top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Dec. 2, 2024



Photo: Julia Montes at Julia Barretto - IG


Samantala, may dalawang aktres ang aming aabangan sa filmfest — si Julia Montes na nag-aksiyon at nag-drama sa TOPAKK na pinagbibidahan ni Arjo Atayde na mula sa Nathan Studios, Inc., at si Julia Barretto na muling susubukan ang box-office appeal sa pelikulang Hold Me Close (HMC) ng Viva Films na balik-tambalan nila ni Carlo Aquino.


Magkaibang genre ang kanilang pelikula na isang hard action-drama at isang rom-com na mukhang mapanakit na naman, pero alam naming meron itong sariling audiences. 


Pagdating sa acting performances, ang dalawang Julia ay meron din namang ibubuga at tiyak na hahangaan din.


Kaya sey ng mga netizens, sana, December 25 na bukas, para magkaalaman na. 

‘Di bale, ilang tulog na lang naman ang bibilangin at Pasko na.



As expected, trending sa bansa ang #UninvitedEvaTrailer nang ilabas ito nang 7 PM nu'ng November 30.


Ipinakita nga ang ilan sa mga aabangang highlights ni Star for All Seasons Vilma Santos sa Uninvited, ang certified talk of the town na entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa 50th MMFF.


May katanungan na inilagay sa caption ng naturang trailer drop, “HANGGANG SAAN ANG KAYANG GAWIN NG ISANG INA PARA SA HUSTISYA?”


Halos lahat ng nag-abang at nakapanood ng trailer ay muling napa-wow sa mga intense scenes ni Ate Vi, lalo na nang sambitin ng character niya na si Eva ang pagbabantang, “Tandaan mong mabuti ang pangalan ng taong papatay sa ‘yo!”


Nakakapangilabot nga ang ipinakitang eksena, kung saan pinatay ang kanyang anak na gagampanan ni Gabby Padilla, na isa ring mahusay na aktres at nagwaging Best Actress sa 20th CineMalaya para sa Kono Basho (KB).


Kakaiba talaga si Ate Vi, meron at meron pa ring ipinapakita na susubok sa kanyang husay sa pag-arte, na tiyak na kaabang-abang sa mga manonood.  


Say ng mga Vilmanians at mga netizens, mukhang mangangabog na naman si Ate Vi sa awards night, at posible talagang mag-back-to-back Best Actress siya.


Kasama niya sa Uninvited sina Aga Muhlach at Nadine Lustre na hindi rin magpapakabog dahil parehong palaban ang kanilang pagganap, base sa kanilang trailer drop at kasama pa nila ang all-star cast. 


Hindi lang kami sure kung ilalagay si Aga sa Best Actor category at si Nadine sa Supporting Actress ba o sa Best Actress din tulad ni Ate Vi.


Sa direksiyon ng award-winning director na si Dan Villegas at sa panulat ni Dodo Dayao, magsisimula nang mapanood ang Uninvited sa Dec. 25, Christmas Day.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Dec. 1, 2024



Photo: Juan Karlos - Instagram


Sinuong talaga namin ang kasagsagan ng grabeng trapik nu'ng Biyernes ng gabi, na natapat pa sa suweldo, para abutan ang first-ever major concert ni Juan Karlos na kilala rin bilang JK Labajo, na ginanap sa SM MOA Arena.


Ang juankarlosLIVE, na produced ng Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia Sanchez at inabot ng tatlong oras, ay punumpuno ng original songs na composed ni JK.


Pagpasok namin sa venue, naramdaman namin ang concert vibes, na karamihan sa mga nanood ay mga kabataan na mahihilig sa kakaibang musikang hatid ni JK.


Wala ngang masyadong kakaibang gimik o magarbong production numbers at stage design, pero very Gen Z ang bonggang pailaw at malaking LED screen, kasama pa ang kuha ng drone na umiikot sa venue. 


Napakasimple ni JK na nakasuot lang ng t-shirt at jeans, at hindi na nakuhang mag-costume change dahil dire-diretso ang kanyang pagkanta.


Kakaiba para sa amin ang naturang concert sa mga napanood namin na OPM singers, malamang ganu’n din ang naramdaman ng marami. At least, may kakaiba at hindi predictable ang mga mangyayari.  


Ito talaga ‘yun, concert na parang nakikipag-jamming lang si JK at litaw na litaw ang galing niya bilang musician na bentang-benta naman sa kanyang mga fans, lalo na ‘pag nanti-tease na siya sa kanyang simpleng paggiling-giling.


May tig-iisang duet siya sa mga guests na sina Zild, Janine Berdin, Kyle Echarri (virtual sa kantang Kasing-kasing), Paolo Benjamin of Ben&Ben, Moira at Gloc-9 na first time nilang inawit nang live ang Sampaguita


Sa totoo lang, napakalakas ng sigawan, lalo na ‘pag songs ni JK.

Hindi rin kinalimutan ni JK ang cover song niya na Through The Years na naging theme song ng Netflix movie nila na Lolo And The Kid (LATK); at tulad ng pa-teaser niya before the concert, ipinadama rin niya ang nakaka-in love na version niya ng Grow Old With You.


Nagustuhan din namin ang bagong rendition niya ng Buwan na kahit na ulit-ulitin niyang kantahin, sasabayan at sasabayan pa rin.


Pero meron siyang ginawang kakaiba na ikina-shocked ng manonood, dahil pumunta si JK sa backstage na patuloy na nakatutok ang camera, na akala namin ay magpapalit ng damit pero nagpunas lang ng pawis.


Kasunod nito ang paglabas niya ng MOA Arena para kantahin ang Manhid. Nagsigawan talaga sa loob ng venue dahil aliw na aliw sa nakababaliw na pakulo ni JK.


Sa short video ni Bryan Dy ng Mentorque Production, may caption ito, “Hahaha! Kayo lang makakagawa nito. Hahaha! Iba amats n’yo. Ikaw lang talaga ang producer Jojo Campo Atayde na sasakay sa trip ni juan karlos! Congrats, aliw! (clap emoji).”

Sagot naman ni Sylvia, “Pareho lang kaming may TOPAK, hahaha! Kaya magkasundo. Thank you sa suporta, Bryan Dy.”


Expected naman na ang magiging finale song niya ay ang big hit na Ere, na talaga namang iniwan na niya ang audience after ng most-applauded song. Parang bitin pa ang audience sa halos tatlong oras na concert, dahil wala nang encore songs at biglang bumukas ang mga ilaw at signal na tapos na nga ang concert.


At para sa amin, napatunayan talaga ni JK na kayang-kaya niyang magdala ng big concert. Balita nga namin ay inaayos na ang concert series niya sa Australia, Canada at America, na magaganap sa May to June 2025.


Sobrang happy siyempre ni Sylvia dahil hindi siya nagkamali na maging producer ng first-major concert ni JK, na tatlong taon niyang niligawan at hinintay.


At tama rin ang naging desisyon ni Juan Karlos na finally ay umoo, dahil alam niyang kaya na niya at nakapaghanda na at lumakas na ang loob.


Sey pa ni Sylvia, kung magiging maayos ang lahat ay baka magkaroon din ng repeat ang successful juankarlosLIVE concert next year, na pupuwedeng itaon din ng November.

Congrats, JK Labajo and Sylvia Sanchez!

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 20, 2024



Photo: Anne Jakrajutatip at Chelsea Anne Manalo - FB


Nagsalita na si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group na current owner ng Miss Universe, tungkol sa concern ng Thai pageant fans.


Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City ang nakakuha ng Miss Universe-Asia, gayung umabot lang ito sa Top 30 at nalaglag nga sa Top 12.


Pinagtatalunan nila na dapat daw at mas deserving si Miss Thailand Suchata “Opal” Chuangsri, na nagtapos naman sa beauty pageant bilang 3rd runner-up.


Paliwanag ni Anne, “To inform you, the Philippines is an Asian country with the highest score from the preliminary round. It was clear from the beginning that we had four Queens from each region. 


“Before the Top 30 Semifinals, we decided to announce this after the coronation to avoid influencing the judges’ scores.”


Dagdag pa niya, “Once again, this is not a placement but a promotion. The other four people were with us before the finals, and we knew them by their spirit, soul, attitude and sincerity as women.”


Marami naman ang natuwa sa parangal na ito para kay Chelsea dahil deserving talaga na mag-represent siya ng Asia. At marami talaga ang naniniwala na dapat ay nakapasok siya sa Top 5. 


Usap-usap din ngayon sa pageant world ang nahagip na tsikahan sa media presentation ng new Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig na mula sa Denmark at 4 Continental Queens.


Ayon sa media, gandang-ganda sila sa face ni Chelsea at sa tingin nila, ang limang reyna na nasa harap nila ang ‘real Top 5’ ng Miss Universe. 


Congrats, Chelsea, at dapat ngang maging proud sa kanya ang buong bansa. Deserve rin niyang mabigyan ng grand homecoming parade sa pagkakahirang sa kanya bilang first-ever Miss Universe-Asia.


Idol daw niya mula bata pa… SHARON, TUWANG-TUWA NA MAY SELFIE SILA NI BARRY MANILOW


TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta na nakapanood siya ng concert ng kanyang idol na si Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater.


Naisingit niya ito habang may US-Canada tour ang Dear Heart (DH) concert nila ni Gabby Concepcion.


Caption niya sa Instagram (IG) post kasama ang mga photos habang nasa audience: “Me at the Barry Manilow show last night! Singing, dancing, laughing, crying…OMG! @barrymanilowofficial Magical!!!”


May nauna pa siyang ipinost kung saan makikita na magkasama sila ni Barry sa naganap na photo-op after the concert, na labis niyang ikinatutuwa at ipinagmamalaking idol niya ang sikat na American singer-songwriter.


Caption ni Mega: “When you meet your childhood hero here and are waiting for the email with your photo from his people to come in, then your hero posts your picture on his page!!! Oh. Em. Gee. I love Barry Manilow! And will do so ‘til the day I die!! @barrymanilowofficial@chetcuneta @louieocampo.”


May nabasa kaming comment, na lahat na lang daw ay favorite ni Sharon.

Totoo naman, idol niya si Barry Manilow na napakaraming love songs noong '70s at '80s na minahal ng mga Pinoy. Kaya sa concerts at TV show ni Sharon, marami na siyang kinantang hits ni Manilow, na naging bahagi na ng kanyang buhay.


At bilang patunay at pagbabalik-tanaw, nag-post si Sharon na kumakanta ng hits ni Barry sa isa niyang concert. Mapapakinggan ang medley ng Ready To Take A Chance, Could It Be Magic?, If I Should Love Again, Somewhere Down The Road, Even

Now, Looks Like We Made It, This One's For You at I Write The Song.


Samantala, may last three shows pa sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa November 21 sa Club Regent Events Center, Winnipeg, Canada; November 23 sa Hawaii Convention Center at Chandos Pattison Auditorium sa Surrey, BC Canada.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page