top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Levi Gonzales @News | July 27, 2026



Pares vendor patay sa saksak - Batangas City Police Station - Circulated ABS

Photo: Batangas City Police Station - Circulated



Patay ang isang pares vendor matapos na umano'y pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Tinga Labak, Batangas City.


Kinilala ang biktima na si “Anthony,” nasa hustong gulang, binata, tubong Mabini, Batangas at residente ng Brgy. Santa Rita Karsada, Batangas City.


Batay sa paunang imbestigasyon, nagtitinda ng pares ang biktima nang lapitan ng ilang kalalakihan na umorder ng pagkain. Matapos kumain, nagreklamo umano ang mga ito dahil wala umanong karne ang inihain na nauwi sa pagtatalo.


Sa kasagsagan ng komprontasyon, isa sa mga suspek ang umano'y bumunot ng balisong at ipinagsasaksak ang biktima na kanyang ikinasawi.

Patuloy ang imbestigasyon upang maaresto ang suspek.


 
 

ni Mai Ancheta @News | June 30, 2026



ANG bahay ng mag-iinang minasaker sa Brgy. Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur. (Mai Ancheta)

Photo: Ang bahay ng mag-iinang minasaker sa Brgy. Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur. (Mai Ancheta)



Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang ina at tatlong anak nito matapos madiskubre ang brutal na pagpatay sa mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.


Ang mga biktima ay tadtad ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ng mga otoridad.


Kinilala ang mga biktima na sina Arlene Fernan Dumalte, 42; mga anak na sina Nacel, 14; En-En, 13, at Arnel, 12-anyos.


Ayon kay Police Lt. Julito Pamalaran, nadiskubre ang krimen nitong Lunes ng umaga ng isang konsehal ng barangay na papunta sana sa kanyang bukid.


Napansin ng konsehal ang nakalitaw na duguang kamay sa isang butas ng dingding ng bahay ng mga biktima kaya agad na ipinaalam sa mga otoridad.


Ang ina ay isa umanong health worker at hiwalay ito sa kanyang asawa.


Huling nakita umanong buhay ang mga bata noong Sabado sa isang public WiFi station.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo ng karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima. 



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 27, 2021




Patay ang 2 lalaking magkaangkas sa motor, matapos umanong makipagbarilan sa Highway Patrol Group (HPG) kaninang madaling-araw sa Mount Apo Drive, Nova Hills Subdivision, Barangay Bagumbong, Caloocan City.


Ayon sa ulat, magkatuwang ang HPG at Caloocan Substation 9 sa pagsasagawa ng anti-carnapping at anti-criminality operation nu’ng oras na iyon, kung saan isa-isang pinahihinto ang mga motorista upang suriin ang kahina-hinalang kilos sa checkpoint.


Mangyari’y pinahinto ng HPG ang 2 lalaki, subalit nagpatuloy lamang ang mga ito at pinaharurot ang motor upang makalagpas sa checkpoint. Doon na nga nagkaroon ng habulan at barilan na ikinasawi ng dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang identity ng mga biktima dahil wala silang ID at wala ring kamag-anak na lumalapit sa mga awtoridad.


Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa nangyaring insidente, kung saan wala pang witness na tumetestigo upang kumpirmahin ang pahayag ng HPG.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page