top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 26, 2026



Philippine Marine Corps

Photo File: Sen. Imee Marcos / FB



Nais paimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa kinauukulang komite ang kaugnay ng mga alegasyon ng diumano’y mga dating miyembro ng Philippine Marine Corps na naghatid sila ng pera sa mga matataas na opisyal at mambabatas, at maging sa mga tauhan ng International Criminal Court.


Ito ay kasunod ng akusasyon ni Atty. Levito Baligod at ng 18 dating Marines laban sa ilang indibidwal na umano’y tumanggap ng pera mula kay Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Inakusahan din ni Baligod na sina Co at dating senador Antonio Trillanes IV ang nagpondo sa mga hotel accommodation ng mga imbestigador ng ICC.


Sinabi rin niya at ng mga dating Marines na naghatid umano sila ng pera sa bahay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Ilocos Norte.


Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 317, sinabi ni Imee na ang mga alegasyon sa pinagsamang sinumpaang salaysay ng mga dating tauhan ng militar, na nagsabing sila ay kinuha ni Co bilang mga personal assistant at security consultant, ay “lubhang nakakabahala at seryoso” dahil sangkot umano rito ang mga mambabatas, mga opisyal ng Gabinete, matataas na opisyal ng pamahalaan, at maging ang Pangulo mismo.


“Aside from corruption and kickbacks, the joint-affidavit also laid bare the secret cooperation between the ICC and the present administration, contrary to the denial under oath of key

administration officials.”


“If the averments in the joint-affidavit are true, then it would mean that not only did the Philippine Government cooperate with the ICC, it did so with the use of illicit funds,” nakasaad pa sa resolusyon.


Sa isang press conference, hinikayat ni Imee ang mga dating tauhan ng militar na humarap sa imbestigasyon sa Senado upang magbigay-linaw sa usapin.

“Kung may paratang, ilatag ninyo nang malinaw. Kung may ebidensya, ilabas ninyo nang buong tapang. Kumbaga sa maleta, mananatiling sikreto ang laman nyan kung hindi ilalatag sa lamesa at bubuksan. Dito natin buksan sa Senado at suriin ang maleta ng katotohanan,” punto ni Imee.


“Hindi maaaring trial by publicity ang mangyari. Hindi maaaring ang institusyon ng Senado at pati na rin ang Kongreso at ang dangal ng bawat halal ng bayan, Senado man o Kongresista ay mayurakan nang walang kalaban-laban,” dagdag ng senadora.

 
 

by Info @News | November 19, 2025



Sen. Imee Marcos at FL Liza Marcos - FB

Photo File: Sen. Imee Marcos at FL Liza Marcos - FB



Pinabulaanan mismo ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang umano’y pahayag nito laban kay Senator Imee Marcos.


“And speaking of fake news… “Welcome to entertainment, Pinoy style,” caption nito sa pagbahagi ng post.


Sa naturang post, sinabi umano ng Unang Ginang na “fake” ang statements ni Sen. Imee gaya ng mukha nitong retokada.


Nauna na ring itinanggi ng Malacañang ang post na ito, wala umanong ginawang pahayag ang First Lady laban sa senadora.

 
 
  • BULGAR
  • Oct 19, 2025

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 19, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos



Grabe na ‘to mga besh! Parang hindi pa tayo tapos sa baha at bagyo, heto na naman — sunud-sunod tayong niyayanig ng lindol sa iba’t ibang parte ng bansa! Galit na ang Mother Earth!


Mula noong Setyembre 30, nagsimula na ang mga malalakas na lindol sa Cebu at halos araw-araw na may aftershock. Sinundan pa ito ng mas malakas na magnitude sa Davao! Maraming bahay ang nasira, marami ring kababayan ang natatakot at nangangamba para sa kanilang mga pamilya at kabuhayan. 


Kaya ang sabi ko, panahon na para seryosohin ang paghahanda! Ang lindol, hindi inaabiso. Ang buhay, hindi puwedeng isugal! Kaya’t narito ang mga IMEE-PORTANTENG PAALALA para handa tayo sa lindol:


Una, alam niyo ba kung saan magtatago kapag nagsimula na ang lindol? Hanapin ang pinakamatatag na parte, kung saan nagsasalubong ang poste at beam. Diyan ka dapat magtago para may proteksyon.


Pangalawa, kung may abiso at may oras pa, tumakbo agad sa wide open space. Dapat malayo sa gusali, puno, o poste. Alamin din kung saan ang itinakdang evacuation area ng inyong LGU at kabisaduhin ang ruta papunta roon.


Pangatlo, magpraktis kasama ang pamilya. Dapat lahat ng nasa bahay ay kabisado kung paano mabilis at maayos mag-evacuate kung kakailanganin. Practice saves lives! Oh ‘di ba! Mabuti na ang maging maagap at handa.


At panghuli, ayusin na ang inyong go-bag. Lagyan ng gamot, pera, mahahalagang dokumento, flashlight, pagkain, tubig, at iba pang kailangan sa oras ng sakuna. 


Oras na ring ayusin natin ang sistema ng pagtugon sa sakuna, kaya isinusulong ko ang “National Resiliency and Disaster Management Authority Act” na may layuning tapusin ang mabagal at magulong koordinasyon tuwing may kalamidad. Sa panukalang ito, gagawing “all-hazards” Authority ang NRDMA na may command at control sa lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang AFP at PNP, at ilalagay ito direkta sa ilalim ng Office of the President para mas mabilis ang kilos, desisyon, at agarang aksyon tuwing may sakuna.


Maging alerto at huwag maging kampante. Lahat tayo may papel sa kaligtasan ng ating pamilya! 


Hindi mapipigilan ang lindol, pero kaya nating iligtas ang ating sarili, pamilya, at komunidad.


‘Yan lang muna mga besh! Ingat kayo lagi at maging alerto! Babush!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page