top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 4, 2026



Sara Duterte - Senate PH

Photo: Sara Duterte - Senate PH



Inatasan ng Senate impeachment court si Vice President Sara Duterte na humarap sa paglilitis na itinakda sa Lunes, Hulyo 6.


Nakapaloob ang kautusang ito sa notice na may petsang Hulyo 2, na nilagdaan ni Senate President Sherwin Gatchalian bilang presiding officer ng impeachment court.


Nakabatay ang direktiba sa Rule 7 ng Rules of Procedure on Impeachment Trial at sa Writ of Summons na inisyu noong Mayo 9, 2026.


Sa notice, inaasahang tatalima si Duterte sa mga kautusan, direktiba, at magiging hatol ng Senate Impeachment Court. Binigyan din ng kopya ng notice ang prosecution team.


Ayon kay Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Renato Bantug, maaaring dumalo si Duterte sa paglilitis nang personal o sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 29, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



Bubuksan ng Senado ang pasilidad nito para sa mga Pilipinong nais na personal na masaksihan ang impeachment trial na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.


Ayon sa clerk ng Impeachment Court, magiging bukas ang lugar ng Senado sa publiko upang mapanood nang live ang paglilitis, bilang bahagi ng pagsusumikap na matiyak ang transparency at maipakita sa taumbayan ang proseso ng impeachment.


Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na siya ring Senate Secretary at clerk ng Impeachment Court, may nakalaang mga upuan sa loob ng Senado para sa mga Pilipinong gustong masaksihan nang live ang paglilitis.


“Puwedeng walk-in pero kailangang mag-register sa Visitor Management ng Senado. 'Yung reservation ay maaaring gawing online,” wika ni Bantug.


Gayunman, limitado aniya ang kapasidad ng main plenary hall ng Senado.

Mayroon lamang itong 340 upuan sa gallery at 30 upuan sa VIP box.


Inaasahang malawakang ipalalabas ang inaabangang impeachment trial sa iba’t ibang istasyon ng telebisyon at mga online streaming platform upang mas maraming mamamayan ang makapanood ng mga pagdinig.


Ayon pa kay Bantug, ang mga upuang hindi magagamit ng panig ng prosekusyon, depensa, at mga kawani ng Senado ay ilalaan sa mga miyembro ng publiko na nais manood ng impeachment trial.


“One-third sa inimbitahan ng prosecution, one-third sa defense, one-third sa general public,” ani Bantug.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 19, 2026



Win Gatchalian - Senate of the Philippines

Photo: Win Gatchalian - Senate of the Philippines



Nanindigan si Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na kung siya lang ang tatanungin hinggil sa kinakailangang bilang ng conviction threshold para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naniniwala siya na dapat sundin ang nakasulat sa Konstitusyon.


Ibig sabihin, 2/3 ng lahat ng miyembro nila sa Senado o katumbas ng 16 na boto ang kinakailangan bago ma-convict ang isang impeachable official.


Idinagdag niya na ayaw niyang pangunahan o panghimasukan ang anumang hakbang o desisyon na maaaring gawin ng prosecution team kaugnay ng usapin.


Nakatakdang simulan ng Senado ang impeachment trial ni Duterte sa susunod na buwan, habang patuloy na pinaghahandaan ng magkabilang panig ang paglilitis.


Kasabay nito, nilinaw din ni Gatchalian na hindi pa napag-uusapan ng Senado kung sino ang mamumuno sa paglilitis sa impeachment ni Duterte.


"Right now, as it stands, I will preside [over the trial]," wika ni Gatchalian.


Ginawa ng SP ang pahayag matapos sabihin ni Senador Panfilo Lacson na posibleng piliin ng majority bloc si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment trial.


"As per our consensus as of this morning, we will elect Senator Chiz Escudero, if we convene again as the impeachment court, to be the presiding officer," wika ni Lacson noong Miyerkules.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page