top of page
Search

ni Lolet Abania | March 22, 2021



ree

Mananatiling naka-lockdown ang Senado hanggang Holy Week dahil sa patuloy na banta ng pandemya ng COVID-19, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.


Sa isang interview kay Sotto, sinabi nitong pinapayagan na niya ang mga empleyado na hindi na mag-report kapag Holy Week, subali't mayroon pa ring skeletal staff na nagtatrabaho sa Senado.


"Eto [ngayon] walang skeletal, lockdown talaga ito.... After Holy Week, pagdating ng Pasko ng Pagkabuhay, 'yung Lunes na 'yun, naka-skeletal ang Senate," ani Sotto ngayong Lunes.


Wala ring isinagawang session ngayong Lunes sa Senate, matapos na ang buong gusali nito ay isinailalim sa lockdown hanggang Martes nang gabi. Magbabalik naman ang mga session sa Senado sa Miyerkules.


Gayunman, ayon kay Sotto, dalawa hanggang tatlong miyembro mula sa Secretariat at sa Office of the Sergeant at Arms, at ilan lamang mga senador kabilang na siya, ang maaaring dumalo physically sa Senado sa Miyerkules.


Samantala, inanunsiyo rin ng House of Representatives ngayong Lunes na suspendido ang kanilang operasyon simula Martes (March 23) hanggang Miyerkules (March 24) dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa Metro Manila.


Sa inilabas na memorandum, magbabalik ang plenary session sa Congress sa Huwebes, March 25.


Gayunman, ang mga opisina gaya ng Office of the Secretary General, Finance and Engineering Departments, at Office of the Sergeant-at-Arms o ang Legislative Security Bureau ay mananatiling may skeletal forces para patuloy ang serbisyo sa kani-kanilang departamento.

 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2021



ree

Walang isasagawang plenary session sa Senado bukas, March 16, matapos na ilagay ni Senate President Vicente Sotto III ang chamber sa "complete lockdown" kasabay na ang mga miyembro ng bills at index office ay sumailalim sa quarantine.


Ito ang inanunsiyo ni Sotto sa mga kapwa senador sa kanilang plenary session ngayong Lunes, kung saan ang ikalawang team na nasa bills at index office ay nagsimula nang mag-quarantine ngayong araw, matapos na isa sa mga miyembro nito ay pumasok sa trabaho kahit na masama na ang pakiramdam.


Agad na dinala ang nasabing miyembro sa ospital at nagpositibo ito sa COVID-19. Isa pang grupo sa bills at index office ang naka-quarantine noon pang nakaraang linggo, kaya wala nang miyembro sa kanilang opisina ang natira para magtrabaho.


"So with that, we cannot do any amendments, any other bills can be taken up until the full sanitation is done at least tomorrow. There cannot be any sessions. We cannot do anything without the bills and index office," ani Sotto.


"We are declaring a lockdown tomorrow... The suggestion here is a complete lockdown of the Senate," dagdag nito. May dalawang committees na nakatakdang mag-hearing bukas, ani Sotto, at maaaring ituloy ang meeting subalit "walang sinuman ang dapat naroon sa Senado.” "The Senate will be in a complete lockdown tomorrow," ani pa ng Senate President.


Una nang inanunsiyo ni Sotto ngayong umaga ng Lunes na paiigsiin ang mga sesyon nang hanggang alas-6 ng gabi para makasunod ang mga empleyado ng Senado sa curfew na ipatutupad sa Metro Manila sa gitna ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases.


Naglabas din ng advisory si Senate Secretary Myra Marie Villarica na ang executive lounge at ang canteen ng chamber ay pansamantalang isasara nang 14 araw simula ngayong Lunes matapos na tatlong empleyado ng in-house caterer ng chamber ay nagpositibo rin sa COVID-19, at pinayuhan niya ang lahat ng empleyado na magbaon na lamang ng pagkain habang sarado ang canteen.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page