top of page
Search

ni Lolet Abania | February 20, 2022


ree

Nagpasalamat ang asawa ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong na si Summer Ong, sa mga senador at sa Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagpayag ng mga ito sa kanyang mister na bumisita sa kanilang anak na nagkasakit ng dengue.


Sa isang statement, pinasalamatan ni Gng. Ong sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III, gayundin si Senador Richard Gordon at ang Senate Blue Ribbon Committee, dahil sa aniya, “whatever consideration” na ibinigay sa kay Linconn Ong hinggil sa naturang usapin.


Nitong Biyernes, inanunsiyo ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Gordon na pinapayagan niya si G. Ong na bisitahin ang kanyang anak, matapos na si Gng. Ong ay sumulat sa panel noong Pebrero 14 kung saan nakikiusap ito na mai-release ang mister.


Ayon kay Lacson, pabor siyang palayain si Ong mula sa detention para aniya sa tinatawag na “purely humanitarian” reasons, subalit hindi dapat siya ipawalang-sala mula sa anumang posibleng accountability o criminal liability. Sinang-ayunan naman ni Sotto ang naging pasya ni Lacson aniya, pabor siya sa pagre-release mula sa pagkakakulong ni Ong.


Sinabi naman ng counsel ni Ong na si Atty. Rita Linda Jimeno, na ang anak ni Ong ay nakalabas na sa ospital subalit hindi pa ito fully recovered mula sa naturang sakit.


“Our son, by the grace of God, has been discharged from the hospital and will continue to be monitored at home. Hopefully, he can derive more strength from spending time with his daddy and recover faster,” sabi pa ni Gng. Ong sa hiwalay na liham.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021



ree

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas upang hatiin sa dalawang probinsiya ang Maguindanao sa ilalim ng House Bill No. 6314.


Ayon kay Maguindanao Representative Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, “Finally, the President has already signed into law the bill. May Allah bless and prosper our sincerest aspirations for the welfare and development of Maguindanao.”


Giit naman ng chairman ng Senate Local Government Committee na si Senator Francis Tolentino, ang Maguindanao ay mahahati sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, kung saan mapapabilang sa Maguindanao del Sur ang 24 towns, habang 12 municipalities naman ang magiging sakop ng Maguindanao del Norte.


Nakasaad dito ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng Maguindanao del Norte:


• Barira

• Buldon

• Datu Blah Sinsuat

• Kabuntalan

• Matanog

• Northern Kabuntalan

• Parang

• North Upi

• Sultan Kudarat

• Sultan Mastura

• Talitay

• Datu Odin Sinsuat


Samantala, sakop naman ng Maguindanao del Sur ang mga sumusunod na munisipalidad:


• Ampatuan

• Datu Abdullah Sangki

• Datu Anggal Midtimbang

• Datu Hoffer Ampatuan

• Datu Montawal

• Datu Paglas

• Datu Piang

• Datu Salibo

• Datu Saudi Ampatuan

• Datu Unsay

• Gen. Salipada K. Pendatun

• Guindulungan

• Mamasapano

• Mangudadatu

• Pagalungan

• Paglat

• Pandag

• Rajah Buayan

• Sharif Aguak

• Sharif Saydona Mustafa

• Sultan sa Barongis

• Talayan

• South Upi

• Buluan


Paliwanag pa ni Tolentino, layunin ng hatian na mapabilis ang serbisyo pagdating sa kalusugan, edukasyon at transportasyon.


Layunin din nito na mapalakas ang social at economic development at ma-promote ang political stability sa rehiyon.


Ang naturang bill ay ipinasa nina Maguindanao Representative Ronnie Sinsuat at Tarlac Representative Noel Villanueva. Si Maguindanao Representative Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang bill author.


Nasaksihan naman ng mga opisyal ng gabinete at ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa House Bill No. 6314 sa Malacañang nitong Miyerkules.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page