong lang kami dahil kung totoo ito, paanong sa sobrang ingay nila sa socmed (social media) ay halos daigin pa nila ang mga Gen Zs at millennial sa pagka-hi-tech nila na nakakagawa sila ng multiple at glossy accounts?


With all due respect po sa mga lola’t tita na fans ni Ate Guy na maiingay sa socmed, ha, hindi namin hinahamak ang kakayahan ninyo sa mga gadget, pero medyo nakapagtataka lang, ‘di ba?


Nasaan ang mga anak ninyo, apo o pamangkin o kaanak na dapat ay napagpasahan ninyo ng sinasabi ninyong loyal adulation at pag-patronize sa inyong idolo at mga projects nito gaya ng currently showing (pa ba?) na Mananambal movie? 


Hay, naku, kaya kayo kinukuwestiyon at nakakantiyawan, eh. Imbes kasing makipagbardagulan sa iba lalo na sa mga fans/supporters ng isang Star for All Seasons Vilma Santos, aba, eh, iorganisa ninyo ang mga kilos ninyo. And that is the challenge!


Kita sa kilos… JULIA, OBYUS NA RELATE NA RELATE SA PAGIGING INA


HALATANG-HALATA naman na nakaka-relate na si Julia Montes sa role niya bilang nag-arugang ‘ina’ sa Saving Grace (SG) na mapapanood na sa mainstream TV channel.


Sa napanood naming pahayag nito, mapi-feel mo talagang alam na alam na niya ang kanyang ibinabahaging mga emosyon bilang isang ina, kaugnay ng kanyang ginawa sa drama series.


Matagal nang natapos sa Prime Video ang naturang serye na may bonggang-bongga cast members in Julia, Janice de Belen, Jennica Garcia, Sam Milby at Sharon Cuneta.


Nasisilip namin ito sa Prime Video at tunay itong nakakaiyak, nakakaantig at nakakainis ang mga tagpo/eksena dahil sa tema ng pagmamaltrato sa isang bata. Hahaha!


At dahil nga sa limitasyon nito sa naturang platform, sa TV version daw nito ay mas higit itong kumpleto at ipapakita ang mga eksenang higit na emosyonal, kaya’t hindi tissue ang need ng mga manonood kundi tuwalya na.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 19, 2025



Photo: Direk Lino Cayetano


Kahanga-hanga ang pagiging honest at straightforward ni Direk Lino Cayetano na umamin ngang hindi pa sila lubos na nagkakabating magkakapatid na sina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano lalo’t sasabak na naman siya sa pulitika this year.


Sa pa-salu-salo na inorganisa ng mag-inang Roselle Monteverde at Atty. Keith Monteverde ng Regal Entertainment para kay Direk Lino kasama ang mga kaibigan sa entertainment media, naikuwento niya ang tila ‘challenge’ na kinakaharap ng pamilya nila nang dahil sa pulitika.


“Hindi kami magkakaaway. Nagkakausap naman kami, pero ‘yun nga, may mga usapin sa pulitika na nako-compromise ‘yung relasyon namin. But I am praying na kahit sa last minute ng campaign ay makakatanggap ako ng endorsement from them,” bahagi ng paliwanag ni Direk Lino.


Tumatakbong independent candidate si Direk Lino bilang congressman para sa distrito ng Taguig-Pateros.


Minsan na rin siyang naging mayor ng Taguig at naranasan ng mga Taguigueño ang serbisyo niya lalo na noong pandemic. Subalit nang dahil sa pakiusap ng Kuya Alan niya, hindi na siya tumakbo para sa ikalawang termino to give way sa sister-in-law niyang si Lani Cayetano.


“Si Ate Lani (kasalukuyang mayor) ang ipinakiusap sa ‘kin ni Kuya Alan and I obliged. Sa isang libo naman kasing mga programa o proyekto na nais naming gawin, marahil ay may dalawa o tatlong bagay lang kaming hindi pinagkakasunduan. The rest, magkakasama kami at nagkakaisa. At the end of the day, we are still family,” dagdag pa ng kilalang direktor at producer.


Medyo masalimuot nga ang laban ngayon ni Direk Lino na may mga programa rin para sa showbiz na nais niyang isulong sa Congress once ma-elect.


Pero dahil independent candidate nga siya at may ibang kaalyado ang sarili niyang kapamilya na makakatapat niya sa laban, “I just wish po talaga na makakuha pa rin ako ng suporta nila,” ang medyo nalulungkot nitong pahayag.


Pinabulaanan din ni Direk Lino na disqualified siya as candidate. 


“Maybe that’s the doing of some people na kalaban ko. As we talk now, nasa balota na po ang name ko as per the Comelec bilang official candidate ng Taguig-Pateros district. Kaya nga po nagpapasalamat ako kina Roselle at Atty. Keith for this salu-salo with you (showbiz media) dahil bukod sa kilala ninyo na ako at nakakatrabaho, malaking bagay ‘yung maipapahayag po sana ninyo sa mga tao ang tunay na sitwasyon ko,” sey pa ni Direk Lino.


Kahanga-hanga ang katapatan niya. Wala siyang binanggit na anumang kasiraan maging sa mga makakalaban niya sa pulitika dahil aniya, “It’s just one day of voting. After ng botohan, mas dapat nating tingnan ‘yung mga susunod na araw na ma-implement ang mga programa. Sa kaso ko, mas pinili ko ang sa Kongreso dahil alam naman ninyong mahal na mahal ko rin ang showbiz. At least, magagawa ko pa rin ang work ko rito kahit nasa Kongreso ako.”


Hay, ito tuloy ang nasabi namin, “Sana taga-Taguig-Pateros na lang kami kung ganito ka-honest ang gustong maging public servant.”



BINABATI naman natin ang nag-iisang King of Talk na si Kuya Boy Abunda dahil muli siyang nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7.


Kahapon, Feb. 18 (Martes) ay muli ngang sinelyuhan nina Kuya Boy at ng mga matataas na ehekutibo ng Kapuso Network ang pagiging Kapusong muli ng TV host.


Kasabay pa nito ang nalalapit na selebrasyon ng kanyang top rating show na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), na inaasam ng marami na madaragdagan ng oras dahil laging may “bitin” moment ang mga fans/supporters at regular nitong manonood.

Present sa renewal of contract event ang GMA-7 president na si Sir Gilberto Duavit, Jr. at SVP for Entertainment Group na si Ma’am Lilybeth Rasonable at iba pang mga executives.


Pinapapurihan ng mga matataas na opisyal ng network ang kakaibang istilo sa pagsasalita, ang integridad, husay at reliability ng isang Boy Abunda, kaya’t mananatili itong isang Kapuso na siya naman talaga niyang “orihinal” na tahanan.

Mula po rito sa amin sa BULGAR, congratulations, Kuya Boy! Mabuhay ka!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 18, 2025



Photo: KimPau - instagram Kim Chiu


Kung makakatulong sa box office performance ng upcoming movie nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang pakikipagbardagulan ng mga fans nila sa mga supporters ng KathDen, eh, di go, go, go!


Pero ‘yun na nga, sana naman ay iwasan dapat nila ang pagbibigay ng mga personal na tirada dahil nagmumukha tuloy silang mga ‘delulu’.


Sa March pa ang showing ng movie ng KimPau pero at this early nga ay nag-iingay na ang mga fans nila. May nasilip na rin kaming teaser ng movie kung saan may pa-comedy line si Kim na “Nasilip n’ya ang cookie ko.”


Sure kaming masaya at maganda ang movie ng KimPau. At dapat naman talagang suportahan ito ng mga tagahanga nila worldwide dahil may global showing nga ito.

‘Yun nga lang din, sana ay huwag nilang i-pressure ang mga sarili nila sa pagsasabing kering-keri nilang tapatan o higitan ang itinalang box office record ng Hello, Love, Again (HLA) ng KathDen.


Gawin muna nilang box office hit ang pelikula bago mag-ilusyon na tapatan o higitan ang nagawa ng KathDen.


Sa KathDen fans naman na pumapatol sa mga pasaring ng KimPau fans, wala na kayong dapat na patunayan pa. Sa kasaysayan ng box office sa local movies, dalawa na ang napatunayan ng KathDen sa Top 3 bilang all-time biggest hits.


Ayaw paniwalaan ng netizens… 

DEREK, KAYA RAW MAKATABI SA KAMA ANG 3RD PARTY KINA ANDI AT PHILMAR NA ‘DI MAGSESELOS ANG MISIS


KUNG kailan naman inactive na sa showbiz si Derek Ramsay, saka naman halos araw-araw itong nasa socmed (social media) ngayon.


Dahil pa rin ‘yan sa naging ‘take niya’ sa iskandalosong isyu kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.


Hindi rin tumigil ang mga netizens sa pag-tag sa aktor at pagbibigay ng kanilang saloobin, lalo’t sumasang-ayon sila sa naging reaksiyon nito kay Philmar tungkol sa pagpapakalalaki.


At dahil kaibigan nga nila ng wife niya ang inakusahang third party diumano na isang deep sea photographer, may opinyon din si Papa D na kahit umano makatabi niya ito sa higaan ay never itong pagseselosan ng asawa niya.


Para sa ilan ay kaipokrituhan daw ‘yun, pero marami rin ang sumang-ayon na may mga magkakaibigan talagang kering gawin ang ganu’n, lalo’t may mga dugo at laking banyaga sila.



KUNG pinipintasan naman ng netizen ang Valentine posting nina Andi at Philmar, grabeng kilig naman ang ibinabahagi ng EchoNine fans.


Trending at marami ang kinilig sa mga photos and videos na kumalat sa socmed tungkol sa naging Valentine celebration nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.


Hindi kami sure kung noong Valentine's Day mismo ‘yun nangyari dahil last Feb. 13 o 14 ay parang inire-report sa amin ng mga kapwa-Uragon na nasa Albay si Echo.


Unless nandoon din si Janine o baka agad-agad ding umuwi si Echo after ng kanyang bonggang-bonggang concert doo, kaugnay ng naging proclamation rally ng Ako Bicol, kung saan siya ang numero uno ngayong ambassador o spokesperson after Manong Eddie Garcia.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page