top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023



ree

Magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa sinasabing paglabas ng mga impormasyon ukol sa kanilang executive session sa confidential funds nu'ng nagdaang linggo.


Saad ni Nancy Binay, chair ng komite sa Senate ethics, magpapatawag sila ng kanilang mga miyembro para sa imbestigasyon ukol sa mga bagay sa ilalim ng Rule X, Section 13 (16).


Ito ay matapos na bigyang liwanag ni Senador Jinggoy Estrada ang sinasabi sa balitang mga pinangalanang senador na umano'y suportado sa hinihinging confi funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa parehas na pamumuno ni VP Sara.


Ayon kay Estrada, malinaw na paglabag sa batas ang paglalabas ng impormasyon galing sa isang executive session.


 
 

ni Lolet Abania | March 30, 2022


ree

Nasa tinatayang 36,997 indibidwal na naka-confine sa mga pampublikong ospital sa buong bansa ang nakatanggap ng medical assistance mula sa Senate Public Assistance Office (SPAO) noong 2021, ayon sa report ni Senate Secretary Myra Marie Villarica ngayong Miyerkules.


Sa isang statement, sinabi ni Villarica na sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 11,514 ang mga pasyente na nasa National Kidney and Transplant Institute (NKTI); 11,376 sa Philippine Heart Center (PHC); 2,103 sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC); 1,831 sa East Avenue Medical Center (EAMC) at 1,569 sa Lung Center of the Philippines (LCP).


“Some of the patients assisted by SPAO are in the late stages of cancer and chronic kidney disease,” sabi ni Villarica.


Sa panahon naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pandemic noong 2020, binanggit ni Villarica na naasistihan din ng Senado ang mga Pilipino na nangangailangan ng medikal na atensyon habang nagbukas sila ng mga online applications para sa medical assistance.


“In 2020, the Senate provided 21,755 various forms of medical assistance,” sabi ni Villarica. Ayon pa sa Senate secretary, patuloy nilang palalakasin ang SPAO upang makapaglingkod pa sa pagitan ng mga kababayan at iba pang kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno.


“The instruction of Senate President Sotto is clear: alleviate the sufferings of our countrymen by providing medical assistance especially to indigent patients in the most efficient manner,” giit ni Villarica.


Sa mga indibidwal na gustong maka-avail ng medical assistance program ng Senado, dapat ay naisyuhan sila ng isang guaranteed letter na mula sa Department of Health (DOH). Pangunahing binibigyan naman at nakakakuha ng medical assistance program sa lahat ng 70 DOH hospitals sa buong bansa.


Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, ang upper chamber ay patuloy na tutulong sa mga Pilipino para magbigay ng mga medisina at medical care na batay na rin sa kanilang constitutional mandates.


“We have strengthened our public assistance office to cater to the growing needs of our people in terms of medical and social services. We want to be with them in the most difficult time in their life. We are glad that we have helped thousands of patients seeking assistance from our office and the various offices of the senators,” sabi ni Sotto.

 
 

ni Lolet Abania | May 6, 2021



ree

Umabot na sa kabuuang 190 empleyado ng Senado ang nabakunahan kontra-COVID-19, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.


“Two hundred muna nu’ng isang araw, 190 lang ang na-vaccinate sapagkat ‘yung 10 ay masyadong matataas ang [blood pressure] at ayaw ng mga doctor na i-vaccinate sila. They will have to come back for another day, ‘yung medyo relaxed na sila,” ani Sotto sa isang online press conference ngayong Huwebes.


Kinumpirma rin niyang ang mga empleyado ng Senate ay naturukan ng China-made na Sinovac COVID-19 vaccines noong Biyernes. Nabibilang sila sa mga nasa A2 at A3 categories.


Gayundin, sinabi ni Sotto, isa pang batch ng mga Senate workers ang matuturukan naman ng Russia-made na Sputnik V COVID-19 vaccine.


Matatandaang binanggit ni Sotto na humingi ang Senado ng mga COVID-19 vaccines para sa kanilang mga health staff workers at empleyado. Kinumpirma rin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hiniling ng Senado na makakuha ng 5,000 doses ng Gamaleya Institute na Sputnik V vaccine para sa kanilang 2,500 staff members.


Ayon pa kay Zubiri, inaasahan nilang mababakunahan ang mga Senate employees bago sila bumalik sa sessions sa Mayo 17.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page