top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 13, 2021




Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa okasyon ng Russia Day noong June 12. Mensahe ni P-Duterte kay Putin, “I warmly congratulate Your Excellency and the people of the Russian Federation on the occasion of Russia Day.


“On this day of national unity and celebration, let me convey the Filipino people’s best wishes for the continued success and prosperity of your great nation.”


Umaasa rin umano si P-Duterte na magpapatuloy pa at mas magiging matatag ang relasyon ng Russia at Pilipinas sa panunungkulan ni Putin.


Saad pa ni P-Duterte, “This year, the Philippines and Russia mark 45 years of warm and fruitful ties. It was my great pleasure to have commemorated this special milestone with Your Excellency on the 2nd of June.


“I am confident that our strong relations will continue to thrive in the years ahead as we deepen cooperation in more areas of mutual interest, including in our common fight against the COVID-19 pandemic.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 100,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Russia noong Biyernes nang gabi.


Bandang alas-10:32 nang gabi lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 ang Qatar Airways flight QR 928 na may lulan ng naturang bakuna laban sa COVID-19.


Ito na ang 3rd batch ng Sputnik V vaccines na dumating sa bansa at sa kabuuan ay mayroon nang natanggap na 180,000 doses ng bakuna ang Pilipinas mula sa Gamaleya Institute.


Si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kasama si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang sumalubong sa pagdating ng Sputnik V vaccines.


Samantala, ayon sa National Task Force against COVID-19, dadalhin ang mga bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021



Inaasahang darating sa Pilipinas ang karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V ng Russia sa Mayo 30.


Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang mga naturang vaccine ay ide-deliver sa bansa via Qatar Airways flight na inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Linggo, bandang alas-11 nang gabi.


Ito na ang 3rd batch ng Sputnik V doses sa bansa na dinevelop ng Gamaleya Institute. Ang unang batch ng Sputnik na 15,000 doses ay dumating sa bansa noong Mayo 1 at ang sumunod na 15,000 naman ay dumating noong May 12.


Samantala, ayon sa NTF, mula sa NAIA ay dadalhin ang Sputnik V doses sa storage facility ng Pharmaserv Warehouse sa Marikina City.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page