top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | July 6, 2023




Patuloy umanong kokontrahin ng Russia ang mga sanctions na ipinapataw sa kanila ng mga Western countries.


Iginiit ni Russian President Vladimir Putin na ang nasabing mga sanctions ay lalong magpapalakas sa kanila.


Ito umano ang unang pagkakataon na dumalo sa international meeting si Putin matapos ang pag-aklas ng Wagner mercenary group noong nakaraang buwan.


Pinasalamatan naman nito ang mga bansang nananatili pa ring kaalyado nila at naniniwalang ipinaglalaban lamang umano ng Russia ang soberanya ng kanilang bansa.


 
 

ni Mabel Vieron | June 27, 2023




Nagbigay ng pahayag si United Nations Secretary-General António Guterres sa magkabilang panig na maging responsable sa kanilang galaw at iwasan ang anumang tensyon.


Kasunod sa paglunsad ng rebelyon ng mercenary group laban sa gobyerno ni Russian President Vladimir Putin.


Tiniyak naman ng China na suportado nito ang Russia sa pagprotekta ng kaayusan sa kanilang bansa.


Itinuring naman ni U.S. Secretary of State Antony Blinken na ang pangyayari sa Russia ay nagpapakita na hindi buo ang military forces ng nabanggit na bansa.


 
 

ni Jenny Rose Albason | June 13, 2023




Umabot na sa 14 katao ang nasawi sa pagkasira ng Nova Kakhovka dam habang mahigit 2,700 ang mga residenteng nailikas.


Mayroon umanong 35 pang katao ang kasalukuyang pinaghahanap sa Kherson at Klymenko region.


Inaakusahan ng Ukraine ang Russia dahil ito raw umano ang sumira sa nasabing dam.


Ayon sa Kherson regional military, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapaulan ng missile ng Russia kahit na patuloy ang ginagawang evacuation sa lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page