top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 29, 2025



Photo: DJ Chacha - IG



Sa social media post ng radio host na si DJ Chacha kamakailan lang ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagkakaiba ng kalagayan ng ordinaryong Pilipino at ng mga pinalad na pulitiko.


Aniya, "BATO-BATO SA LANGIT, TAMAAN MATAKAW


"Minsan, iniisip ko, sana itong matatakaw na pulitiko... maranasan rin ‘yung nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino.


"Pasukin din sana ng baha ang mga bahay nila. Imposibleng mangyari dahil sa mga mamahaling subdivision nakatira. 


"Ma-stuck din sana ng anim na oras sa gitna ng traffic habang nagugutom. 

"Imposibleng mangyari dahil puwede silang hindi pumasok sa trabaho dahil hindi sila tulad ng karamihan sa atin na ‘no work, no pay.’


"‘Yung hindi ka makatulog nang maayos dahil kabado ka kung aabutin ng baha ang bahay mo o puno na ‘yung timba na sumasalo sa tulo sa bubong. 

"Imposibleng mangyari dahil magagara ang tahanan nila, de-aircon ang mga malalaking kwarto kaya siguradong sleep well sa malambot nilang kama. 


"Magsundo sa anak sa eskuwela sa gitna ng class suspension tapos mahirapang makauwi dahil walang masakyan. Imposibleng mangyari dahil may sariling driver ang mga anak na naka-enroll sa mamahaling eskuwelahan.


"Lahat ito random thoughts lang. Lahat imposibleng mangyari. Pero du’n pa rin ako sa kahit gaano kahirap ‘yung buhay, may Diyos naman na hindi natutulog. 


"Mas masarap pa rin na ‘yung pinapakain mo sa pamilya mo at mahal mo sa buhay, pinaghirapan... hindi ninakaw sa pera ng bayan. 


"Patuloy pa ring lalaban nang patas. Mangangarap na sana isang araw, ipanalo naman ni Lord ‘yung mga totoong mabubuti. ‘Yung mga taong araw-araw lumalaban nang patas sa buhay.”


Maraming netizens ang napahanga ni DJ Chacha sa kanyang random thoughts.

Nagpapasalamat pa rin si yours truly dahil may mga pulitiko na hindi matakaw at hindi pansarili lang ang gusto tulad na lang ng mga sumugod sa matinding bagyo na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Robin Padilla, Sen. Jinggoy Estrada, Congressman Arjo Atayde, Congresswoman Lani Mercado, Congressman Jolo Revilla, Mayor Vico Sotto, at Governor Vilma Santos.


Kaya raw todo-payo sa anak… DINGDONG, AYAW MATULAD SI JAYDA SA KANILA NI JESSA


Nagpakatotoo si Dingdong Avanzado tungkol sa insecurities niya bilang ama at mga pangamba niya sa pagpasok ng anak na si Jayda sa showbiz sa latest episode ng Jeepney TV hostless talk show na Stars on Stars.


Sa nakakaantig na episode, inamin ni Dingdong na minsan ay naiisip niya kung pinahahalagahan ba ni Jayda ang mga sakripisyo na ginawa niya para sa anak.


Nabanggit niya rin na kahit kritikal pakinggan ang mga payo niya para kay Jayda ay nanggagaling ito sa lugar na puno ng pagmamahal.


“Minsan, hindi ko alam kung na-appreciate mo what I do for you… I don’t say those things to put you down—I say them because I want you to be better,” emosyonal na pahayag ni Dingdong.


Ibinahagi rin niya ang pagnanais nila ng asawang si Jessa Zaragoza na protektahan si Jayda mula sa magulong mundo ng showbiz.


“Ang industriyang ito ay industriya ng walang katapusang pagpapatunay ng sarili mo. You always have to outdo your last performance. We wanted to spare you from that,” saad niya.


Subalit tinanggap din nila ang kagustuhan ng anak na ipamalas ang talento sa musika at pag-arte. Sabi ni Dingdong, “‘Yan ang ibinigay sa ‘yo ng Panginoon. And who are we to stop you from using your gifts?”


Naging emosyonal din si Jayda sa usapan nila at sinabing isinasapuso at isip niya ang bawat payo ng kanyang mga magulang.


“I do appreciate it—lalo na ‘yung wisdom ninyo. I know it comes from a deep place, from the struggles you and mom went through. Ayaw n’yong maulit ko ‘yung mga pagkakamali n’yo,” sagot niya.


Tinanong din ni Jayda si Dingdong kung paano ito nagko-cope kapag nakikita niyang heartbroken siya. 


Sabi ng singer-actress, “Was there ever a point during my heartbreak where your heart broke too?”


“Every time your heart breaks, my heart breaks,” sagot ni Dingdong. “Hindi mo man sinasabi lahat, pero alam ko—because I know how you love.”


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 28, 2025



Photo: Herlene Budol - IG


Humagulgol ang aktres na si Herlene Budol dahil namayapa ang kanyang pinakamamahal na alagang aso na si Toti. Mapapanood ito sa Instagram (IG) post niya.


Ang simpleng caption ni Herlene sa post niya ay “Toti,” kalakip ang paws emoji.

Kuwento ni Herlene, “Si Toti ‘yung unang aso ko sa buong buhay ko na naituring kong akin, kase dati nakiki-aso lang ako. 

“Si Toti, hinulugan ko pa para mabayaran ko, college ako nu’n, wala pa ‘ko sa TV.


Naabutan n’ya rin ‘yung lola ko. Ngayon, sana magkasama na sila. Sobrang sakit pala mawalan ng unang aso, unang best friend, una kong naging fans.  

“Paalam, Toti. Mahal kita at mahal ka ng sampung mga kapatid mo.”


Dagdag pa niya, “Mahal na mahal kita, Toti. Hindi ko alam kung paano ang araw ko nang wala ka. Salamat sa saya at pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Run free, my baby.” 


Maraming netizens ang nakiramay sa pagdadalamhati ni Herlene. Nakiramay din si Wilbert Tolentino, dating manager niya.


Saad ni Wilbert, “Rest in peace, Toti. Thank you for being a best friend to Herlene & bringing her and the rest of us happiness, loyalty, companionship & unconditional love for 5 or 6 years even if you have a health condition. 


“It was heartbreaking to say farewell knowing that you are no longer in pain & suffering. Run free, Toti (paw prints, dog, pleading face, praying hands emoji).”


Hindi rin nakalimot makiramay ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Saad ni Jak, “My condolences, Herlene. Run free, Toti.”


The most difficult thing about having a dog is goodbye. God bless you, Toti, run free.



Napaka-sweet and loving daughter ng singer at composer na si Marion Aunor.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Marion ng larawan ng kanyang mother dearest na si Maribel Aunor na nagdiwang ng kaarawan noong July 25, 2025. 


Aniya, “Happy birthday, Momo! (cake, party face, hugging face & balloon emojis).

“Incredibly proud and grateful to have you as our mom (white heart emoji). Thank you for your guidance, support, and love (smiling face with hearts emoji).


“Praying that you get everything your heart desires on your special day and this year to come. More blessings and adventures ahead (raising hands emoji).

“We’ll always just be here for you (smiling face with hearts emoji). Love you, Momo! — Marion Aunor.”


Napakasuwerte ni Maribel Aunor at nabiyayaan siya ng mga anak tulad nina Marion at Ashley na nagmamahal sa kanya. 

Happy birthday, Maribel!



WALA talagang makakapigil sa mag-inang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez at sa number one congressman ng District One ng Quezon City na si Cong. Arjo Atayde sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan lang.


Sumugod sa malakas na ulan at baha ang mag-ina para mamahagi ng biglaang pangangailangan ng mga tao.


Sa pamumuno ni Cong. Arjo, kasama ang kanyang ina na si Sylvia, naisakatuparan ang relief operation para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng habagat sa Brgy. Paraiso.


Naghatid si Cong. Arjo ng gamit sa pagtulog gaya ng unan, kumot, at banig, kasabay ng mainit na lugaw, sopas, tinapay, at biskuwit, mga simpleng bagay na nagsilbing kaagapay sa ginaw at gutom ng mga nasalanta.


Ang pagtugon sa pangangailangan ng distrito ay hindi natatapos sa isang operasyon lamang. Patuloy ang malasakit at serbisyo ni Cong. Arjo para sa bawat ka-distrito.

Totoo talaga ang ‘Aksyon agad, serbisyong may puso — District One Cares’ ni Congressman Arjo Atayde.


Kuwento pa ng kaibigan ni yours truly, na kahit daw binaha sila ay napapangiti pa rin sila dahil nakita nila ang idol nilang si Sylvia Sanchez. 


Dagdag pa sa kuwento na masarap daw ang lugaw, sopas at tinapay na ibinahagi ng mag-ina. Ramdam daw nila ang malasakit ni Cong. Arjo Atayde at ng mother dearest nito. At nagpahatid din sila ng pasasalamat sa ginawa ng mag-ina.

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 26, 2025



Photo: Randy Santiago - IG


Sa Instagram (IG) post ng aktor at singer na si Randy Santiago ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang medical team. Makikita rin sa larawan ang aktuwal niyang operasyon sa mata.


Kuwento ng magaling na singer, ipinatanggal niya ang cataract niya. Sa tulong ng Panginoong Hesus at ng mga doktor ay napagtagumpayan niya ang kanyang eye surgery.


Sabi ni Randy sa post niya, “One sign of aging is clouding of the eyes or cataract which may happen in your 50s or senior years.


“In my case, it was time to have this procedure. Grateful and thankful to Dr. Rollo Milante and his USTH Eye Center Team for the very smooth, fast, painless and state-of-the-art cataract surgery.


“I am just so amazed with the result. Kudos to my Silverde brother, Dr. Elvis Llarena for the referral and personalized support.


“Truly seamless assistance from the USTH staff as well. Maraming Salamat po. Hanggang sa susunod na mata.”


Dagdag pa ni Randy, “Performed at the USTH Eye Center. Dr. Rollo Milante's other eye centers: Legazpi Eye Center, Legazpi City, Bicol, Legazpi Eye Center, Naga City.”


Naalala ni yours truly na every time na magkikita kami ni Randy sa preskon ay sinasabi niya na ako raw ang nanay niya kasi pareho kaming naka-sunglasses, na kahit na sa madilim ay naka-shades pa rin kami. 


Palabiro, malambing, at walang kayabang-yabang sa katawan si Randy Santiago kahit na naging sikat na OPM icon pa siya. Kaya naman sure si yours truly na gagaling agad si

Randy dahil nothing is impossible with God. 


Get well soon, my son, Randy (smiling emoji).


Kanta na nga lang tayo ng: “I wear my sunglasses at night, so I can, so I can watch you weave then breathe your story lines…


“And I wear my sunglasses at night, so I can, so I can keep track of the visions in my eyes…” 

Pak ganern!



SA social media post ng aktres na si Ria Atayde ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang mister na si Zanjoe Marudo, at nagpahayag ng pagbati sa kaarawan nito. 

Aniya, “Happy birthday, bestie. What a year last year was for you and I can’t wait to see the beauty and adventures this next one brings.


“Grateful for your heart, your strength, your hustle, and the life we’re building together one day and one laugh at a time. Yudabez (you’re the best), bes (bestie).”


Maraming netizens ang pinusuan ang birthday greetings ni Ria sa kanyang loving husband na si Zanjoe. 


Nagpahayag din ng pagbati ang aktres na sina Coney Reyes at Anne Curtis para kay Zanjoe.


Samantala, nalalapit na ang showing ng How To Get Away From My Toxic Family (HTGAFMTF) on July 30, showing exclusively in SM Cinemas nationwide.


Pinagbibidahan ito ng magaling na aktor na si Zanjoe Marudo kasama sina Susan Africa, Richard Quan, Sherry Lara, Lesley Lina, Keena Pineda, Juharra Asayo, and Kim Rodriguez, with the special participation of Nonie Buencamino. 


OgieD Productions and KreativDen Entertainment proudly present a film directed by Lawrence Fajardo.


Marami ang makaka-relate sa movie na HTGAFMTF. At sure rin si yours truly na mag-e-enjoy ka sa ganda ng movie na ito at may matututunan din sa nasabing pelikula.


‘Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page