top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 11, 2023



Ikinagulat ni Maine Mendoza ang lumabas na balitang ite-televise ang kasal nila ni Arjo Atayde.


Sa kanyang Twitter account ay ipinost ng TV host-actress ang link ng artikulong lumabas kung saan ay nakasaad na ayon umano kay Joey de Leon ay mapapanood sa TV5 ang kasal nila ni Arjo.


Sa caption ay nilinaw ni Maine na wala itong katotohanan.


“Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just (sad emoji),” saad ni Maine.



Aniya pa, “I am the last person to publicize a personal affair.”


Nag-react din si Maine sa mga netizens na naniwala agad sa balita.


“'Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the internet. Kailan ba mauuso ang fact-checking?!” hirit niya.


Ang nasabing artikulo ay mula sa panayam ni Joey de Leon kamakailan kung saan ay sinasabi niyang maraming dapat abangan sa bago nilang show sa TV5.


“We will start in a few days. Yes (immediately). Hindi na namin papatagalin kasi hinahanap na rin ng mga katawan namin. Ang maganda nito, we’re already airing during our 44th anniversary and the wedding of Maine. So, ‘yun 'yung mga big events na aabangan n'yo,” sabi ni Joey.


Matatandaang kinumpirma ni Arjo kamakailan sa isang panayam na magaganap ang kasal nila ni Maine ngayong taon, bagama't walang ibinigay na exact date.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 10, 2023




Iba na talaga ang power ng mga fans ngayon. Kahit sinasabing break na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero, buo ang suporta ng mga supporters ni Andrea sa tila na-gaslight o namanipula na batang aktres.


Nag-ambagan ang mga ito para mailagay ang billboard ni Andrea sa Cebu, sa Ortigas at sa New York City lang naman sa USA.


Ganu’n katindi ang support ng mga nasabing fans na may tsika pang keri nilang magpalagay din ng parehong billboard para lang ianunsiyo sa madlang pipol ang pag-cheat umano ni Ricci kay Blythe o Andrea.


Napapabalita kasing ang beauty queen-turned konsehala ng Los Baños, Laguna na si Leren Mae Bautista ang tinutukoy na bagong GF ng dating basketball star at siya rin daw ang reason ng breakup nina Ricci at Andrea.


May mga supporters sina Ricci at Leren na nagde-deny tungkol sa isyu, pero mas matindi ang bashing na inaabot nila dahil malinaw naman daw ang resibong may namamagitan sa kanilang dalawa.


Lalo pang tumibay ang paniniwala ng mga fans na nambabae si Ricci dahil sa caption ni Andrea sa ini-repost nito sa kanyang Facebook account na recent statement ng ex-BF sa hiwalayan nila na ang nakasaad ay: "NAGSAYAW KIKAY KA NA LANG SANA, EH, DI NATUWA PA

KAMI KAYSA NAG-CHEAT KA HAHAHAHHAHAHA" sabay tag kay Ricci Rivero.

Hmmm… teka, parang ibang BF naman ang alam naming meron si Leren, unless break na rin sila. Hahahaha!


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 10, 2023



Balik-Pilipinas na ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby matapos ang mahigit isang taong pananatili sa Amerika para samahan at alagaan ang kanyang inang may sakit.


Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram page ang mga larawan ng madamdaming pamamaalam nila ni Bimby nang ihatid niya ito sa LAX-Tom Bradley International Airport last Wednesday.


Makikita sa video at mga larawan na halos hindi matapus-tapos ang kanilang yakapan at pamamaalam sa isa’t isa.



Sa last video ay makikita namang nasa ‘Pinas na si Bimby at pinuntahan na agad ang kanyang Kuya Joshua. Mapapanood din ang mahigpit na pagyayakapan ng magkapatid.


Sa mahabang caption ni Kris ay sinabi niyang nakikita raw niya ang hirap na dinaanan din ni Bimby dahil sa kanyang sakit at nami-miss na rin naman daw nito ang mga kapamilya at kaibigan sa ‘Pinas.


Aniya, bilang ina ay gusto naman niyang ma-enjoy ng anak ang teenage years nito, “Tuesdays are my immunosuppressant/chemotherapy day. He left to fly home on Wednesday — I only have until the end of June until I need to lessen my activities in high-density places because by then, my immunity will be too weak to fight any infection.


“Bimb & I discussed it, nakikita ko ‘yung stress & anxiety my bunso was feeling. He’s had to grow up so fast because he needed to learn to be responsible in helping taking care of me; kawawa kasi nakikita niya the many new physical manifestations because from 3 when we came to the US a year ago, naging 5 na ‘yung diagnosed autoimmune conditions ko. As his mama, I felt for a few months he deserves to enjoy being 16.


“I knew after a year Bimb was longing to be with his various titas (my sisters, cousins, and friends); titos (my brothers-in-law, cousins-in-law and the husbands of my friends); his many cousins & the kids of my friends. I love you, honey; it was heartwarming to see you & kuya together. Thank you, @michaelleyva_ for being part of our family,” pahayag ni Kris.


Sa huli ay nangako siya sa dalawang anak na kakayanin niya ang lahat ng treatments at magkakasama-sama pa silang tatlong mag-iina nang matagal.


“I love you with my whole heart, kuya & Bimb. Mama promised she’ll go through all treatments so I’ll be around, God willing, while you both still need me,” mensahe ni Kris sa kanyang dalawang boys.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page