top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 25, 2025



Photo: Inigo Dôminic Pascual - IG


Bongga rin itong si Iñigo Pascual na habang nagma-mature ay lalong nagiging katunog at ka-style ni Papa Piolo Pascual na magsalita, tumawa at magparamdam ng humor.


Sa naging panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, bungisngis din ang anak ni Papa P sa pagsagot sa mga tanong.


Gustung-gusto namin ‘yung sinabi niyang “I am Iñigo Pascual and I am ready to be Iñigo and not just Papa P’s son.”


May sariling kaguwapuhan ang bagets though inamin niyang mas guwapo nga ang tatay niya kesa sa kanya. 


Nakakabilib din ‘yung ini-reveal niyang naka-25 na siyang audition sa Hollywood at na-cast na rin ng mga 3 beses.


Meron kasi kaming kilalang laging nag-o-audition sa mga Hollywood projects pero kung makapag-press release, feeling big star na pero waley naman tayong mapanood na project na nilabasan niya. Hahaha!


But going back to Iñigo, hangad naming magkaroon nga siya ng mas marami pang movie and TV projects and songs na talagang magpapakilala sa kanya bilang siya at hindi basta anak lang ng isang Piolo Pascual.

Good luck, Iñigo.



First time yata naming nakita si Regine Velasquez na umupo bilang isa sa mga hurado ng ongoing na Tawag Ng Tanghalan (TNT) Grand Resbak grand finals.


Sa tindi naman kasi ng husay ng mga grand finalists, mas nakakadagdag ng prestige ang pagiging hurado ni Regine.


Wish lang namin na huwag siyang ma-bash ng mga laging nagmamagaling na mga fans ng ilang contenders.


Katatapos lang magdiwang ni Regine ng kanyang ika-55 na taon at sure naman kaming of all the hurado na nakaupo ngayon sa TNT, punumpuno siya ng “K” na maging judge, ‘no!


Simula noong Lunes na may pinipili lamang na dalawang contenders (out of 6 each day) na a-advance this Saturday para sa huling tapatan, may mga moments talagang pipigilan mo ang iyong paghinga sa suspense at thrill ng kontes.



NAPANOOD namin ‘yung nag-viral na video ni Alynna Velasquez kung saan nag-alay siya ng bouquet of flowers sa Walk of Fame ‘star’ ni Hajji Alejandro sa Libis, Quezon City.


Medyo confused lang kami dahil ayon sa ulat ng PDI, a day before mag-celebrate ng kanilang 27th anniversary sina Hajji at Alynna nang pumanaw ang singer-icon.


Sa mga nakita kasi naming mga fotos, parang bagets pa si Alynna at parang nasa early 40s lang?  


Anyway, naging curious nga ang marami dahil sa pagkakaalam ng lahat ay si Alynna nga ang nakasama ng yumaong singer during his hospital days.


Hindi man niya binanggit ang totoong rason kung bakit hindi siya makapunta sa burol ng partner ay may mga nagpapalagay na “personal at family’s prerogatives” umano ang dahilan.


Meanwhile, madamdamin din ang nabasa naming post ni Rachel Alejandro sa kanyang social media account hinggil sa pagkamatay ng ama.




IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, mga mahal sa buhay, at malalapit na kaibigan.


Present din ang kanyang boyfriend na si Batangas Vice-Governor Mark Leviste na may pa-surprise para sa kanyang birthday girl!


Kapansin-pansin ang sweetness ng dalawa sa buong gabi, kaya’t hindi maikakailang blooming si Aira.


Spotted din sa event ang mga kapwa Status by Sparkle influencers na sina Chef Ylyt Manaig, Maika Kemmochi, at Javi Valdes na nakisaya sa espesyal na araw ni

Aira.


Happy 27th Birthday, Aira! Cheers to more love, happiness, and blessings ahead!



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 24, 2025



Photo: MIles Ocampo at Elijah Canlas - Instagram


SI Miles Ocampo ang latest artist ng All Access To Artists (AAA) Management, ang same stable na kinabibilangan nina Marian Rivera, Maine Mendoza, Carla Abellana at marami pang iba.


Paulit-ulit na pinasalamatan ni Miles ang mga big bosses ng kumpanyang sina Direk Mike Tuviera, Jojo Oconer at Ms. Jacqui Cara dahil hindi nga raw siya makapaniwala na kukunin siya ng mga ito.


Matatandaang after mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, isa si Miles sa mga sumama sa management outfit na itinayo ni Maja Salvador. 


“Maayos naman po akong nagpaalam, Kuya Ambet, para pumirma na ako kina direk. Tama naman ang sinabi nina Direk Mike na kahit 4 years ago pa, lagi nila akong kinukuha at binibigyan ng project, at pinakamalaki na nga ‘yung Padyak Princess sa TV5. Sobrang grateful lang ako kaya heto, nasa artist house na nila ako,” sey ni Miles.


Umaasa ang magaling na dating Goin’ Bulilit (GB) star na mas mabibigyan siya ng mga proyektong magbibigay ng challenge sa kanyang pagka-aktres.


“‘Yun po talaga ang gusto kong gawin uli, ‘yung umarte. Sobra ko s’yang na-miss,” dagdag pa ni Miles na aminadong nahawa na sa pagkakaroon ng Eat…Bulaga! (EB!) humor dahil sa pagiging co-host niya rito.


“Oo nga, eh, kahit waley ang mga jokes ko, gora (tuloy) lang. Ang importante, may mga napapasaya tayo,” aniya, sabay sagot din na “Masaya ang puso ko” sa tanong namin kung kumusta na sila ni Elijah Canlas na na-witness din naman namin sila bilang mag-BF-GF.


Sa totoo lang, napag-uusapan na rin daw nila ang ‘kasal’ pero dahil may mga kani-kanya pa silang priorities sa takbo ng kanilang career, “Wait muna siguro,” ani Miles.



“END of an era lang siguro. Ganyan naman ang buhay,” sey ng mga kapwa beteranong showbiz correspondents sa bago na namang dagdag sa hanay ng mga icons na namatay.


Although noon pa natin nabalitaan na nasa bingit ng kamatayan ang ‘70s Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro nang dahil sa kanser, nitong April 21 lang inianunsiyo ang kanyang pagkamatay.


Sa halos sunud-sunod ngang pagluluksa sa showbiz industry, may mapait na aliw pa rin itong dala dahil sa social media.


Naipapakilala nga kasi sa bagong henerasyon ng mga manonood at tagapagtangkilik ang mga gaya nilang icons o legends dahil agarang ipinapalabas ang ilan sa mga naging bahagi ng kanilang kasikatan, whether TV interviews, movie clips, appearances o concerts or songs na kanilang pinasikat.


Ilan sa mga classic songs na pinasikat at identified kay Hajji ay ang


Nakapagtataka, KayGanda ng Ating Musika, Panakip-Butas, May Minamahal at marami pang iba na pawang sumikat noong ‘70s at ‘80s at kung ilang beses na ring ini-revive, kinober at ginawan ng bersiyon ng ibang magagaling na singers sa bansa.


Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Sir Hajji Alejandro.



MARAMI naman ang nagsasabing marahil ay nami-miss na nga nang todo ni David Licauco ang BFF niyang si Dustin Yu, na tila nagiging negatibo na sa Bahay ni Kuya.


Nang mapabilang kasi sa mga nominado si Dustin (with his ka-duo), agad na nag-post sa kanyang socmed account na X (dating Twitter) at Facebook (FB) si David na tila nang-aasar pa sa BFF.


Isa na nga riyan ang sinabi nitong keri pang abutan ni Dustin ang showing ng movie niyang Samahan ng Mga Makasalanan (SNMM). 


Sey pa nito, “Sagot ko na ‘yung movie tickets hehehe @dustin.”

Inaasahan pa nga ng kanilang mga fans na baka raw salubungin pa ni David ang paglabas ng kaibigan if ever mang lalabas na ito this Saturday.


Ang mga nominado ngayong linggo ay ang duo nina RaSti (Ralph at Dustin), MiLi (Michael at Emilio), at BrInce (Brent at Vince). 


Nagkaroon din ng matinding tensiyon sa pagitan ng task leader na si Klarisse De Guzman at nominated housemate na si Dustin dahil sa ilang violation sa kanilang weekly task.


Sa halos ilang buwan na ring umeere ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, first time na may lalabas na mga lalaki dahil puro mga girls na ‘yung naunang na-evict.


Nalulungkot ang mga accla (bakla) o mga LGBTQ community dahil bigla nga raw naging hati-hati ang sentiments nila sa mga gusto nilang i-save pa, lalo’t wala ka nga raw halos itulak-kabigin sa kisig at ganda ng mga katawan ng mga male housemates ni Kuya. Hahahaha!


Abangan ang mga bagong hamon sa kanila gabi-gabi sa PBB Celebrity Collab Edition sa GMA Prime.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 21, 2025



Photo: Larawan mula kay Jen Donna Pergis Morera - Nora Aunor National Artist


Sentro pa rin ang pagkamatay ni Superstar at National Artist Nora Aunor sa maraming usapan sa multimedia here and abroad.


‘Yun nga lang, kahit ang mga legit mainstream media outlet from abroad na pumulot ng balita ay hindi rin marahil nag-verify ng ilang impormasyon lalo na ‘yung may mga headline na ‘7 decades’ ang inabot ng karir ni Ate Guy gayung turning 72 years old pa lang siya this May.


Nandiyan din ‘yung ilang famous celebrities na biglang naging mga best friend ni Ate Guy gayung noong buhay pa ito ay halos hindi natin sila nabalitaan, especially kapag nangangailangan ng ayuda ang Superstar.


At lalo naman ‘yung mga fans na nagtiyagang mabilad sa matinding sikat ng araw makita lang for the last time si Nora sa kanyang burol. Mapapatanong ka talaga, nasaan po kayo noong may mga movie projects si Ate Guy at need niya ang suporta ninyo?


May something talaga sa ating kultura bilang mga Pinoy, ‘no? Kahit sa mga ordinaryong tao na namatay o hindi kaya’y nahuli ng batas, laging ang magagandang bagay lang ang nakikita at sinasabi.


Basta kami, we silently offered prayers for Ate Guy. Hindi man kami solid and avid fan niya dahil legit Vilmanian kami, sobra rin kaming nalungkot sa kanyang pagpanaw.

Noong ginagawa ko ang college thesis ko sa UP Diliman at naging P.A. din ako ng yumao na ring si Ate Luds (Inday Badiday), may magaganda at makabuluhan din akong mga anekdota kay Nora Aunor. 


Pinaka-hindi ko makakalimutan ‘yung nakipag-inuman ako ng kuwatro kantos na gin with pancit bato on the side para lang mainterbyu siya. For the record, inabot ng more than 2 years ang thesis ko, kaya’t imadyinin ninyo kung ilang session ng inuman ang naganap sa amin kada interbyu. Minsan nga ay nasabi ko kay kabayang Kuya Ricky Lee, na sa dami ng kuwentuhan namin, puwede ko na rin siyang gawan ng libro. Hahaha!

Maraming SALAMAT Bulilit, Ate Guy, the Superstar at National Artist, Nora Aunor sa lahat ng naiambag mo sa industriya at buhay ng bawat Pinoy, here and abroad.

Sa mga mahal naming kaibigang Noranians, nakikiramay din po kami.


Sa mga naulila ni Ate Guy na sina Lotlot, Ian, Matet at Kiko, mga kaanak nila, sa aming kapatid Lala Aunor, Marion at Ashley, mga Aunor at Villamayor friends namin sa Iriga at abroad, ang amin pong sincerest condolences and prayers.

Rest in power, Ate Guy!



ISA nga si dear idol-friend-Mareng Vilma Santos sa mga unang-unang nakiramay sa pamilya ni Ate Guy.


Sa aming pagkakakilala kay Ate Vi, ramdam namin ang matinding kalungkutan at pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng maituturing na kakambal niya sa showbiz.


Nagbabardagulan man ang mga fans/supporters nila, alam din ng lahat na very civil at mataas ang respeto nila sa isa’t isa.


Ang Nora-Vilma talaga ang bumuhay at nagpasigla sa industriya lalo na noong mga dekada ‘70, ‘80 at hanggang early ‘90s.


Nag-evolve man nang bonggang-bongga ang karera ni Ate Vi from showbiz to public service, hindi maitatangging naging malaking salik o factor ang walang kapares nilang ‘rivalry’ ni Nora Aunor.


Hindi man din sila ang matatawag na best of friends, pero sa industriyang nagmahal at minamahal nila, at sa mga nagmamahal din sa kanila, mabubuti silang mga tao.


Larawan ng magkaibang ‘greatness’ pero kapwa mga icons at legends na nagkatulungan since day one na may tinawag na Superstar at Star for All Seasons.


Mag-react na ang mga hanay nina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, hanggang kina Kathryn Bernardo et. al., and with all due respect sa mga naunang nagreyna rin kina Ate Guy at Ate Vi, walang hihigit o makakapantay man lang sa uri ng rivalry o pagka-reyna nina Nora at Vilma.


Kaya ramdam namin, napilayan o may kung ano ring nawala sa isang Vilma Santos ngayong hindi na niya kailanman makakasama, makakatrabaho o makakausap si Ate Guy.



KUNG consolation mang matatawag ang pag-anunsiyo ni Jericho Rosales na siya ang boyfriend ni Janine Gutierrez sa wake ni Mamita Pilita Corrales, legit din naman sigurong masiyahan tayo.

Kaya naman nagkandaugaga rin si Echo sa pag-alalay kay Janine dahil nakaburol pa nga ang icon at legend lola nitong si Pilita Corrales, agad namang nasundan ng Lola Guy niya.

Nakakaloka kaya ang ganu’ng feeling. I’m sure marami sa atin ang nakaka-relate kay Nine (at sa Mommy Lotlot de Leon niya) lalo na ‘yung nakaranas din ng pagdadalamhati sa magkasunod na namatay sa pamilya.

Sure kami, isa itong karanasan sa buhay nila na hindi basta-basta malilimutan, kaya’t masasabi nating higit nang malalim ang ugnayan nina Echo at Nine sa ngayon.

Nakaka-proud namang maging BF si Echo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page