top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 6, 2025



Photo: Maymay Entrata - Instagram


Bongga ‘yung pagkikita nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa red carpet ng katatapos na ABS-CBN Ball.


Para sa mga fashionistang puksaan ang outfit-an, winner si Nadine sa napakagara nitong pagdala sa gown na likha ni Rajo Laurel. Reynang-reyna kumbaga.


Pero siyempre, hindi rin nagpatalbog ang gown ni Kathryn na gawa naman ni Anthony Ramirez. Kung pagiging simple pero bonggang elegante ang usapan, in na in ang pagrampa ni Kath.


‘Yun nga lang, sa isang ginawang survey ng Top 10 Best Dressed, nasa ika-8 puwesto si Nadine habang nasa ika-10 si Kath.


Number 1 si Maymay Entrata na supermodel ang peg sa kanyang Michael Cinco gown. 

Gustung-gusto namin si Julia Barretto sa No. 2 in her Helsa gown na ala-Miss Universe rin ang aura. 


Bumagay naman sa short hair ni Janine Gutierrez ang Mark Bumgarner gown niya at No. 3. 


Fourth si Anne Curtis na diyosang-diyosa pa rin sa kanyang Nicole and Felicia Couture, habang nasa ika-5 ng listahan si Andrea Brillantes in her Neric Beltran suit. 


Naka-Francis Libiran naman ang nasa ika-6 na si Kim Chiu, habang si Mega Sharon Cuneta ay pasok sa No. 7 in her Jot Losa gown. 


No. 8 nga si Nadine at nasa No. 9 si Julia Montes na ang ganda-ganda sa kanyang Vania Romoff gown. And finally, si Kath sa No. 10 spot.


First time ni Mega Shawie na dumalo sa naturang ball at bukod-tanging siya lang ang maituturing na “mother” ng lahat ng nasa Top 10 na pumasok sa list ng Best Dressed.


May mga nagtatanong din kung bakit ang internationally renowned fashion icon na si Heart Evangelista ay wala sa list. Hindi na raw ba siya nakikipagsabayan sa mga local fashion greats natin dahil mas sanay na siyang makipagbardagulan ng outfit abroad?

Although nangangabog din ang mga kasuotan nina Angel Aquino, Lovi Poe, Michelle Dee, Maris Racal, Jane de Leon at Elisse Joson.


Sa mga kalalakihan, pinag-usapan ang mga kaguwapuhan sa kanilang mga suits nina Gerald Anderson, Daniel Padilla, Kyle Echarri, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, James Reid, Dominic Roque, Jake Cuenca, Donny Pangilinan, among others.


Wala kaming nabalitaan hinggil sa kung may naganap na pagkikita sina Daniel at Kathryn. O kung nagpansinan man lang ba sina Nadine at James with his GF Issa Pressman?


Pero sa naturang red carpet interview nga ni partner Gretchen Fullido, sinagot ni Kath na happy siya and still single. 


So, tama nga si Mommy Min na fake news ang naglabasang balita na may BF na si Kath.

Hmmm…



HMMM… kaya siguro hopiang-hopia pa rin ang mga KathDen fans na may posibilidad pang mag-take two sa panliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Natsismis kasing “binasted” ni Kath si Alden dahil sa pagiging busy nila, though ‘yung friendship naman daw ay nanatili, lalo’t balita ring boto si Mommy Min sa aktor. 


‘Yun nga lang, parang wala rin talagang time si Tisoy sa usaping ‘puso’ sa dami ng kanyang ginagawa at nais pang gawin kasama na ‘yung latest wish nitong mag-aral sa isang flying school.


Yes, pinag-iisipan na pala ni Alden na ayusin ang kanyang schedules para ma-accommodate raw ang plano nitong mag-aral sa isang aviation school.


‘Yan ay kung mababalanse at hindi raw magkakaroon ng isyu sa iba niyang iskedyul, lalo’t may mga collab projects siya on film production at iba pang negosyo.


Ang latest ngang pinagkakaabalahan ng aktor ay ang kanyang commitment sa healthy lifestyle. Sa kanyang fitness journey, ibinahagi ni Alden ang benefits ng pagiging active at sa pag-aalaga ng kalusugan.


“Gusto ko mas ma-inspire sila na alagaan ang sarili nila and at the same time, ma-realize nila kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang mga ganitong activities, kahit simpleng jogging pa ‘yan. 


“Marami kang nami-meet na mga bagong kaibigan, nakaka-bonding mo rin ang loved ones mo, and together, mas nagiging healthy kayo. For me, ‘yun naman lagi ang goal ko – to have a happier, meaningful, and peaceful life with them,” ayon kay Alden.


Sa darating na May 11, magho-host si Alden ng isang fun run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa Mowelfund or Movie Workers Welfare Foundation.


Hinihikayat ni Alden ang lahat na makiisa sa event na ito, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin makatulong sa mga nangangailangan.


Simulan ang healthy lifestyle at sumali na rin sa Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 5, 2025



Photo: TNT Grand Resbak 2025 sa It's Showtime - FB


Grabe ang puksaan sa Grand Resbak ng Tawag ng Tanghalan (TNT) na ngayong araw (Sabado) ay malalaman kung sinu-sino at aling pangkat ang aabante pa sa finals.


Ang naturang segment nga ang inaabangan ng marami sa It’s Showtime (IS) dahil tunay namang nandu’n na nga yata ang lahat ng mahuhusay na kontesero sa pag-awit.


May mga personal favorite kami gaya ng sa Pangkat Agimat na sina Marko Rudio, Rachel Gabreza, Jezza Quiogue, at Nowi Alpuerto, at sa Pangkat Alab na sina Eich Abando, Raven  Heyres, Mark Justo, at Pangkat Alon na sina Arvery, Ayegee, at marami pang iba.


Sa ating pagkakaalam ay ito ‘yung portion na si Meme Vice Ganda na ang co-producer, kaya’t hindi nakapagtatakang dito na rin itinatambak ang punumpunong commercial loads.


At kahit may mga paminsan-minsang kumokontra sa desisyon ng mga hurado, hindi maitatangging palung-palo at invested nang todo ang mga netizens at viewers sa show.


Happy naman ang GMA-7 na sa kanila umeere ang IS dahil isa nga raw ito sa mga programang nagbibitbit din sa network pagdating sa noontime ratings at viewership.



Kahit kami, Ateng Janiz, at mga Ka-BULGAR ay hindi na nagawang tapusing basahin ang napakahabang litanya ni Kris Aquino sa socmed (social media) explaining and detailing things about her and her side, her latest condition etc. etc.


No wonder, kahit ang iba niyang mga supporters at prayer warriors ay nagbibigay na rin ng kanilang payo na imbes na ubusin ang kanyang energy sa mga bagay na hindi naman interesado ang mga tao ay dapat tigilan na niya.


Enough na raw ‘yung naibahagi niya sa madla ang pagiging matapang at hindi sumusuko sa laban but she has to remember and know daw na hindi lang siya ang tao sa mundo na may ganyan (o higit pa) ring pinagdaraanan.


At dahil diyan, hindi na rin pinalusot ng mga netizens ang kanyang mga ate sa bashing at kahit na ang buong angkan niya na tila raw hindi na rin sinusunod o pinapakinggan ni Kris.


May nagkomento pang mga nag-aaral ng kasaysayan at nagsabing ano’ng klaseng legacy na lang daw ang maisusulat sa angkang may mga bayani kung mayroong ganyang, “In guise of being true ay nakapananakit at puro tungkol sa sarili ang ibinibida?”

Aguy, uy!



SPEAKING of GMA-7, bibida naman si Sparkle star Andrea Torres sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Akusada.


Ito ang comeback series ni Andrea matapos gampanan ang iconic role na “Sisa” sa Maria Clara at Ibarra (MCAI) kung saan nanalo siya bilang Best Actress in a Supporting Role sa Platinum Stallion National Media Awards.


Kamakailan lang ginanap ang story conference para sa Akusada, kung saan makakasama ni Andrea ang iba pang Sparkle artists na sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Princess Aliyah, at Jeniffer Maravilla.


Ayon kay Andrea, todo-paghahanda na siya para sa kanyang kakaiba at challenging role. 


Aniya, “Pinanood po namin ‘yung isang documentary na ginawa ni Ms. Kara David. Sobrang dami n’yang naitulong sa amin pagdating sa kung paano ko ipoposisyon ‘yung sarili ko sa role na ito. 


“Sa likod ng mga nakikita natin sa araw-araw na buhay, ito pala ‘yung pinagdaraanan nila.”



TULUY-TULOY pa rin sa paggawa ng ingay sa loob at labas ng bansa ang groundbreaking live-action adaptation na Voltes V: Legacy (VVL).


Kalahok ang serye sa 2025 Golden Horse Fantastic Film Festival sa Taipei, Taiwan. 

Ipapalabas ito sa April 13 at 17 bilang bahagi ng nasabing film festival.


Kasunod niyan, mapapanood din sa mga piling sinehan sa Taiwan at Hong Kong ang masterpiece collaboration sa pagitan ng GMA Network, Toei Company, at Telesuccess Production.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 4, 2025



Photo: Atasha Muhlach - Instagram


Uy, tila kakaiba rin ang Lenten presentation ng Eat… Bulaga! (EB!) na naging tradisyon na nga ang magbigay sa atin ng mga pampamilyang kuwento kapag Semana Santa.


Base sa mga trailer na napanood namin at sa hinati-hating EB! cast members na ibibida sa bawat araw ng Holy Week, mukhang may patalbugan ng husay ang bawat episode.


Grabe ‘yung episode nina Miles Ocampo at Jose Manalo. Iba ring umatake ng role itong si Jose, na bihira nga nating mapanood na umaarte ng drama role.


Magkakasama naman sa isang episode sina Joey de Leon at Maine Mendoza with Paolo Ballesteros, habang magkakasama rin sina Bossing Vic Sotto, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon. 


Naka-spread out sa bawat episode ang iba pang cast members ng EB!.

Hinanap namin si Atasha Muhlach na hindi namin nakita sa mga trailer na napanood namin. Mukha ngang nakapokus ang Baby Tash namin sa Viva One series niyang Bad Genius (BG).



PERSONAL ang paghanga namin sa pagiging consistent ni Kiko Estrada sa pag-acknowledge sa mga taong sa tingin niya ay kanyang pinagkakautangan ng loob.


Bukod sa mga supporters nila, producer, direktor, co-actors at mga big bosses ng TV5 at Viva Entertainment, paulit-ulit na binabanggit ng guwapong aktor ang mga kagaya natin sa media.


“I grew up with you people. Simula pa nu’ng nag-start ako dito sa showbiz, nand’yan na kayo. Thank you all for the support and guidance,” bahagi pa ng pahayag ni Kiko sa ginanap na mediacon para sa Lumuhod Ka Sa Lupa (LKSL).


Last 4 weeks na lang ng naturang action series na umabot ng isang taon sa TV, kahit pa nga nakasabay nito ang mga higanteng series ng GMA-7 at ABS-CBN, partikular na ang Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


“We are simply happy for what we have achieved. Kumbaga sa isang buong cake, we had our piece and own share of success,” dugtong pa ni Kiko.


Nakakabilib naman talaga ang batang action star dahil bukod pa sa mga ini-acknowledge niya, hindi rin niya nakalimutang banggitin ang mga yumaong sina Rudy Fernandez na siya ngang nagbida sa movie version ng LKSL, ang writer nitong si Direk Carlo J. Caparas at ang lolo niyang si Paquito Diaz.

“I truly wish na sana, nand’yan pa s’ya (Lolo Kits) at nakita n’ya ito,” medyo emosyonal pang nasambit ni Kiko.


Basta kami, ramdam na ramdam namin ang honesty at sincerity ni Kiko. Sa makailang beses na rin namin siyang nakausap, pormal o biruan, talagang napakamarespeto at magalang niya sa mga nakakatrabaho niya sa showbiz. Hindi talaga namin pinaniwalaan kailanman ang noo’y bintang sa kanya na ‘may attitude’ umano ito kaya mailap sa kanya ang full stardom.


Basta sa nalalabing 4 na linggo ng action series, tiniyak mismo ng mga big bosses ng TV5 na katabi namin sa upuan during the mediacon na sina TV5 President Guido Zaballero at TV5 COO Dino Laurena, “full-packed action ang mga aabangan,” and yes, may kasunod na action-series na muling pagbibidahan ni Kiko.


Kiko himself whispered to us, “Dodoblehin ko po talaga ang trabaho and commitment, promise.”


Kasama ni Kiko sa last four weeks ng LKSL sina Gardo Versoza, Rhen Escaño, Ryza Cenon, Althea Ruedas at si Sid Lucero.



SPEAKING of “new and exciting project” ni Kiko Estrada, muli niyang makakasama ang isa pa naming “baby” na si Sid Lucero.


Grabe ang naging bonding moment ng dalawa sa Lumuhod… to the point na mapagbibintangan mong may ‘boy love’ ang dalawa. Hahaha!


Kilalang magaling na aktor si Sid (no question about that) kaya naman very credible siya sa pagsasabing hinog na at napatunayan na ni Kiko ang kanyang pagka-action star and that he deserves to become a bigger star in the industry.


“He is very dedicated. He took risks and simply committed to his craft. Siyempre, galing din s’ya sa pamilya ng mga magagaling na artista, guwapo pa,” hirit pa ng ‘anak-anakan’ naming maituturing.


Yes, for the record mga Ka-BULGAR, noong mga 5 or 6 years old ‘yang si Sid, I used to babysit him. While in UP, naging iskolar din ako ng mga lolo’t lola niya sa mother side (tugang Bing Pimentel’s parents), and each time na tumutulong ako noon sa “orchidarium” nina Tita Lita at Tito Marcial at natitiyempong dumadalaw sila ng parents niya (Bing and Mark Gil), inaalagaan namin siya. Hahaha! 

Grabe, ‘no! How time really flies. 


Ngayon, tatay na tatay na si Sid and yet, ‘pag ikinukuwento namin sa kanya ‘yun, hindi siya makapaniwala na very young looking pa rin ang lola ninyo. Hahaha!

Good luck, mga baby ko. Nandito lang kami to support you, guys!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page