top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 25, 2023



Pang-promote sa Uratex ang post ni Heart Evangelista na nakasuot siya ng white one-piece swimsuit, pero inabot pa rin ito ng thousand of likes at comments. Pinatunayan niyang ganu'n siya kalakas sa mga netizens.


Ang caption nga niya sa post ay: "A tiring day at the beach calls for a good afternoon nap on a @uratex_ph bed, don't you think?"


Sabi ng isang commenter, dapat ganu'n mag-promote ng ine-endorse na product, suwabe at hindi too obvious.


Kaya ayun, hindi lang sa product na ine-endorse nagkaroon ng interes ang mga netizens, pati na rin sa suot na swimsuit ni Heart.


Nagkayayaan nga na hanapin nila ang ganu'ng klase ng swimsuit at sabay-sabay silang bibili. Kaso, may mga umatras dahil nalaman nilang Chanel ang brand na suot ni Heart, may kamahalan.


 
 

ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | April 24, 2023



Marco Gumabao at Cristine IG

Mas matindi pa sa tumitinding init ng panahon ngayon dulot ng El Niño ang ginawang paglantad ng aktor na si Marco Gumabao ng kanyang relasyon sa aktres na si Cristine Reyes.


Sa wakas, natuldukan na rin ang espekulasyon ng mga netizens hinggil sa tunay na estado ng relasyon nina Marco at Cristine.


Proud na ipinost ni Marco sa kanyang Instagram account ang mga sweet photos nilang dalawa ng dyowang si Cristine.


Sa isang larawan ay makikitang nasa beach ang dalawa at yakap-yakap ni Marco si Cristine habang hinahalikan niya ito sa pisngi.



Sey pa ni Marco sa kanyang IG post, "You are my home and my adventure all at once."

Sinagot naman ito ni Cristine sa pamamagitan ng pag-comment ng mga emojis na may red heart eyes.


Base sa mga larawang ipinost ni Marco kasama si Cristine, makikitang in love na in love ang dalawa sa isa't isa.


Inulan naman ng pagbati mula sa mga kaibigang artista ang naturang post ni Marco.

Sey ni Billy Crawford, "Ok, ok, ok! Happy for the both of you, my Jadda!"


"Happy Marco!" ang hirit naman ni Julia Barretto.


At ang pahabol pa ni Rhian Ramos, "Awww! Love and freedom!"

Pati ang mga netizens ay binati rin ang celebrity couple. Masaya sila na pagkatapos ng ilang buwan na puro hinala ay umamin na rin ang dalawa sa kanilang pag-iibigan.


"She deserves all the happiness she has right now!" ang comment ng isang netizen para kay Cristine.


Habang ang sey naman ng isa pa, "Ayieee! Kinikilig ako para sa kanila!"


"Wow! 'Pag 'yung una talagang guy na minahal mo, binalewala ka at 'di pinahalagahan, darating 'yung much better. Happy for both of them. Marco Gumbao 'yan!" ang heartfelt message naman ng isang commenter.


Anyway, sana nga ay sila na talaga ang itinadhana para sa isa't isa. Keep the love burning, 'ika nga!


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | April 21, 2023





Ang unang plano ay ipalabas ang special edit ng first 3 weeks ng Voltes V: Legacy sa more than 60 theaters, pero ang nangyari ay sa 19 SM Cinemas lang ito mapapanood.


Kaya ang daming request na ipalabas sa SM Cinemas sa mga lugar nila para ma-experience rin nila ang na-experience ng mga nakapanood na.


Nag-iyakan sa mga eksena ni Carla Abellana kasama ang mga gumaganap na anak nila ni Dennis Trillo na sina Miguel Tanfelix, Raphael Landicho at Matt Lozano.


Kasama rin sa cast ng Voltes V: Legacy si Max Collins bilang si Rozalia, isang alien at wife ni Ned Armstrong (Dennis) at tama ba kaming nanay siya rito ni Martin del Rosario?!


Naka-relate raw si Max sa kanyang role dahil nanay na siya in real life, lalo na ang eksenang manganganak siya. Naalala raw niya noong manganak siya kay Skye.


Sa short na tsikahan with Max, natanong namin ito kung ilang swimsuit ang meron siya? Sa Instagram post kasi nito, lagi siyang naka-swimsuit na madalas ay skimpy pa.


Hindi na raw niya mabilang kung ilan na ang swimsuit niya, pero ang iba ay ipinamigay na rin niya.


Sa tanong uli kung bakit madalas ay naka-two-piece swimsuit siya sa kanyang mga IG posts, "Para pag-usapan ninyo at para relevant pa rin ako," ang pabirong sagot nito.


Game na sana si Max sa mga tanong pati sa personal life niya, kaya lang, narinig ito ng isang bossing ng GMA at sinaway ang reporter na nagtatanong. Ang sabi na lang ni Max, sa ibang okasyon na lang pag-usapan ang tungkol doon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page