top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 7, 2020



Kabilang ang Denmark at United States sa anim na bansang naiulat na nagkaroon ng bagong kaso ng COVID-19 dahil umano sa mga mink farms, ayon sa World Health Organization


Ayon sa WHO, nadiskubre ng Italy, Netherlands, Spain at Sweden ang SARS-CoV-2 sa mga minks.


Sa Copenhagen, ipinag-utos na patayin ang 15-17 million minks sa bansa dahil sa pagkakaugnay nito sa COVID-19.


Ipinagbawal naman sa Britanya ngayong Sabado ang pagpasok ng mga foreigners mula sa Denmark matapos maiulat ang kaso ng virus mutation galing sa mga minks.


Ayon sa mga siyentipiko, ang virus mutation ay kadalasang hindi nagdudulot ng matinding sakit sa tao. Ngunit nagbabala ang mga Danish health authorities sa bagong strain na tinatawag na "Cluster 5.”


Saad ng WHO, "Initial observations suggest that the clinical presentation, severity and transmission among those infected are similar to that of other circulating SARS-CoV-2 viruses.


"However, this variant... the 'cluster 5' variant, had a combination of mutations, or changes that have not been previously observed. The implications of the identified changes in this variant are not yet well understood.”


Nanawagan naman ang WHO na magsagawa pa ng pagsusuri sa naturang mink-associated variant "to understand any potential implications of this finding in terms of diagnostics, therapeutics and vaccines in development.


"Although the virus is believed to be ancestrally linked to bats, its origin and intermediate host(s) of SARS-CoV-2 have not yet been identified.”


Simula noong Hunyo ngayong taon, 214 katao na ang naitalang mayroong COVID-19 sa Denmark na may SARS-CoV-2 variants na nauugnay sa farmed minks.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 7, 2020




Tinatayang aabot sa P4.9 million ang agricultural damage na idinulot ng Bagyong Siony sa Batanes, ayon kay Governor Marilou Cayco.


Aniya, "Meron po kaming pinsala sa agrikultura. Ang expected damage sa agriculture ng [Storm] Siony dito ay mga P4.9 million.”


Wala naman umanong nasirang residential areas, daan, mga tulay at iba pang imprastruktura.


Dagdag pa ni Cayco, "Ang aming water, electricity at komunikasyon ay wala ring pinsala.”


Aniya pa, "Agad kong pinulong ang Disaster Risk Reduction and Management Council at minobilize ko ang lahat ng concerned agencies. Sila ay 24 hours na nakaantabay, maging ang aming PDRRMC office.


"Bantay na bantay po namin ito dahil ito 'yung kauna-unahang bagyo na papunta sa amin dito sa Batanes.”


Ayon kay Cayco, nagpamahagi na sila ng mga relief goods bago pa man dumating ang Bagyong Siony.


Aniya, "Kapag mag-distribute ka ng relief goods after ng bagyo ay napakarami pong poste ng kuryente na nakahambalang at hindi po kami makapag-distribute. Nag-distribute kami bago dumating ang typhoon sa lahat po ng pamilya... nagbigay po kami ng 10 kilos ng bigas, isang kilo ng pork.”


Nag-landfall ang Bagyong Siony sa Itbayat noong Biyernes nang umaga at tinatayang magiging low pressure area na lamang ito bukas, Linggo, nang hapon, ayon sa PAGASA.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 7, 2020




Arestado ang fliptop rapper na si Jason Yap Rodriguez, a.k.a J-Skeelz, 37-anyos sa isinagawang buy-bust operation ng Candelaria Municipal Police Station (MPS) ngayong Sabado, 3 AM.


Tumutuloy umano si Rodriguez sa Quezon Premiere Hotel sa Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon, ayon kay Police Lieutenant Colonel Arnulfo Selencio.


Nagpanggap na buyer ang isang pulis at halagang P1,000 ng hinihinalang shabu ang nabili umano nito sa rapper. Nakumpiska rin ng awtoridad ang 2 pang plastic sachet ng hinihinalang shabu kay Rodriguez.


Nakakulong na ngayon sa custodial facility ng Candelaria MPS si Rodriguez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page