top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | November 29, 2023



Nag-bonding si Richard Gutierrez at ang dalawa nilang anak ni Sarah Lahbati sa Boracay. Siyempre, without SLG (Sarah Lahbati-Gutierrez).


Habang nagba-bonding ang mag-aama, ine-enjoy naman daw ni Sarah ang 'alone time' sa pagsasayaw.


Mukhang hindi na rin magkakabalikan ang mag-asawa dahil nagpa-overhaul na ang aktres. Nagpaputol na rin siya ng kanyang long hair na bumagay naman.


Sey naman ng mga netizens, "Time will tell. And yet, it is already very telling. Parang kantang very familiar, umpisa pa lang, alam mo na ang melody at lyrics."


"Kung dati, lahat ng lakad nila, unang nakakapag-update si Sarah, eh. Baka wala na nga sila? Sayang, 'di ba, twice sila nagpakasal?"


"Wala talaga sa bonggang kasal 'yan. Look at Sheryl Cruz, too!"


"Nandu'n si Sarah sa studio, sumasayaw. Updated naman posts palagi eh."


"Kawawa naman 'yung mga bata, hindi kaya nagtataka 'yung mga anak nila bakit hindi kasama mom or dad nila kapag may travel or beach outing sila?"


"They’re not stupid not to understand and for sure na-explain na nila 'yan sa mga bata, 'yung sitwasyon."


"Sana magkaayos na sila kasi kita naman na mahal na mahal ni Richard si Sarah. Saka si S ang nagpa-tame kay R."


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | November 29, 2023




Hindi naggi-give-up ang ilang KimXi fans nina Xian Lim at Kim Chiu na maaayos pa nila ang kanilang problema kung anuman ‘yun.


Hanggang pina-follow daw nina Xian at Kim ang isa’t isa at hanggang hindi nila dine-delete ang photos nila sa kani-kanyang Instagram, hindi sila maniniwalang break na ang dalawa.


Kaya lang, sa nabanggit ni Kim na for this Christmas, dito lang siya sa bansa at ang kanyang pamilya ang makakasama, nag-isip na naman ang KimXi fans. Nasanay sila na every Christmas, sa ibang bansa nagse-celebrate ng Pasko sina Xian at Kim, bakit daw biglang nabago this year kung kailan pa nababalitang hiwalay na sina Kim at Xian?


Kaya ayun, nalungkot na naman ang KimXi fans na hindi magkakasama sa Pasko ang mahal nilang love team.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 26, 2023




Napalitan ng lungkot ang masayang bakasyon ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa Bangkok, Thailand pabalik ng Pilipinas.


Muntik na kasing ‘di makasakay sa eroplano si Vice at ‘di makasama ang partner na si Ion Perez pabalik ng Pilipinas.


Tweet ni Vice, “GRABE KA @flyPAL!!! Grabeng pang-aabala at perhuwisyo ang idinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!!


“Bakit kayo ganyan??? Ilang beses n'yo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong 'di nakasakay ang kasama namin.


“Ngayon, ako naman ang nawalan ng upuan! (angry face emojis)”


Nagkaroon daw ng overbooking ang PAL.


“Sistema n'yo na ba talaga ang overbooking @flyPAL??? Alam n'yo ba kung gaanong stress ang idinudulot n'yo sa pasaherong 'di nakakasakay sa binook at binayaran niyang flyt? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera,” tweet pa ni Vice.


Inamin din niyang naiyak siya habang tumatakbo para makaabot sa flight niya pabalik ng Manila.


“Si Ion, inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw niyang sumakay kung 'di ako makakasakay. 'Yun ang ginawa n'yo sa amin. @flyPAL,” say pa ni Vice.


Nagulat ang mga netizens sa mabilis na pag-reply ng PAL sa tweet ni Vice. Humingi ng paumanhin at nagpaliwanag ang PAL sa Unkabogable Star.


Sa kabila nito, ‘di pa rin napahinahon ang galit ni Vice sa PAL. At bagkus, ini-retweet niya ang reply ng PAL sa kanya na pinabulaanan ang paliwanag sa kanya sa nangyaring “overbooking.”


Tweet pa ni Vice, “Hindi 'yan ang sinabi sa 'kin sa counter! Ang sabi ng staff, ‘THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER.’


“MAG-BATO-BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! 'YUNG PANALO, LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!”


Hala!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page