top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 21, 2026



SPECIAL - ELLEN KAY DEREK_ NO SUSTENTO, NO LILI_IG _ramseyderek07 & _maria.elena.adarna

Photo: IG _ramseyderek07 & _maria.elena.adarna



Matapos ang ilang linggo o buwan ding pananahimik, muli na namang nag-iingay ngayon si Ellen Adarna dahil sa isyu ng sustento ng estranged husband na si Derek Ramsay sa anak nilang si Liana o Baby Lili. 


Kung matatandaan, nu’ng mga nakaraang buwan ay isyu ng ‘cheating’ ang ibinabato ni Ellen sa hiniwalayang mister, na idinaan din niya sa mga posts sa social media.


Pansamantalang natigil ang mga hanash niya kay Derek at akala nga ng marami, naayos na nila ang co-parenting kay Baby Lili dahil nakikitang nahihiram na ito ng aktor at naisama pa nga sa bakasyon abroad nu’ng holidays.


Pero ngayon, may bagong pasabog si Ellen laban kay Derek — at ito nga ‘yung October last year pa raw nang huling magpadala ng sustento kay Baby Lili ang aktor.

Sa kanyang latest Instagram Story, pahayag ni Ellen, “Let’s set the record straight. Truth matters. Facts matter. And credit should always be given where it is due.”


Patuloy niyang kuwento, “Last month, I told his assistant, ‘No sustento, no Lili. That simple.’ I am not demanding anything beyond what is fair, but I will not allow a father to live comfortably just cooling his balls while having little to no contribution to his child - because he gets to see her almost everyday.”


Ayon pa kay Ellen, nagbigay lang daw ng sustento si Derek matapos niya itong tawagan two weeks ago.


“Only after I called him out did he give a credit card - two weeks ago - with a P50,000 credit limit. That amount covers only 55.80% of the actual breakdown of Liana’s expenses that I clearly presented.”


Nilinaw din ni Ellen na nu’ng  nakatira pa siya kay Derek, hindi naman daw ito o ang nanay nito ang nagbabayad ng kanyang mga personal staff. Isang yaya lang daw ni Liana ang sinusuwelduhan ni Derek samantalang 5 ang kanilang kasambahay. 


Si Ellen din daw ang nagbabayad ng kanyang mga personal groceries at wala naman daw ibinigay na bahay para sa kanya ang aktor.

May patutsada rin si Ellen sa isang video niya kung saan sinabi niyang todo-flex si Derek ng mga mamahaling sasakyan nito pero hindi nga nagsusustento kay Baby Lili.


Sa ngayon, wala pa kaming nakukuhang sagot mula kay Derek Ramsay sa mga bagong akusasyon sa kanya ni Ellen Adarna, pero bukas ang aming pahina para sa kanyang panig.



Stepdad, galit na galit sa mga bakla… 

PANGANAY NI IZZY, UMAMING SINAKAL NI ALVIN



LALONG nanggigil ang mga netizens kay Alvin Aragon na isang linggo nang laman ng social media matapos umamin ang panganay na anak ni Izzy Trazona na si Sofia sa kanyang latest video na ‘sinakal’ siya noon ng kanyang stepdad.


Kung matatandaan, una nang nagsalita ang transgender na anak ni Sexbomb Izzy na si Sofia sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube Channel nitong Ogie Inspires na sinaktan siya nang pisikal ng kanyang stepdad nu’ng Grade 7 pa lang siya matapos siyang gabihin ng uwi at hindi nakapagpaalam nang maayos.


Hindi tinukoy ni Sofia sa naturang interview kung ano’ng pananakit ang ginawa sa kanya ni Alvin noon, pero sa latest Facebook reel niya na may caption na “To Mr. Aragon”, ani Sofia, "Hindi ko nga sinabi na sinakal mo ‘ko, ‘di ba? Pero ‘yun talaga ‘yung totoong nangyari. I even choked for how many seconds bago mo itinigil ‘yung sakal na ‘yun." 


Muli ngang nagsalita ang anak ni Izzy Trazona dahil aniya, pagod na pagod na siyang protektahan at idepensa ang kanyang ina gayung alam naman niya ang totoong ugali ni Alvin.


Sana raw ay matapos na ang lahat dahil kaliwa’t kanang pamba-bash nga naman ang inaabot ngayon hindi lang ni Alvin Aragon kundi pati ng kanyang inang si Izzy dahil sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ng mister nito.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 19, 2026



Alvin Aragon at Sofia Trazona - FB

Photo: Alvin Aragon at Sofia Trazona - FB



Nagpa-interview na sa TV host-manager na si Ogie Diaz thru his Ogie Inspires vlog sa YouTube ang panganay na anak ni Sexbomb Izzy Trazona na si Sofia.


Kung matatandaan, nitong mga huling araw, naging controversial ang isyu sa pagitan ng transwoman na anak ni Izzy na si Sofia at sa mister ng Sexbomb dancer na si Alvin Aragon matapos magpa-interview ang huli at magbitaw ng statement na "God will throw you to hell if you continue to do homosexuality.”


Inamin ni Sofia (dating Andrei) na talagang na-hurt siya sa binitawang pahayag ni Alvin dahil ang feeling daw niya ay masyado naman nitong dine-degrade ang mga members ng LGBTQIA community dahil sa pagiging maka-Diyos nito.


Kung ang Diyos nga raw ay hindi mapanghusga at nagpapatawad, bakit si Alvin at hindi siya tanggap sa kanyang sexual preference.


Although, nilinaw ni Sofia na ang kanyang mom na si Izzy ay tanggap naman siya, hindi pa rin daw sila nagkikita nang may 3 taon na at sabik na sabik na rin siyang makita itong muli.


Hinihintay lang daw niyang ang ina na ang mismong magsabi na umuwi na siya at handa naman daw niyang gawin ito.


Bagama’t ang sinabi ni Sofia na dahilan ng pag-alis niya sa kanilang bahay ay ayaw niyang makitang nahihirapan si Izzy financially sa pagsustento sa mga anak nito (wala bang ambag man lang si Alvin? Just asking…), ramdam naming may kinalaman pa rin ang hindi pagtanggap sa kanya ni Alvin bilang isang trans.


Nabanggit nga kasi ni Sofia na minsan na siyang nasaktan nang pisikal ng asawa ng kanyang ina nang late siyang makauwi ng bahay at hindi nakapagpaalam nang maayos.

Nag-sorry naman daw si Alvin sa nagawa, pero shocked si Sofia dahil first time niyang naranasan ‘yun sa kanyang stepdad, gayung ang kanyang biological dad ay mahal na mahal siya at todo-suporta sa kanyang pagiging trans. In fact, ang tatay pa raw niya ang bumibili ng mga hormonal pills niya para sa kanyang transitioning.


Maging ang kanyang pagiging drag queen ngayon ay suportado ng kanyang biological dad na si Michael Navarro, isang dance coach.


Napansin lang din namin na sa buong interview ni Mama Ogs kay Sofia, never in-address ng panganay ni Izzy na “papa, daddy o tatay” si Alvin at simpleng “Alvin” lang ang itinawag niya rito. Sinabi rin niyang inirerespeto niya ito dahil asawa ito ng kanyang ina, pero kung medyo malayo na ang loob niya rito noon, nadagdagan pa ngayon dahil sa panghuhusga nga nito sa kanya bilang transwoman.



After ireklamo ng cyber libel ni Michelle, nag-post sa FB… XIAN GAZA: NAMBUBUGBOG NA, NAGDODROGA AT IMORAL PA 





PALABAN talaga at ayaw tumigil ng tinaguriang Pambansang Marites na si Christian Albert Gaza matapos sampahan ng kasong cyber libel ni Michelle Marquez Dee sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).


Sa bagong post ni Xian (palayaw ng social media influencer) sa kanyang Facebook account, nagpatutsada na naman ito sa isang tao na kahit hindi nito pinangalanan, eng-eng na lang talaga ang hindi makakatukoy kung sino ang pinatutungkulan niya ng kanyang mensahe. Diretso, kumakagat at matitindi ang mga sinabi ni Xian na ganito ang nilalaman, “Kapag ‘yung isang tao ay nambubugbog at nangto-torture ng isang ordinaryong mamamayan, gumagamit ng droga, at nakikihalubilo sa mga imoral na gawain kagaya ng pakikipag***tutan sa dalawang magkasintahan, ‘yung mga ganyang klaseng tao ay walang karapatan para maging isang women empowerment advocate. 


“Ayan ay isang malaking kataran**duhan. Mga sikat na personalidad na banal-banalan sa mata ng publiko pero masamang tao in real life. I remember so many people. Wala po akong pinapatamaan o pinaparinggan. Random thoughts lamang.”

Naka-off ang comments section ng naturang post ni Xian, patunay na iniiwasan nitong may mag-comment ng pangalan ng taong tinutukoy niya.


Pero kahit ano pang maging palusot o alibi ni Xian Gaza, malinaw kung sino ang kanyang pinatututsadahan sa kanyang ‘random thoughts’. 

Kaya nga ang hamon namin dito, kung talagang matapang siya sa paglalabas ng mga ganyang pasabog na baho, bakit hindi niya pa pinangalanan at idinaan pa sa blind item?


Kung tama ang nakarating sa aming balita, nasa ibang bansa ngayon si Xian Gaza kaya ganu’n na lang kalakas ang loob sa pagbanat sa iba’t ibang celebrities.

At tama rin ba ang ibinulong sa amin na kaya malakas ang loob niya ay dahil may nagbabayad sa kanya nang milyong halaga para sa bawat celebrity na ibubulgar niya ang baho?


Hmmmm….

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 18, 2026



Cassy Legaspi - Instagram

Photo: Cassy Legaspi - Instagram



Soft launch daw ng bago niyang boyfriend ang ipinost ni Cassy Legaspi na picture nila ng guy sa kanyang Facebook at Instagram account nu’ng Valentine’s Day (Feb. 14).

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest post ni Cassy ng picture nila ng isang hindi pinangalanang lalaki na hindi rin inilantad ang buong mukha. 


Sa naturang post, hindi lang basta sweet vibes ang napansin ng mga netizens kundi pati ang couple outfit ni Cassy at ng kanyang “mystery guy”.


Isa sa mga unang nagkomento ay si Ashley Ortega na nobya ng kapatid ni Cassy na si Mavy Legaspi. 





Sa comment section, pabirong tanong ni Ashley, “Daawhoo?” na agad namang sinagot ng aktres ng “Weeehh” at nakakatawang emoji.


Maraming netizens ang natuwa at napa-“Sino nga ba?” sa naturang post ni Cassy.

May ilan namang nanghula sa Facebook comment section at sinabing si Vince Maristela raw ‘yun. Naglatag pa nga ng resibo ang ilang netizens na suot ni Vince ang gray sweater na katulad ng suot ng mystery guy na kasama ni Cassy sa photos.


Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kay Cassy kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ng naturang guy. Pero dahil sa couple outfit at sweet aura nila, hindi maiwasang kiligin ang mga fans.



Ikinasal uli, inulan ng panlalait… 

VIC, APO NA LANG DAW SI PAULEEN, PATI HITSURA NG MGA ANAK, NA-BASH



GRABE talaga at hindi na makatarungan at makatao ang ilang bashers sa talas ng dila at panlalait sa mga celebrities. Kung makapanghusga ang ilan, akala mo’y walang ni isang kapintasan sa katawan.


Nabasa namin ang ilang comments sa nai-post na pictures nina Vic Sotto at Pauleen Luna na kuha nu’ng nag-renew sila ng vows para sa kanilang 10th wedding anniversary.


Sobrang below the belt ang mga panghuhusga sa celebrity couple na ito na wala namang sinasaktan at inaapakang tao para laitin nang ganu’n-ganu’n na lang.





May ilang bastos na netizens na nag-comment na “Apo na lang ni Vic ang kinan*** niya” at pati ang mga anak nilang sina Tali at Mochi ay idinamay pa at sinabing dahil sa layo ng age gap nina Vic at Pauleen, kaya nagkaganu’n daw ang hitsura ng mga bata.


Jusko, nakakakilabot makabasa ng mga ganitong comments. Nasaan ba ang puso at utak ng mga taong ito at parang nakalimutan nang maging mabuting tao?

Sa totoo lang, kung pikon at sensitive ang isang celebrity, puwedeng-puwedeng magsampa ng kaso sa mga evil bashers na ‘to lalo’t may mga batang idinamay sa pamba-bash nila.


Hay! Sana lang talaga ay may mga masampulan na sa pambu-bully nilang ‘yan sa social media nang maging lesson para sa iba na maghinay-hinay sa pagbibitiw ng harsh comments.



Misis nag-hotel daw, sumalisi… 

ALVIN, PINAGDUDAHANG ‘DI ANAK ANG IPINAGBUBUNTIS NI IZZY



KUHANG-KUHA naman ng dating StarStruck avenger na si Alvin Aragon, ang mister ng dating Sexbomb girl na si Izzy Trazona, ang gigil ng madlang pipol dahil sa mga pinagsasasabi niya kaugnay ng kanyang pagiging Born Again Christian.


Viral nga ngayon sa social media ang mga binitawang pahayag ni Alvin tulad ng “Pinag-resign ni Lord si Izzy” sa pagiging member ng Sexbomb Girls, “You will go to hell” na patungkol sa pagpili ng anak ni Izzy na si Sofia na maging transgender at pati ‘yung hirit niyang “Hindi dapat pinapayagan ni Alex (Castro) ang misis niya na magsayaw nang sexy” dahil ‘tukso’ raw ito sa mga kalalakihan at ayaw ni Lord ang ganu’n.





Pero bukod diyan, ang hindi kinaya ng mga netizens ay ang pagdududa ni Alvin sa misis niyang si Izzy na ‘may ibang lalaki” itong nakasalisi sa kanya.


Sa isang panayam kasi sa mag-asawa, naikuwento ni Izzy na nu’ng buntis siya sa kanyang second child kay Alvin at sinabi niya ito sa mister, ang naging sagot daw sa kanya ng dating aktor ay “Hindi akin ‘yan!” 


Dagdag pa raw nito, “Malay ko kung ano’ng nangyari, siya lang mag-isa. Nagho-hotel ‘to (Izzy) eh. Nagpo-promote siya ng Netflix sa ABS noon.” 


Juskolord! Kung Christian pala siya, tama bang mag-isip at husgahan ang misis niya nang ganu’n-ganu’n na lang?


No wonder, gustong hagisan ng asin ngayon ng madlang pipol itong si Izzy nang magising daw sa katotohanan, habang gusto namang busalan itong si Alvin nang matigil na raw sa pandadamay pati kay Lord sa kanyang mga sinasabi na hindi katanggap-tanggap para sa marami.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page