top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 18, 2021


ree

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na umiinom siya ng gamot na Ivermectin bilang "prevention" sa COVID-19, isang beses kada 2 linggo.


Aniya sa isang radio interview noong Sabado, "Ako rin, eh. Ako, umiinom ako [ng Ivermectin], eh. Prevention. Once every two weeks.”


Meron din umanong kakilala si Sotto na nagpositibo sa COVID-19 at gumaling matapos uminom ng Ivermectin.


Aniya, "Meron akong kakilala, tinamaan ng COVID, tumira ng tatlong araw ng Ivermectin, pagdating ng pang-apat, panlimang araw, tanggal na lahat ‘yung mga symptoms niya. Naghintay na lang ng 14 days bago nagpa-check ulit, pag-check, negative na.


"Ang dami kong kilala na ganoon.”


Saad pa ni Sotto, "Ang prevention ang pinakamahalaga. ‘Yun ang number one, pangalawa, ‘yung rehabilitation. Tapos, ikokombinasyon mo ‘yung enforcement, at saka ‘yung prosecution."


Nanawagan din si Sotto sa awtoridad na bigyang-atensiyon ang treatment at prevention habang kulang pa ang suplay ng COVID-19 vaccines.


Aniya, "‘Yung prevention, mahalaga rito sa COVID. Sana naman, nakikinig sila sa atin. Palibhasa wala, eh, Senate President lang tayo."


Matatandaang isa rin si dating Pangulong Juan Ponce Enrile sa mga umaming uminom ng Ivermectin.


Saad pa ni Sotto, “Hihiramin ko ‘yung sinabi ni Manong Johnny, ‘Walang pakialam ang FDA (Food and Drug Administration) kung ano ang gusto kong ilagay sa katawan ko.’”


Samantala, una nang nagbabala ang mga eksperto sa pag-inom ng Ivermectin laban sa COVID-19 dahil sa kakulangan nito ng ebidensiya na nakagagamot laban sa Coronavirus.


Ang World Health Organization, US FDA, European Medicine Agency, at maging ang manufacturer nitong Merck ay nagsasabing mayroong kakulangan sa datos sa efficacy ng Ivermectin laban sa COVID-19.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 1, 2020


ree


Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III na magsampa na lang ng libelo ang mga nais gawing krimen ang red-tagging sa bansa.


Pahayag ni Sotto, “I’ve heard it thrice already from this morning up to now, from the CHR (Commission on Human Rights) also, that we should study, or we should criminalize red-tagging. I think, why don’t you just file a libel case?


“Because if we criminalize red-tagging, we have to criminalize narcissistic-tagging and fascist-tagging samantalang it falls in the category of libel.”


Aniya, “Eh, di file-an na lang ng libel. I think that should be food for thought for those who are offended by being called ‘Reds’.


"For the record, just so you may think about that, instead of having Congress discuss it and file a bill criminalizing red-tagging, which at this point would be very difficult to do, I think so.”


Samantala, ayon naman kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, iba ang red-tagging dahil sangkot umano ang ilang government resources.


Aniya, "Iba ang red-tagging sa ordinary expressions naman ng mamamayan. Nabanggit nga kanina ng CHR, ang red-tagging ay paggamit ng government funds, public funds, government resources... to vilify other people.


"Hindi siya kapareho ng sa level ng freedom of expression kasi rito, ang puwedeng defense lang palagi nila as government officials is good faith. ‘Eh, public duty namin, good faith ito.' Kaya ang ordinaryong tao will have to hurdle that. Good faith 'yan, sasabihin ninyo, pero klaro naman ang malice.”


Ayon naman kay Sotto, hindi exempted ang mga opisyales ng pamahalaan sa kasong libel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page