top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 31, 2020



Maaaring magdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Rolly na pinakamalakas na bagyo ngayong 2020 at maaari umano itong maging super typhoon ngayong Sabado ng gabi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Pahayag ni NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, "We foresee widespread damage... even if [Rolly] does not become a super typhoon. If it is just typhoon level it means we will reach typhoon Signal No. 4 and will have wind speeds of 171 to 220 kilometers per hour."


Aniya, "heavy to very heavy damages" ang inaasahan lalo na sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.


Ngayong Sabado ng hapon, ayon sa PAGASA, ang mata ng Bagyong Rolly ay dadaan sa Catanduanes at sa Camarines bukas nang umaga.


Dadaan din umano ang naturang bagyo sa Quezon at southern part ng Aurora sa hapon.


Saad ng PAGASA, "After crossing the Southern Luzon - Metro Manila area, the center of 'ROLLY' is forecast to exit the mainland Luzon landmass on Monday morning.”


Ayon sa Agence France-Presse, inilikas na ang mahigit 200,000 katao na residente ng mga lugar na dadaanan ng Bagyong Rolly. Inaasahang tatama sa mga naturang lugar ang bagyo na may hanging aabot sa 185 hanggang 205 kph.


Sa tulong ng local government units, binabantayan at inihahanda ng NDRRMC ang mga evacuation centers.


Ayon kay Jalad, ang ibang evacuation center ay ginagamit bilang isolation center dahil sa COVID-19 pandemic kaya ang mga paaralan ang pansamantalang gagamiting emergency shelters.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 28, 2020




Isinusulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang muling pagbubukas ng iba pang movie theaters sa bansa sa Nobyembre matapos magbalik-operasyon ang SM Cinema para sa opening ng fourth edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP4) sa November 20.


Sumulat na umano si FDCP Chairperson Liza Diño sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at Integrated Inter-Agency Task Force (IATF) upang ikonsidera ang unti-unting pagbubukas ng iba pang theater sa susunod na buwan.


Ang CEAP ay binubuo ng nationwide cinema chains katulad ng SM, Robinsons, Ayala, Megaworld, atbp..


Saad ni Diño, “Actually request namin sa kanila to show kahit man lang premium selection, mga bagong pelikula.


“We also want clearance with the IATF for our invitational events at Ortigas cinemas. Sana we can start reopening kahit controlled or konting tao lang like block screenings. This is the only way we can navigate through the COVID-19 situation. It’s time to change our mindset — na puwede nang bumalik sa mga sinehan kasi other countries are starting to do that with the strictest protocols.”


Muling binuksan ang SM Cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) katulad ng Angono, Bacoor, Baguio, Baliuag, Cabanatuan, Calamba, Cauayan, Cagayan de Oro, Dasmariñas, Davao, Lanang, Legazpi, Lucena, Marilao, Masinag, Molino, Naga, Olongapo Central, Pampanga, Rosales, San Jose, San Mateo, San Pablo, Santa Rosa, Tarlac, Taytay, Telabastagan at Trece Martirez.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 27, 2020



Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korup na opisyales ng gobyerno na nagbitiw sa puwesto.


Saad ni P-Duterte, "Let me remind everybody in this government na your resignation will not save your neck. Alam mo bakit? You are not allowed to resign if there is a pending case against you.


"Mag-resign ka man, ‘di ka mag-report, you will be summoned, subpoenaed not because you are already out of government, but because for all intents and purposes you are still a part of government. You are not allowed to resign to escape liability.”


Aniya pa, "I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon, hindi humihina, lumalakas pa lalo.


“Para na tuloy naging inutil ang mga opisyal ng bayan, na wala talagang magawa with the onslaught of corruption.


"Hindi po ako maniwala na wala akong magagawa. May magagawa ako.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page