top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 21, 2025



Photo: Ronnie Liang - IG


Uy, medyo nakakaloka rin ‘yung pagkuwestiyon sa tinapos na doctoral degree ni Ronnie Liang.


Ayon sa ilang tsismis, paano mo raw matatapos ang iyong doctoral degree sa loob lang ng sandaling panahon?


May kumalat kasing post mula sa isang site sa FB na may name na ‘ANO’NG CHIKA DITO?’ na ini-repost ang isang FB user na si @akazukinchan2x (shut up sandra) na nagtatanong ng ganito, “Proposal defense in Jan 28 tapos doctorate degree - March 18?” 


May kasamang pictures ni Ronnie ang post na may background na whiteboard o monitor, kung saan nakalagay ang Proposal Defense at ang lumabas na article ni Ronnie sa Cabinet Files ng PEP.


Sinubukan naming kontakin ang isang malapit na kaibigan ng singer-actor at pilot, pero hindi pa ito agad nag-reply as we write this.


Meanwhile, ang naturang FB post naman ay ini-repost din ni Adrian Ayalin, isang batikang news reporter-anchor mula sa ABS-CBN kung saan may hugot

pagtatanong din siyang ganito, “Strict tayo sa mga undergrad na pumupunta sa diploma mills sa Recto. Tapos, ang luwag pala sa post-grad?”


Anak ng ex-BF na doktor, ‘di nakatiis, pumalag sa TV host… KRIS, MAYSAKIT NA RAW, ‘DI PA RIN NAGBAGO SA POWERTRIPPING


SA pinag-uusapang ‘resbak’ ni Miguel Lorenzo Padlan, anak ni Doc Mike Padlan, kay Kris Aquino, marami ngayon ang nagtatanong kung ginagamit na lang daw ba umano ni Kris ang kanyang kondisyong medikal para magpa-victim?


Again, sa isang thread ng mga Marites ay inisa-isa ng mga netizens ang mga lalaking nakaladkad sa publiko ang mga imahe at nalagay sa negatibong side dahil mas gumana nga dati ang ‘power of convincing’ ni Kris sa madlang pipol, na tipong mas kinakampihan siya dahil magaling siyang magkuwento at dahil na rin wala ni isa man sa kanila ang kumontra man lang daw.


Until nga sa latest account ng kanyang love life despite her condition, na kung pagbabasehan mo ang mga pictures at medical terms na ginamit sa socmed post ay kahahabagan mo namang talaga ang isang Kris Aquino.


Hayan tuloy, inisa-isa nila ang mga ito simula kina Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap, Miel Sarmiento, Mark Leviste at Doc Mike Padlan. 


Ang huli nga lang daw ang mayroong anak na nagsalita at nagtanggol sa reputasyon at kredibilidad ng ama. Hindi pa raw kasama riyan ang ilan pang lalaking ‘nakarelasyon’ ni Kris na marahil ay nakaranas din ng ‘powers’ nito para pagmukhain umanong ‘user’ sa madla.


Paalala tuloy ng mga netizens, “Ilang taon na ba s’yang lumalaban sa kanyang sakit? Hindi pa ba sumasagi sa isip n’ya na baka nga ito na ang paraan ng tadhana para i-reevaluate niya ang kanyang sarili? 


“Hanggang ngayon ba ay itinuturing niya ang sarili na ‘demigod at untouchable’ at siya lang ang may karapatang makapanakit ng iba?”

Ay!



HINDI naman usaping post-grad o anupaman ang latest na mapapanood sa univerkada series ng Viva One.


Dahil nga sa tagumpay ng Wattpad series ni Gwy Saludes sa University series, may pang-apat nang kuwentong paparating. Ito ang Avenues of the Diamond (AOTD) na pagbibidahan this time nina Aubrey Caraan at Lance Carr.


Sila ngayon ang susugalan ng Viva One para makahanay ang mga sumikat na love teams sa series gaya ng Marven (Marco Gallo-Heaven Peralejo), KrisshRome (Krisha Viaje-Jerome Ponce) at HyGab (Hyacinth Callado-Gab Lagman) na siyempre pa ay parte pa rin ng nasabing univerkada series.


“Pressured siyempre, pero kakayanin po,” sagot sa amin ni Aubrey habang sey naman ni Lance, “Been waiting for this for a long time. Hindi ko na po ito sasayangin.”


Magbibigay ng bonggang support sa Avenues of the Diamond (AOTD) sina Claudine Barretto at Bobby Andrews, sa direksiyon pa rin ni Gino Santos.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 20, 2025



Photo: Pepsi Paloma - Darryl Yap FB


Sa lumabas na balita kahapon, March 18, ay nakitaan nga ng sapat na basehan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang inihaing reklamo ni Bossing Vic Sotto laban kay Darryl Yap noong Enero. Kaya mula sa fiscal’s office ay iniakyat na ito sa husgado.  


Out of 19 cyberlibel counts na isinampang reklamo ng Eat…Bulaga! (EB!) host, dalawa rito ang nakitaan ng ‘probable cause’ at na-cite nga ng Prosecutor’s Office na naging basehan ang direktang pagbanggit ng pangalan ni Vic Sotto sa nag-viral na teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).  


Malaking bagay ito para kay Bossing Vic at sa mga naniniwala sa kanya, pero magsisimula pa lang talaga ang laban sa husgado.  


Sa pananahimik ni Darryl, na nabalitaan nating mukhang dinedma na ng kanyang ipinagmamalaking “backer”, mukha ring hindi na ipapalabas ang ipinangangalandakan niyang iskandalosong pelikula.  


Aabangan natin ang mga susunod na eksena.


Sopla sa anak ng ex-BF na doktor… KRIS, ‘WAG DAW NAGKAKALAT NG KUWENTONG ‘DI TOTOO


VERY revealing din ang post ng nagpakilalang Miguel Lorenzo Padlan, anak ni Dr. Padlan na nakarelasyon ni Kris Aquino.  


‘Mama Kris’ ang tawag niya sa naging GF ng ama at naikuwento nga niyang sa naging pagmamahalan ng ama at ni Kris ay may mga pagkakataong nane-neglect silang magkakapatid.  


Dahil nga raw ito sa madalas na pagbiyahe ng ama sa USA noong mga panahong sa Amerika nagpapagamot si Mama Kris.  


Ang hindi raw nila matanggap ay ang mga fabricated stories at maling paratang sa ama nila na halos nawalan na nga ng pagkakataong kumita dahil napabayaan na nito ang kanyang clinic nang dahil kay Kris.  


Pero ayon naman sa post ni Kris, “bayad" ang professional services sa kanya ni Dr. Padlan at dahil sa klase ng kondisyon ni Kris, lahat ay nag-assume na hindi basta-basta maliit na halaga ng pera lang ang naibayad dito, hindi pa kasali ang pagiging generous nito despite her health problems.  


Well, “lost spark” ang binanggit na dahilan ni Miguel kung bakit nakipaghiwalay ang ama niya sa aktres-host.  


Minahal daw ng ama si Kris, pero hindi nga raw sapat ang “love” sa kondisyon nila. 

Bahagi pa ng kuwento ni Miguel, “All we ask is that she does not spread stories that are untrue.”


Aguy!



PAGIGING “true” rin ang isa sa mga hamon ni Atty. Levi Baligod, ang dating PDAF lawyer na dumepensa noon kay whistleblower Benhur Luy (remember the Janet Napoles and 10 billion peso-scam case?).  


“Being true is one of the most fundamental cores that a public servant must possess. Kung lahat na lang ng pumapasok sa pulitika ay hindi nagiging totoo sa kanilang advocacies, platform at values, paano pa sila magiging effective leader?” paglalahad ni Atty. Baligod.  

Nagbigay din ng kanyang opinyong legal si Baligod sa kinakaharap na isyu ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC at iba pang sitwasyon sa bansa.  


Sa mga showbiz celebrities na nasa pulitika na at iba pang ngayon lang pumapasok, may payo ito. 


Aniya, “Just be true. Hindi naman ipinagbabawal ng batas na hindi sila puwedeng maging pulitiko o public servant. Itanong muna siguro nila sa sarili nila kung ang kakayahan ba nila ay nararapat sa mga usaping pampulitika and that they truly understand or nakaka-relate man lang sa sector o advocacies that they want to impart and represent?”


Tanggap naman daw ni Atty. Baligod na may malaking advantage ang popularidad ng isang taga-showbiz, pero iyon nga, ibinabalik niya sa mga botante ang tamang paghuhusga at pagpili.  


“We are still in a democracy, kaya sa tanong ninyo kung may type akong gumanap sa amin kung gagawa ng movie on us, pipiliin ko sina Dawn Zulueta at Richard Gomez,” sey nito sabay tawag sa misis niyang si Ma’m Marilou “Malot” Galenzoga, na dati palang public servant sa Baybay, Leyte (mayor).  


Dati nang tumakbo bilang senador noong 2016 si Atty. Baligod pero hindi siya pinalad. Ngayong 2025, susubukan naman niyang tumakbo bilang congressman sa distrito nila sa Leyte.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 19, 2025



Photo: Kris Aquino - IG


“That’s why very lukewarm ang reception ng news at pinagmukha lang ni Kris (Aquino) na manggagamit ‘yung doctor lover n’ya,” komento naman ng ilang netizens sa isang thread na nabasa namin.


Kaugnay nga po ‘yan ng kahabag-habag na ‘painful truth’ post ni Kris kamakailan kung saan nga mapi-feel mo talagang iniwanan ito ng doktor na BF niya.


Obviously, buhay pa nga rin ang mga anti-Aquino sa gitna ng mga tunggaliang Marcos-

Duterte dahil kahit sobrang obvious na naghihirap na ang health condition ni Kris ay may mga tao pa rin talagang “nega” kung magbigay ng kanilang opinyon.


Kung parte pa rin ito ng ating kultura at pagiging Pinoy, napakahirap talagang mabuhay sa bansang ito. Hahaha!


Habang may mga supporters si Duterte na ginagamit ang sitwasyon ng edad at kalusugan nito para makabalik ng bansa ay mayroon ding mga iba na ginagawa na lang ding katatawanan ang estado ng isang Kris Aquino, lalo pa’t lagi ring isyu rito ang buhay-pag-ibig.


Kung paano ring iniintriga at ginagawang tila normal ng iba ang pagtawag ng ‘bangag at adik’ sa pamilyang Marcos.


Only in the Philippines, ‘ika nga. Matira ang matibay, ang malakas ang loob at makapal ang sikmura.


Saan kayo ru’n, mga Ka-BULGAR?



Ang very famous na si Oprah Winfrey daw ang naging inspirasyon ni Ara Mina kaya nagkaroon siya ng leaning sa public service.


“Bata pa lang ako, ‘pag napapanood ko s’ya na maraming natutulungan, nai-inspire ako at nangarap na sana, someday ay magagawa ko rin,” pagbabalik-tanaw ni Ara.


Fast forward sa kasalukuyan kung saan isa nga si Ara sa mga showbiz personalities na very consistent pagdating sa pagtulong. Mula nang makilala namin ang aktres, nasubaybayan at na-witness din namin ang mga naging pagtulong niya in and out of showbiz.


Si Oprah pa rin ang peg niya though since nasa Pilipinas nga siya, proud niyang binanggit na ang Ninang Vilma Santos-Recto niya ang pamantayan niya ng good, sincere and honest public service.


“No question naman siguro kung gaano pinagkakatiwalaan si Ninang Vi (Vilma Santos) ng mga tao. Sa edad at estado n’ya ngayon, isa siya sa mga lider sa bansa na talagang walang bahid ng korupsiyon. Sino ba ang ayaw pangarapin na maging ganu’n din?” lahad ni Ara.


Kaya proud na proud niyang ipinakilala sa mga showbiz friends niya ang tinatawag niya ngayong ‘Ate’ na makakasama raw niya sa muli niyang pagpasok sa pulitika.


“Since lehitimo naman talaga kaming taga-Pasig, nais kong ipakilala sa inyo si Ate Sarah (Discaya) na since nakilala at nakasama ko sa maraming mga pagkakataon na tumutulong sa mga tao, mas ramdam kong magtutuluy-tuloy ang maganda kong pagserbisyo sa mga tao,” sey ni Ara.


Under Sarah Discaya’s party ay tatakbo bilang konsehal ng second district sa Pasig si Ara.


“Together we want to be the mother and sister of every Pasigueño. It could be true na pader ang babanggain namin, but it’s worth the try dahil bilang nasa demokratikong bansa naman tayo, each is given his chance to prove her or his worth,” segue naman ni Sarah na nakilala sa business world bilang mahusay na kontratista at ngayon ay mayoralty candidate sa Pasig.


Sa lugar kung saan din kami naimbitahan ni Ara para makilala si Ma’am Sarah, nakita namin ang mala-City Hall na sistema ng pag-eestima sa mga constituents nila sa Pasig.


Talagang ang bawat isang taga-Pasig ay binibigyan ng ID na magsisilbi nilang passport para sa lahat ng ayuda na nasa proyekto nila mula hospitalization, health, hanapbuhay at iba pang forms of public service.

Good luck, Ara at Sarah!



UY, speaking of another Sara, the Vice-President herself, aba’y mas pinagpipiyestahan pa ng guwapong close-in security nito na kasama niya sa The Hague, Netherlands.


Matatalas talaga ang paningin ng mga netizens dahil kahit ang mga ganu’ng detalye ay napapansin pa nila.


Pero maagap naman ang pagdepensa ng mga supporters ni VP Sara na kaanak pala nito ang sinasabing security na nagngangalang Raven Snapper, isang lieutenant sa Phil Navy CAR (Cordillera Administrative Region) at graduate ng PMA Batch 2015.


May mga memes na ngang kumakalat na baka raw ‘ahasin’ ito ni Atty. Harry Roque since malamig daw sa Netherlands o kaya naman ay alukin na ito ng milyun-milyong salapi, lalo’t naghahangad daw itong makakuha ng asylum.


Nakakaloka talaga ang madlang pipol na kani-kanilang paraan na magpatawa o maghanap ng pagtatawanan kahit pa nga nasa mapa na tayo ng buong mundo dahil sa ICC issue kay dating Pres. Rodrigo Duterte.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page