top of page
Search

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 26, 2025



Photo: Karla Estrada - Instagram


Gusto pa ni Karla Estrada ng maraming apo at ito rin ang sey niya matapos na ibahagi ang ilang mga videos at larawan mula sa binyag ng kanyang unang apo, si Baby Claudio, sa Instagram (IG). 


Si Baby Claudio ay anak nina JC Padilla at Nathalia Valdivia. 


Present din sa simpleng binyagan ang tito-ninong ng bata na si Daniel Padilla.


Sey ni Karla, “First Grandson and I want more!!!! Happy Christening Baby Claudio.” 

Narinig mo ‘yun, Daniel? Abangan! 



Humingi ng tulong sa socmed (social media) ang Kapuso actor na si Edgar Allan “EA” Guzman nang makitang tulala o malayo ang tingin ng kanyang fiancée na aktres na si Shaira Diaz sa eroplano matapos siyang magpakita ng puwet nu’ng rumampa sa isang fashion show ng sikat na clothing line.


Sa latest Facebook (FB) post ni EA nitong Martes, Marso 25, ipinost niya ang isang short video clip ni Shaira na naka-shades na nasa tabi ng bintana ng eroplano.


Tanong ni EA, “Guys, tulungan n’yo ‘ko! Sa tingin n’yo, tulog ba siya o iniisip lang n’ya ‘yung ginawa ko sa Bench fashion show?” 


Well, viral kasi sa socmed ang pasabog ni EA sa fashion show, kung saan nagulat si Shaira sa ginawa niya na pagpapakita ng puwet sa maraming tao. Kilala pa naman ang aktres sa pagiging conservative, kaya viral ang reaction nito.


Samantala, excited na ang mga fans ng dalawa dahil nakatakdang maganap ang kanilang kasal sa Cavite sa Agosto, 2025.

Matutuloy kaya? Abangan! Hahaha!



SAMANTALA, abala si Gabbi Garcia ngayon bilang Kapuso guest housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. Matapos ang kauna-unahang nomination night noong Sabado, March 22, opisyal nang inanunsiyo ni Robi Domingo ang pagpasok ni Gabbi sa bahay ni Kuya. 


Hindi makapaniwala si Gabbi na natupad na ang pangarap niyang makapasok sa PBB house. 


Ayon pa kay Gabbi, “It’s always in the back of my head na, ‘Shocks, anytime baka ipasok ako,’ pero like now, it’s happening for real. Oh, my god!” 


Pero agad siyang nag-alala nang malaman niyang pumasok siya sa panahong walang weekly budget ang mga housemates matapos silang matalo sa task. 


Kaya naman, nagulat na lang si Gabbi at sinabi kay Kuya, “Kuya, tinapat mo talaga ako sa walang weekly budget ‘yung housemates.” 


Ito ang problema ni Gabbi dahil ayon sa kanya, mahilig siyang kumain at ito ang bonding nila ng boyfriend niyang si Khalil Ramos.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 26, 2025



Photo: AC Bonafacio - PBB


Sumisigaw ang ilang netizens na tuluyan na raw nasira ang imahe ni AC Bonifacio nang dahil sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.  


Sa patuloy daw kasing pagdami ng mga isyung ibinabato rito kagaya ng mga tsismis sa ibang housemates, ang backstabbing, ang pagdamay sa ibang wala naman sa loob at iba pang Marites kumbaga, obyus na hindi ito nakakatulong sa image ng kilalang dancer.  


Mula kina Criza Taa at Harvey Bautista, hanggang sa dating PBB housemate na si Ylona Garcia na umano’y na-bully din nang wagas ni AC kaya hindi na bumalik ng bansa, at iba pang hanash ng pagka-Mosang nitong si AC, wala kaming nababasang magandang komento maging ang pagiging inglesera niya.  


Laking-Canada si AC bago pa man nakilala sa socmed nang dahil sa dancing ability nito, tapos ‘yun na nga, sa socmed din siya nahusgahan ng pagiging ‘toxic’.


Ang siste, mas na-magnify ito ngayon dahil sa PBB kung saan mas marami ang nakakapanood at nakakahalata ng kanyang mga galawan.  


Kung bahagi naman daw ng isang mahalagang ‘script’ si AC Bonifacio para mas pag-usapan ang Bahay ni Kuya, puwes, paghandaan na raw po natin ang iba pang malalaki at iskandalosong drama soon!



MARAMI naman ang naaaliw sa naging acceptance speech ni Janine Gutierrez nang manalo ito sa PMPC Star Awards for TV.  


Bukod sa acting award ay itinanghal na Female Celebrity of the Night ang napakaganda at seksing aktres, counterpart ni Dingdong Dantes bilang Male Celebrity of the Night.  


Sa kanyang acceptance speech ay sinabi nitong may maiuuwi na siyang sobre at bulaklak, na ikinaaliw ng mga nasa venue, kasama na si Kim Chiu na isa sa mga hosts that night.  


Sa isang video na napanood namin, makikitang itinataas pa ni Janine ang sobre habang tumitingin sa side nina Kim at co-host nito, kaya napahagikhik naman ang Chinita Princess.  


Nanalo ring Best Supporting Actress si Janine para sa series na Lavender Fields (LF) kung saan first time niyang naging kontrabida kasama ang boyfriend na si Jericho Rosales at si Jodi Sta. Maria.  


Si Kim naman ang itinanghal na Best Actress para sa Linlang series kasama si Paulo Avelino, na kapwa niya winner bilang Power Couple, kaliga ng co-winner nilang BarDa na sina Barbie Forteza at David Licauco.



SPEAKING of Papa Dong (Dingdong Dantes), isa nga siya sa mga biggest winners sa Star Awards for TV dahil bukod sa Male Celebrity of the Night ay nanalo rin siyang Shining Male Star of the Night (si Julie Anne San Jose naman sa babae).

Pero ang pinakabongga nga sa mga nakuha niya ay ang pagiging Best Game Show Host para sa Family Feud (FF).  


Sey ni Papa Dong, “Iba ang high ng ganitong recognition. Truly a valuable one.”

Sa tinagal-tagal na kasing umeere sa Pilipinas ng FF, very consistent si Papa Dong sa pagkakaroon ng recognition bilang mahusay na host nito, with all due respect sa mga nauna nang naging hosts ng show gaya nina Ogie Alcasid, Edu Manzano, Richard Gomez at Luis Manzano.  


Sa kasalukuyan ay laging nagtatala ng mataas na rating ang show sa Kapuso Network at isa nga ito sa mga pambato ng GMA-7.  


Tuluy-tuloy lang ang maganda at very smooth-sailing na takbo ng career ni Papa Dong na very soon ay may series na lalabas this year, may movie with Charo Santos at isa pang undisclosed project.  


And yet, sa gitna ng lahat ng mga ito ay ang umiikot na tsika na pinaghahandaan na rin daw nila ni Yan (Marian Rivera) ang pagkakaroon ng third child?  

Hmmm... parang not in the near future pa ito. Hahaha!

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 25, 2025



Photo: Yilmaz Bektas FB


Kinumpirma ni Yilmaz Bektas sa kanyang IG Stories na balak niyang bumisita sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. 


“I would like to say, yes, this news is true. I will be visiting the Philippines soon,” ayon sa Turkish businessman na ex-husband ni Ruffa Gutierrez. 


Una nang naibahagi ni Ruffa na plano umano ni Yilmaz na muling mag-propose at pakasalan siya. Masaya si Ruffa na maayos na ang relasyon nila ngayon para sa kapakanan ng kanilang mga anak.


Nagbahagi si Ruffa ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram (IG) kamakailan. 


Ayon sa aktres, “The past is a place to learn from, not to live in.” 

Marami ang naka-relate sa kanyang pahayag na tila paalala na ang mga pinagdaanang karanasan ay dapat maging aral at ‘wag nang ulitin pa. 



HINDI maiwasan ni Cong. Arjo Atayde ang maging emosyonal nang halos lahat ng barangay sa District 1 ng QC kung saan ang aktor-pulitiko ang kongresista ay dumalo sa kanyang ipinatawag na State of the District Address (SODA) kahapon na ginanap sa SM Skydome. 


Sa aming pagkakaalam ay siya lamang ang nag-iisang congressman na nagpatawag ng SODA.


Maraming napahanga ang anak nina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde dahil napakahusay na niyang magsalita sa harap ng mga kapwa niya mambabatas at sa kanyang nasasakupan.


Ang slogan ng aktor-pulitiko ay Aksyon-Agad. Ang paliwanag niya, nang naisipan niyang tumakbo last 2022, ang unang naisip niya ay Aksyon-Agad dahil ang gusto niya ay makapagbigay ng agarang tulong. 


Hindi lamang daw sa salita kundi talagang inaaksiyunan niya ang lahat ng kaya niyang gawin.


Ang isa pa sa mga ikinatulo ng luha ni Arjo habang nag-i-speech ay ang tiwalang ibinigay sa kanya ng marami.


Pagtitiwala ang labis niyang pinanghahawakan sa mga tao dahil kapag may ‘TRUST’ ay panghabambuhay daw ito at ito ang kanyang napatunayan sa kanyang mga constituents.


Maraming nagawa si Arjo sa kanyang nasasakupan, kaya naman lubos talaga ang pagtitiwala sa kanya ng mga tao.


Kahit baguhan pa lang siya sa mundo ng pulitika, ipinakita niya kung papaano niya ginampanan ang kanyang trabaho.


Sure kaming kahit wala ang misis niyang si Maine Mendoza sa kanyang SODA ay proud na proud ito sa kanya.


PIOLO AT KIM, BEST ACTOR AT BEST ACTRESS SA STAR AWARDS FOR TV


TAGUMPAY ang 38th PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Dolphy Theater last Sunday. Halos lahat ng major winners ay present. 

Si Piolo Pascual ang waging Best Actor sa mahusay niyang pagganap bilang isang pulitiko sa Pamilya Sagrado (PS)


Si Kim Chiu ang Best Actress bilang si Juliana sa Linlang.

Best Supporting Actress naman si Janine Gutierrez bilang Iris sa Lavender Fields (LF).

Tie bilang Best Supporting Actor sina Arnold Reyes (My Guardian Alien) at Dennis Trillo (Pulang Araw), pero no show ang huli.


Tila reunion naman ito para sa tatlong mahuhusay na journalists/broadcasters na sina Noli de Castro (Best Male News Host para sa TV Patrol), Korina Sanchez (Best Female News Host para sa Agenda) at Julius Babao (na tumanggap naman ng Lifetime Achievement Award for Excellence in Broadcasting). Ang tatlo ay dating magkakasama sa TV Patrol


Si Coco Martin, talagang napaka-gentleman na actor. Hindi nakaligtas sa aming paningin na everytime na may mananalong winner na dumaraan sa kanyang harapan ay tumatayo ito at nagbibigay-pugay. 


Naloka naman kami nang malaman naming partner pala si Alden Richards at ang kanyang production na Myriad Entertainment ng Airtime Marketing ni Tess Celestino na producer ng PMPC Star Awards for TV. 

O, ‘di ba, napaka-humble ng aktor?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page