top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 31, 2021


ree

Dalawa ang patay at mahigit 20 ang sugatan matapos mag-amok ang 3 armadong katao sa Florida noong Linggo nang umaga, ayon sa awtoridad.


Bumaba sa puting SUV ang 3 katao at pinagbabaril ang mga nagtipun-tipon para sa isang event sa labas ng billiards hall malapit sa Miami Gardens. Mabilis din umanong tumakas ang mga suspek.


Pahayag ni Miami-Dade Police Director Alfredo Ramirez, "These are cold blooded murderers that shot indiscriminately into a crowd and we will seek justice."


Ayon sa Miami Herald, isinugod sa ospital ang 20 sugatan kung saan isa ang kritikal. Nanawagan din ang kapulisan sa publiko na makipagtulungan upang makilala ang mga suspek na nagsuot ng ski mask at hoodies.


Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang awtoridad at tinutugis na ang mga suspek sa insidente. Pahayag din ni Florida Governor Ron DeSantis, "Justice needs to be swift & severe!"


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 15, 2021



ree

Nagdadalamhati ang Lumban, Laguna sa pagkamatay ng 26-anyos na presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) na si Renzo Matienzo, ayon sa ibinahagi nilang Facebook post kagabi.


Anila, “Lubus-lubos ang aming pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng aming mabuting Sangguniang Kabataan Federation president. Maganda at masayang alaala ang iniwan mo sa amin na hinding-hindi namin malilimutan. Naging mabuti kang kaibigan at magaling na leader sa amin. You may now rest in peace, Renzo L. Matienzo.”


Batay sa ulat ng Police Regional Office 4A, ilang beses na pinagbabaril si Matienzo habang nasa kanyang kuwarto na naging sanhi ng pagkamatay niya nitong Martes.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring shooting incident.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page