top of page
Search

ni Lolet Abania | October 10, 2021



Isang L-410 plane sakay ang 23 katao ang bumagsak bandang alas-9:23 ng umaga local time (0623 GMT) ngayong Linggo, mula sa isang flight patungong Republic of Tatarstan, central Russia, kung saan 16 ang namatay habang pito naman ang nailigtas mula sa mga debris, pahayag ng Emergencies Ministry sa RIA news agency.


Lulan ng eroplano ang isang grupo ng parachute jumpers na ayon sa TASS news agency, pito sa mga ito ang hinila nang buhay para iligtas ng mga rescuer mula sa bumagsak na aircraft.


Ang naturang plane ay isang Let L-410 Turbolet, kung saan isa itong twin-engine short-range transport aircraft.


Ayon sa Russian aviation, nag-improve na ang kanilang safety standards patungkol sa kanilang mga aircraft nitong mga nagdaang taon subalit, ang mga aksidente na may kaugnayan partikular sa mga ageing planes o lumang eroplano sa mga malalayong rehiyon ay hindi bihira.


Matatandaang isang lumang Antonov An-26 transport plane ang bumagsak sa malayong bahaging silangan ng Russia noong nakaraang buwan, kung saan anim katao ang namatay.


Gayundin, lahat ng 28 indibidwal na sakay ng isang Antonov An-26 twin-engine turboprop ay nasawi nang bumagsak ito sa Kamchatka noong Hulyo.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 8, 2021



Pinangangambahang patay na ang 28 na sakay ng An-26 plane sa Russia matapos itong mag-crash sa Kamchatka peninsula noong Martes.


Mula sa Petropavlovsk-Kamchatsky, patungong Palana ang An-26 nang biglang mawalan ito ng contact sa air traffic control, ayon sa awtoridad.


Pinaniniwalaang bumangga sa isang cliff ang An-26 dahil sa poor visibility na dulot ng maulap na panahon sa naturang lugar.


Kaagad namang nagpadala ng helicopter ang Civil Aviation Authority upang magsagawa ng search operations.


Ayon kay Palana Mayor Olga Mokhireva, 22 ang pasahero ng eroplano at 6 ang crew members nito.


Samantala, narekober na ang bangkay ng 9 na pasahero ng An-26 noong Miyerkules, ayon sa emergency ministries ay patuloy namang nagsasagawa ng search operations sa insidente.


 
 

ni Lolet Abania | June 23, 2021



Darating ang tinatayang 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine na nakatakdang i-deliver sa Pilipinas sa susunod pang mga araw, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.. Ipinaalam ng Russian Direct Investment Fund (RDIF) sa National Task Force Against COVID-19 vaccine cluster noong June 20 na ang pagdating ng vaccine doses ay ipinagpaliban, ani Galvez, “due to ongoing upgrades and latest developments on the vaccine.”


“RDIF has committed to update the Philippine Government on the definite date of delivery of the vaccines,” sabi pa ni Galvez.


Ang 50,000 shots ay nakalaan para sa second dose ng mga indibidwal na naunang nabakunahan nito lamang buwan ng Component I vaccines ng naturang brand. “We have already informed all local government units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” saad ni Galvez.


Tiniyak naman ni Galvez sa publiko na ang nangyaring “unforeseen delay” sa pagdating ng mga bakuna ay hindi magkakaroon ng anumang kompromiso sa efficacy ng vaccines.


“We seek your kind understanding that this development is beyond the control of the Philippine government. The manufacturer is seeking more ways to improve and upgrade the vaccine that would be more beneficial and would be more effective in battling the emergence of new variants,” sabi ni Galvez. Sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng 180,000 doses ng Sputnik V vaccine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page