top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 29, 2024



Photo: Judy Ann Santos at Vilma Santos-Recto - Instagram


Gaya ng aming naging forecast, pumasok naman as nominees at nanalo ang mga performers sa mga kategorya nila.


Biggest winner ang Green Bones (GB) as Best Picture (Screenplay etc..) at nagbigay din kina Dennis Trillo at Ruru Madrid ng Best Actor at Best Supporting Actor trophies respectively.


Best Actress din si Judy Ann Santos. Though ibinahagi niya ang kanyang award sa mga co-nominees niya, inaasahan ng mga nandu’n na at least ay bigyan niya ng special mention si Vilma Santos dahil prior to it, maraming beses na napag-usapan ang entry ni Juday with Ate Vi being mentioned in there. 


Kahit nga noong parada ay may pa-showbiz picture together pa siya with Ate Vi and another nominated Santos (Aicelle), and her co-stars Lorna Tolentino at Chanda Romero, na iniisip ng lahat na ganu’n sila ka-close. And yet, nang tinalo nga niya si Ate Vi ay never man lang nitong binanggit considering na in her all-white attire ay tiyak namang nakita niya that night ang Star for All Seasons.


Komento nga ng nga netizens, “We will understand kung nowhere in sight si Ate Vi, but the mere fact that she is there, present, hay naku, Juday!”

Hayan tuloy, tinawag siyang “plastikada at pa-bidang proud” dahil tinalo nga niya si Ate Vi.


Although bet din namin si Juday para ma-nominate, still for us, si Vilma Santos ang dapat na nanalo, period.



As expected, malala na naman ang mga puna at kuru-kuro hinggil sa mga naganap sa Gabi ng Parangal ng 50th MMFF.


Nothing special kesehodang tadtad sa pralala na maraming pagbabago, etc, etc.. Ganu’n pa rin kagulo, ganu’n pa rin kakontrobersiyal at nagpapapansin para sa kita in guise of promoting quality films. 


But then again, nasa mga tao po ‘yan, nasa atin po ang huling paghuhusga.

Kaya pasadahan na natin ang mga naganap last December 27 awards night na dinaluhan ng matatawag nating mga haligi ng industriya, sans mga pulitikong alam naman nating dapat ay may mga photo op.


‘Di raw ubrang Best Actor, pampalubag-loob na lang… VICE, KINUWESTIYON ANG MMFF KUNG PARA SAAN ANG AWARD NIYA



Una, ang kakaiba talagang humor and wit ng isang Vice Ganda nang bigyan siya ng Special Jury Citation para sa entry niya.


Tatak-Vice ang nagsalita at nagtanong kung para saan ba ang naturang parangal? Binardagul niya talaga ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga naging tanong niya. Kaya’t ang mga presenters na sina Lorna Tolentino at Dennis Trillo ay maagap sa

pag-anunsiyo at pagbasa ng naging criteria ng award.


“Mag-thank you na ako dahil baka ibig sabihin nito ay hindi na ako puwedeng manalo ng Best Actor,” ang may pagka-sarkastiko pang hirit ni Vice.


Kumbaga sa basketball award, Most Improved na matatawag ang parangal ni Vice dahil sa daming beses na nga siyang nakilahok sa festival kung saan inakusahang “basura” ang mga entries niya, sa And The Breadwinner Is… (ATBI) lang siya nakitaan ng pagkaseryoso bilang aktor.



KAHANGA-HANGA nga ang show of respect and dignity ni Aga Muhlach. Pagkatapos kasing ianunsiyo ang Best Actor award, isa siya sa mga naging presenters ng Best Actress.


Naging biggest flaw kasi that night ang pagkakaisnab kay Aga as Best Actor contender for Uninvited. Ni hindi siya napasama sa listahan ng mga nominees? 


Mapapa-que horror ka talaga at tatawagin mong bastos at bobo yata ang mga jury members for such a snub?


Ano ito? Very ‘70s era na nag-power play na naman ang mga nagmamarunong na taga-academe na may societal concern eme-eme at umaayaw sa mga movies and roles na may violence, cry for justice and the like?


Grabeh, pero sobrang injustice ‘yun for Aga talaga na earlier that day ay ka-chat at kino-congratulate pa namin for a possible Best Actor win that night.


Sila talaga ni Dennis ang best bet ko for such an award. Sabi ko nga sa Facebook (FB) post ko, kung jury member ako ay ikalalamang ni Aga over Dennis ‘yung pag-take niya ng risk na kamuhian siya sa kanyang role.


But then again, Dennis’ take sa Green Bones (GB) is hard to be ignored. Kakaiba ‘yung atake niyang may redeeming factor ang pagiging “very good person” since day one and yet ay nahusgahan ng mali ng lipunan.



ANOTHER big palpak ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) anniversary ay ang pag-isnab din kay Direk Dan Villegas as Uninvited director.


At least a nomination could appease the great man behind such a film na matapang, may b*yag magkuwento ng totoong nangyayari about drugs, rape, killing, etc. na talamak naman talaga sa mga nasa posisyon o mayayaman sa lipunan. 


With Direk Dan and his team na maayos naman ang naging trabaho sa editing, story-telling, music, sound, cinematography etc., that deserves commendation at least.


Pero ‘yun na nga, ang mga de-kalibreng JURY members ay tila naiwan ang mga talino, puso at record sa kasaysayan sa mga panahong nasa diktadurya pa tayo. Very ‘70s ang galawan, very pakontrobersiyal at paiskandalo na eventually naman ay huhusgahan over time.


Ang mga ganitong pestibal na dapat ay nagsusulong ng magandang kultura, tradisyon at sipi sa kasaysayan ay balot pa rin ng komersiyo, salapi over honor, at mga “pralala” ng mga nagpapatakbo na kesyo umunlad na at nagbalik na ang sigla ng sektor ng

pelikula.


Saan? Kailan? Paano at Ano?


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 28, 2024



Photo: Aga, Vilma at Nadine sa Uninvited premiere - FB - Nadine Lustre


Napakalakas naman sa social media, vloggers and podcasters ng Uninvited. Resibo kung resibo rin ang ipinapakita nilang dagsa at pila ng mga tao sa sinehan, plus ang magagandang reviews at reactions ng mga nakapanood.


May mga nagsasabi ring maraming nagmamagaling na reviewers ang pelikula gaya ng mga nagrerebyu rin sa mga entries na Espantaho, My Future You (MFY), Himala at Topakk.


Labanan kasi ng tinatawag na “word of mouth”, lalo’t ang mga taong nagbabayad sa mga sinehan ay naghihintay talaga ng mapagkakatiwalaan nilang mga sources bago sila manood ng sine.


Whether that’s a good sign or what, malinaw ang resulta na negosyo pa rin ang lahat at ang pagkamal ng bilyones ang layunin ng nag-organisa ng festival.


Kaya gaya ng palasak nang kasabihan sa botohan sa pulitika na “vote wisely”, “choose your movie wisely” naman ang maipapayo natin sa mga moviegoers.


At ‘yan ang aming inaasahan sa Gabi ng Parangal- piliin at manalo talaga ang mga karapat-dapat.



Kani-kanya na talagang teritoryo ang mga PR groups ng lahat ng entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).


Grabe ang promo campaign ng The Kingdom (TK) dahil literal na nasa lahat ng platform nila ang kampanyang maganda, pinag-uusapan, box-office hit at kakaibang Vic Sotto ang nagbibida sa film.


And yes, totoo ang tsikang nagpalabas ng memo ang matataas na executives ng buong network ng TV5 at lahat ng kumpanya nito, media and non-media, na i-push nang todo ang movie. Kaya ‘yung mga ibang entries na waley talagang konek, powers o independent at umaasa lang sa lakas ng entries nila, napag-iiwanan talaga.


TV5 and its affiliate groups are doing exactly what used to be the “works” of ABS-CBN kapag may mga gusto silang i-push na ikampanya. Spreading all over silang talaga, kahit hindi naman 100% totoo ang mga claims nila.


And yes, asahan na nating hindi nila babanggitin o bibigyan ng katiting na atensiyon ‘yung mga kalaban nilang either nakakaungos o sadyang malakas.


Although ginagawa rin naman ‘yan ng GMA-7 with their Green Bones (GB) entry but they still try naman to offer alternatives kumbaga.


And did we forget to say na very territorial pa rin ang ABS-CBN sa entry nilang And The Breadwinner Is… (ATBI)?



KAYA naman heto ang aming walang takot na prediksiyon base sa aming mga napanood na entries (as of presstime, naka-pito na kaming entries).


Frontrunner sa amin ang Uninvited at dito manggaling ang aming Best Actress (Vilma Santos), Best Actor (Aga Muhlach), Best Supporting Actress (Gabby Padilla o Nadine Lustre), Best Director (Dan Villegas) at Best Picture.


Deserving naman na makakuha ng high commendation o makasulot ng win para sa Green Bones sina Dennis Trillo (Best Actor ) at Wendell Ramos (Best Supporting Actor). Deserve rin ni Zig Dulay na ma-nominate as Best Director at Ruru Madrid as Best Actor.


Although mahihirapan talagang kabugin ang performance ni Ate Vi sa Uninvited as Best Actress, bibigyan naman siya ng magandang laban nina Judy Ann Santos, Aicelle Santos (Himala), Julia Montes (Topakk), o kahit ni Francine Diaz (My Future You).


Ang mga supporting performers na sina Chanda Romero, Lorna Tolentino, Kakki Teodoro, RK Bagatsing, Piolo Pascual, Nonie Buencamino, o Eugene Domingo, ay posible ring maparangalan sa mga respective entries nila.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 22, 2024



Photo: Maine at Tash - Instagram


“Ganyan talaga ang kalakaran. Everybody needs to understand,” ang tila may himig hinampong emote ng mga supporters ni Maine Mendoza.


Sa halos buong promo season daw kasi ng pag-promote ng MMFF entry na The Kingdom (TK) sa Eat…Bulaga! (EB!) show, ni hindi raw nagawang maisingit man lang ni Maine ang entry ng kanyang asawang si Arjo Atayde.


“Hindi naman siguro s’ya pinagbawalang banggitin o ano, pero siyempre, dahil talent lang s’ya ng show, kung ano lang ang ipagagawa sa kanya, ‘yun lang ‘yun,” komento pa ng mga fans ni Maine.


Sa ilang pagkakataon daw kasing binisita ni Papa Piolo Pascual ang show, talagang bugbog sa promo ang TK and nothing but the film entry lang ang topic ng diskusyon o kuwentuhan ng Dabarkads. 


Lahat kumbaga ay obligado na sumali sa promo ng entry nina Bossing Vic, Piolo, etc.. Ni hindi talaga makasingit man lang na i-mention ang title ng kahit anong entry except nga ang TK


Kaya nga raw dedma na rin siguro si Atasha Muhlach na banggitin ang movie ng kanyang daddy na si Aga dahil feel din nitong hindi siya pagbibigyan na banggitin ang Uninvited film ng ama.


Kani-kanyang teritoryo lang ‘yan, ‘ika nga.



Napanood na namin nang buo ang Green Bones (GB) kasama ang mga bida at mga VIP guests ng GMA Network. 


As expected, hindi kami nagkamali sa pagsasabing worth our time and effort ang panonood namin dahil napakaganda ng movie.


Kahit ang mga award-winning journalists gaya nina Jessica Soho, Atom Araullo, Howie Severino, Kara David at mga big bosses led by Ma’m Annette Gozon, Ma’am Lilybeth Rasonable at ang mahal naming tugang na National Artist Ricky Lee ay halatang-halatang umiyak sa ganda ng movie.


Dedmahan na lang kami sa pagpunas ng aming mga luha dahil tunay namang nakakaantig ang kuwento, napakasimple pero ‘yung execution at treatment ni Direk Zig Dulay ay very relatable naman talaga.


Hindi man ito perpekto sa teknikal na aspeto, pero sa husay nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, Alessandra de Rossi, ‘yung batang babae na gumanap na Ruth, sina Wendell Ramos, Nonie Buencamino, Ronnie Lazaro and the rest of the cast, hindi mo na papansinin ang maliliit na lapses. 


Shoo-in for Best Actor si Dennis dito dahil ibang klase ang pag-atake niya sa role niya with matching sign language pa at tunay namang heartfelt. 


Maging si Dennis ay nakita naming umiiyak at namumugto ang mga mata after the movie, pati ang asawa niyang si Jennylyn Mercado na kasama niya sa premiere.


Bigla naman naming naisip ang award-winning performance ni Charito Solis sa Karnal sa husay ng pagka-narrate ni Ruru Madrid. Hindi rin kami magugulat kung magwagi siya ng award for Green Bones.


Well, mahusay talaga ang mga mata ni Direk Zig sa mga locations na nagsasalita — mapa-dagat man o bundok. ‘Yung tree of hope na ginamit, wow na wow ang importansiya sa kuwento.


Naku, kulang ang aming espasyo upang ilarawan ang kabuuang husay at ganda ng GB.

Basta inirerekomenda naming isa ito sa inyong unahing panoorin come December 25 at hindi kami mapapahiya sa inyo. 


Magbaon lang kayo ng tissue dahil tiyak na iiyak kayo. Hahaha!



Gaya rin naman sa It’s Showtime (IS) na kahit nasa GMA-7 ay hindi rin daw nakitaan na isali man lang kahit sa spiels ang Green Bones (GB) entry na produced by GMA Pictures.


Teritoryo nga naman ‘yun ng And The Breadwinner Is… (ATBI) ni Meme Vice Ganda, kaya’t priority at malamang na exclusive rin ang film entry sa show na siya rin ang pinaka-bida.


Napansin nga rin ng ilang netizens ang naging guesting ni Eugene Domingo sa show kamakailan. Parehong kasali sa dalawang MMFF entries si Uge, pero ang ATBI lang ang puwede niyang banggitin sa IS.


Understandable naman but come to think of this, kapag ang mga artista ang nagsasabing may collab na wala nang network war at mga kagayang kuda, nagiging kapani-paniwala pa ba sila with this kind of actions?


Ay, hindi nga ba’t may kumakalat na isyu na diumano'y pinakiusapang umalis at mag-cover ng isang presscon ang isang taga-TV5 correspondent  dahil hindi nga raw ito “feel makita” ng nagbibida sa isang MMFF entry not because of him/her as a correspondent, kundi dahil sa network na umano’y nire-represent niya?

‘Yun, oh!!!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page