top of page
Search

by Info @News | November 6, 2025



Panguling Bongbong Marcos at VP Sara Duterte - PCO, OVP.jpg

Photo: Panguling Bongbong Marcos at VP Sara Duterte - PCO, OVP



BUMABA ANG TIWALA


Batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research, kapwa bumaba ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.


Mula 64% ay bumaba sa 57% ang trust rating ni PBBM, habang bumaba sa 51% mula sa 54% ang kay VP Sara.


Pababang rating din ang naitala para sa performance ng Pangulo, kung saan mula sa 62% noong Hulyo ay bumaba ito sa 54%. Gayundin sa Bise Presidente na 49% mula sa dating 50%.


Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, malaking epekto rito ang mga isyung kinakaharap ng gobyerno tulad ng korupsiyon at taas-presyo.


“Kapag walang improvements ang administrasyon, patuloy na sasadsad pababa ang ratings,” giit ni Rye.


Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents mula September 30 hanggang October 4.

 
 

by Info @News | October 22, 2025



Sara Duterte FB

Photo: Sara Duterte FB



Nanindigan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na handa ang Senado sa posibilidad ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sakaling baliktarin ng Supreme Court (SC) ang desisyon nitong ‘unconstitutional’ ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente.


“Personally, yes, the answer is in the affirmative,” ayon kay SP Sotto. Dagdag pa niya, “The Senate itself, yes. If the SC says they are reversing their decision, then we will move to reclaim the Articles of Impeachment from the archives.”


Matatandaang nagbotohan ang mga senador noong Agosto para ilipat sa archive ang articles of impeachment na isinampa laban kay VP Sara kasunod ng desisyon ng SC kung saan 19 ang bumoto ng Yes, 4 na No, at 1 nag-abstain.

 
 

by Info @News | September 29, 2025



Kiko Pangioinan at Ping Lacson - FB

Photo: TIto Sotto - Senate of the Philippines



Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi na stable ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasabay ng mga alegasyon sa iba’t ibang mambabatas na may kaugnayan sa korupsiyon.


Sa kanyang press conference, sinagot ni VP Sara ang katanungan kung stable pa ba ang gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Marcos, Jr. kung saan sinagot niya ito ng “No”.


Ayon sa Bise, “Our institutions are clearly abused. They are used for personal gain…and we have already seen the testimony of witnesses about corruption and there is practically nothing happening in our country.”


Dagdag pa niya, “Nakailang ulit ko na ‘yan sinasabi noon na tigilan ‘yung pulitika, tigilan ang pag-una ng pansariling interest kasi walang nangyayari sa ating bansa. Meron ba kayong nakikita at all na project na nakatulong sa ating bayan? Wala.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page