top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Feb. 6, 2025



Photo: Sharon Cuneta - IG


Sa Facebook (FB) at Instagram (IG) post ni Megastar Sharon Cuneta, sinagot niya kung paano siya pumayat nang husto, pero nagbabala rin siya sa mga gustong gayahin ang ginawa niya.  


Makikita nga sa photos at videos niya ang resulta ng kanyang pagsasakripisyo na sinimulan pa niya 9 years ago.  


Sa kanyang post, “I decided to lose weight slowly on my 50th birthday (2016). It’s been 9 years of losing weight, gaining weight again, being happy and inspired, feeling disappointed and frustrated. So I finally decided to step it up and lose the last several pounds this year.”  


Pag-amin pa niya, “Nakakapagod. Nakakaiyak. Nakakagutom. Lahat na yata ng diyeta, ginawa ko. Pero focused na now. Praying tuloy-tuloy na! Please pray for me. Excited na mamili ng mga damit na talagang gusto ko. But most of all, para super healthy na talaga!”


Sinabi niyang sa YouTube (YT) lang ‘yun at may paalala siya na kailangang mag-consult muna sa doktor bago magbilang ng kanilang calories sa pagkain.  


Kasunod ang mahaba niyang post, “Ang dami n’yong tanong tungkol sa paano ako pumapayat! So ito na. Sa YouTube po ‘yan. Disclaimer: Please consult your doctor first kung gagawin ninyo ito!  


“Malala po at malupit ito pero ilang beses ko na ginawa just to jumpstart my weight loss (Yes, Tita Charo @charosantos, totoo po kuwento ni Beyoncé @jeffreyaromin sa inyo years ago pa dahil buong araw kami magkasama lagi at ‘yan ang kinakain ko sa harap nila).  


“‘Di ko naman binubuo ang 10 days lagi kasi ‘pag sobrang bilis ka mag-lose ng weight, magsa-sag ka at magmumukhang tuyot! Tapos normalized uli ang kain ko. Tapos gagawin ko diet na prescribed by Doc Aivee @draivee and Doc Z @drzteo based on my body makeup, and then normal eating uli ako.”  


Pagpapatuloy pa ni Mega, “Babala: Ang normal sa ‘kin ay ‘di normal sa iba! Una, ‘di talaga ako mahilig sa kanin. Bread ang downfall ko! So pag “normal” ko na ang kain ko, 1/6 cup lang ng rice (mineasure ng yaya ko!), iwas tinapay, tapos LAHAT kakainin ko - pero lahat tikim lang!”


Nasanay na raw siya na ‘pag gusto niya ng cake, hindi niya nauubos ang isang slice, at ‘yung gulay ang ginagawa niyang kanin. Tikim-tikim lang siya at ‘pag busog na, stop na.

“Madami akong o-order-in para lahat titikman ko, tapos ang umuubos, mga kasama ko na!  


“‘Yan na, sinabi ko na lahat. ‘Di ako puwedeng laging deprived kundi magbi-binge ako. Kaya kung gagawin n’yo, please tanong muna sa doctor n’yo, okay po?  


“Konting tiis lang - i-visualize n’yo bawat minuto ang hitsura n’yo ‘pag payat na at isipin n’yo ‘di naman mawawala ‘yung pagkain na gusto n’yo at kakainin n’yo lahat ‘yun ‘pag payat na kayo (‘yun ang ginagawa ko).


“Kung kaya ko na pinakamatakaw sa mundo, kaya n’yo rin! Love you, all.” 

Dagdag pa niya, “P.S. If you’re like me (I have had a heart condition since 2003. My heart rate was way faster than normal, and I have been on maintenance meds since. ‘Di ako puwedeng mag-palpitate), please do not take any medicine to curb your appetite. Ask your doctor, and that is the best!”  



ANG kinoronahang Miss Teen Universe Philippines 2025 na kaya ang makapag-uwi ng first title para sa Pilipinas?  


Ito ay ang 17-year-old Filipina-German na taga-Camarines Norte na si Chiara Mae Gottschalk. Ang ama niya ay German at ang ina naman niyang si Charito Vizcaya, na taga-Daet, ay itinanghal na Miss Bicolandia 1987, kaya pala mayroon siyang pinagmanahan.  


Siya nga ang magiging representative ng bansa sa 2025 Miss Teen Universe. Pero as of this writing, wala pang ina-announce kung kailan at saang bansa ito magaganap.  

Posible rin daw na rito gawin kung may kukuha ng franchise. 


Ang nagwaging 2024 Miss Teen Universe ay si Trishna Ray na mula sa India.  


Sa official sashing and crowning ni Chiara na ginanap sa German Club Manila sa Makati City, kung saan present ang kanyang father, sinabi ng teen queen na first time niyang sumali sa pageant at sorpresa sa kanya ang pagbigay sa kanya ng naturang beauty title dahil runner-up lang daw siya sa sinalihan niyang Miss Teen International Philippines.  


Aniya, “Miss Teen International Philippines was my first ever experience in the pageantry world, and it was one of the most amazing experiences I’ve ever done, especially meeting my fellow candidates.  


“It was the day after the coronation night when we were already celebrating and congratulating all the girls, and especially Miss Rizal, the new Miss Teen International Philippines.  


“And then we had a meeting with Miss Charlotte, and she told me and offered this wonderful experience, and I graciously accepted the challenge.  


“Thank you because I’m able to reach the youth. It is Miss Teen Universe for a reason, and it will be my first time representing the country on the national stage.”

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Jan. 30, 2025



Photo: TROPP - Darryl Yap / VinCentiments - FB


Naglabas na ng pahayag ang MTRCB tungkol sa Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap na nire-review na raw ng ahensiya ang The Rapists of Pepsi Paloma movie. 


Nilagdaan ito ni Atty. Paulino E. Cases, Jr. (MTRCB Vice-Chairperson and Chairperson of the Hearing and Adjudication Committee).


Ayon sa post ni Direk Darryl, “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth. 


“The teaser is just a micro-part of my movie. I have been allowed to release the whole movie. For that, I am deeply humbled and profoundly blessed.


“Our film is now being reviewed by MTRCB. Thanks!”


Bagay na kinontra ng MTRCB dahil wala raw itong katotohanan.


“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix,” panimula ng statement.


Anila, “Binibigyang-linaw ng ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.”


Pagpapatuloy pa ng pahayag ng MTRCB, “Bilang parte ng standard review process ng ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.


“Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice-Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng 5 miyembro.


“Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksiyunan alinsunod sa batas.”


Sinagot naman ito ni Direk Darryl sa kanyang latest Facebook (FB) post, kung saan makikita ang letter mula sa MTRCB at mababasa ang caption niya na… “Ang Kapalaran ng #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PepsiPaloma.”


At sa comment section, inilagay niya… “Narito ang liham ng MTRCB sa aming distributor; nawa’y maipaliwanag ng mga may alam sa batas. Maraming Salamat.”

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Jan. 13, 2025



Photo: Sandara park - Instagram


Balik-‘Pinas ang K-Pop idol na si Sandara Park para maging main host sa collab project ng TV5 at MLD Entertainment PH, ang K-pop survival show na Be the NEXT: 9 Dreamers (BTN9D).


Humarap nga ang South Korean actress-singer na member ng 2NE1 sa naganap na media launch kasama ng bonggang line-up of mentors na kinabibilangan nina Park Woojin ng AB6IX, Bang Ye-dam, Vinci ng HORI7ON, Hyebin (dating MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee, at acclaimed producer na si Bullseye. 


Alam naman natin na at home na at home pa rin si Dara sa Pilipinas at hindi siya nakakalimutan bilang produkto ng Star Circle Quest (SCQ) ng ABS-CBN, kung saan ibinoto siya ng mga Pinoy.


Aminado si Dara na big challenge sa kanya na mag-host ng survival show, lalo pa na busy siya sa pagtu-tour kasama ang girl group.


“Actually, I’m really excited and nervous at the same time,” sey niya.


“It’s a new challenge for me, because I find a lot on stage, acting, being on musical shows but being a main host, it is my first time and I’m very excited to witness another K-pop superstar.


“I don’t know what I’m gonna do. Alam n’yo naman na krung-krung ako. But I will do the hosting, will go to the studio and I have to come back to Manila twice a month for this.”

Dagdag pa niya, “So, I’m really busy, no more friends, no alcohol, no rest, no vacation.


“I’m just focusing on my work, but I work out if I have time and to get a massage. Because it is really important to stay healthy, so I can do all these work, the best I can do.”


Opisyal na nga ang pagsisimula ng countdown sa premiere ng inaabangang K-pop show sa ika-8 ng Pebrero.


Pinagsama-sama sa show ang 75 aspirants mula sa global auditions na ginanap noong 2024. Bawat isa ay mag-aagawan para makapasok sa isang bagong 9-member boy group.  


Ang mga ‘dreamers' ay dadaan sa isang matinding paglalakbay, na ginagabayan ng kagalang-galang na panel of mentors at mga hurado upang makamit ang kanilang mga pangarap na maging mga idolo sa buong mundo.


Isa sa mga pangunahing highlight ng event ay ang Parade of Trainees, kung saan ang 75 contestants ay ini-reveal sa media sa unang pagkakataon.  


Ang bawat indibidwal ay may kakaibang talento at kuwentong sasabihin habang sila ay naglalaban-laban para sa isang puwesto sa huling 9 na miyembro ng grupo.

Hindi pa nga lang puwedeng ilabas ang kanilang mga mukha habang hindi pa ito naipapakilala sa show.


Saksihan ang pagsibol ng newest global pop idol sa BTN9D na mapapanood tuwing Sabado, 7:15 PM, at Linggo, 8:15 PM, at may weekday catch-ups tuwing 11:30 PM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page