top of page
Search

ni Gina Pleñago | May 30, 2023




Nagwagi si Senator Pia Cayetano sa World Health Organization (WHO) 2023 'World No Tobacco Day Award'.


Bilang advocate ng tobacco control, ang senadora ay tuluy-tuloy na nagtaguyod ng mga batas, programa, at proyekto para labanan ang paninigarilyo, vape at heated tobacco products (HTPs).


Taong 2014, itinaguyod ng mambabatas ang Graphic Health Warning bill na nilagdaan bilang Republic Act 10643 at ipinaglaban ang Sin Tax Reform Act of 2012 (Republic Act 10351) bukod sa iba pa.


Ang karapat-dapat na pagkilala, na naglalayong kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga indibidwal at organisasyon tungo sa pagkontrol sa tabako ay patunay sa kanyang puso para sa kalusugan ng publiko.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021




Dalawampu’t tatlong senador ang pabor na i-extend ng 2 years ang deadline sa pagsusumite ng estate tax amnesty sa ilalim ng Senate Bill No. 2208, na dininig sa ikatlong pagbasa sa Senado nitong Lunes.


Batay sa napagkasunduan ng mga senador na pinangunahan ng chair of committee na si Senator Pia Cayetano, mula sa original deadline na June 14, 2021 ay mae-extend ang filing nito hanggang sa June 14, 2023.


Matatandaang nu’ng nakaraang taon pa ito pinag-usapan sa Senado, kung saan wala namang naging objections sa lahat ng senador.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page