top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 17, 2023




Nagluluksa ngayon ang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz sa pagpanaw ng dating Filipino-Canadian heartthrob actor-model na si Patrick Guzman na matagal nang naka-based sa Toronto, Canada.


Nakilala si Patrick bilang commercial model at actor kung saan nakasama siya sa mga pelikulang Una Kang Naging Akin nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nu'ng 1991, Pretty Boy nina Andrew E. at Janno Gibbs nu'ng 1993, Manolo en Michelle Hapi Together nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren nu'ng 1994, You and Me Against the World nina Kris Aquino at Robin Padilla nu'ng 2003 at marami pang ibang pelikula.


Ang BROmance The Movie ang huling pelikulang ginawa ni Patrick nu'ng taong 2019.

Ilan lang sina Ogie Alcasid at dating aktres Beverly Vergel na naka-based na rin ngayon sa Canada sa mga nagulat at nalungkot at nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ni Patrick sa pamamagitan ng kanilang Facebook post.


Sa FB post ni Beverly, nag-throwback siya sa kuhang larawan nila ni Patrick kung saan sinabi niya kung gaano ka-excited ang aktor sa comedy workshop na ginawa nila para sa

The BROmance movie na ang dating aktres ang writer-director.


"I know the entire cast and crew will surely miss you!!! You are our very own and Canada's PAPA P!!!" huling bahagi ng FB post ni Beverly Vergel.


Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang detalyeng inilalabas ang pamilya ni Patrick Guzman sa dahilan ng kanyang pagkamatay.


Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Patrick Guzman. May he rest in peace.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 15, 2023




So, inamin na ni Rhian Ramos na almost two years na silang nagsasama sa iisang bahay ni Miss Universe-Philippines 2023 Michelle Dee. In fact, "wifey" at "honey" na nga ang kanilang tawagan.


Pero hindi naman sinabi ni Rhian na isa siyang bisexual, ‘di tulad ni Michelle na aminadong bisexual, as in puwede sa lalaki at puwede rin sa babae, in pernes.


Although, alam ng mga Marites na may dyowang lalaki si Rhian na walang iba kundi si Congressman Sam Verzosa na super-pogi at puwede ring mag-artista, sa true lang.


‘Niwey, para kay yours truly ay wala namang masama kung may bahid ng katotohanan ang haka-haka ng ilang Marites at Mosang, as in tsismosa, na magdyowa in real life sina Rhian at Michelle.


‘Di ba nga, sinabi noon ni Lord kay Noah habang nakasakay ito sa barko ang mga katagang… “Bring with you all kinds of animals ACCORDING TO EACH KIND,” and we, madlang pipol, ang itinuturing na “highest form of animals.”


Oh, devah naman, mga badingding at mga tomboyingying?! Boom, ‘yun na!


Maski nga ang itinuturing na isa sa mga movie queens noong araw na si Amalia Fuentes (SLN) ay nag-dialogue sa co-entertainment writer namin ng mga katagang… “Huwag mong ikahiya na tomboy ka kasi THERE MUST BE SOMETHING EXTRA ORDINARY IN YOU KUNG


BAKIT NAI-IN LOVE SA 'YO ANG KAPWA MO BABAE.”


At that time, tinanong ng aktor na si Vic Vargas (SLN) ang kasamahan naming entertainment writer na itago na lang natin sa pangalang Michael ng, “Bakit, tomboy ka ba, Michael?”


Na-feel siguro ng namayapang aktor na tila pinopormahan ng co-writer naming t-bird si Amalia.


Oh, ‘di ba?!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 15, 2023




Magkakaroon daw ba ng peace of mind si Pokwang kapag naipa-deport na niya ang ama ng kanyang anak?


At hindi rin daw ba kukuwestiyunin ng Bureau of Immigration ang naging parte ni Pokwang sa pagkupkop kay Lee O’Brian bilang kinasama niya ito sa ‘Pinas at hinayaang makalabas sa ilang TV shows at movies?!


Ang dating daw kasi, matapos mapakinabangan ng komedyana ang tinatawag niyang "user" at "batugan" na partner ay gusto na lang nitong biglang pauwiin kung saanmang bansa ito pinulot.


Kung may krimen man daw na nangyari sa kanilang pagsasama at wala palang legal na dokumento si Lee to stay here, matatawag bang accessory to the crime si Pokie?


At ano raw ang posibleng mangyari sa emosyon at isipan ng kanilang anak na naiipit sa isyu?!


Ilan lamang 'yan sa mga pinag-usapang topics sa isang thread sa social media na nakita at nabasa namin. Mas maraming mga tanong kesa sa mga sagot ang lumutang dahil tsika nga sa thread, nagmimistulang “baklang benggador” diumano ang inaasal ng comedienne-host sa ngayon.


Hindi raw kaya mas inuna dapat ni Mama Pokie na magpakonsulta sa isang professional sa field ng mental health dahil mukhang du’n daw nag-uugat ang lahat ng galit, emosyon, hinanakit o isyu ng katarungang hinahanap ng komedyana?!


Aguy naman!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page