top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 5, 2020




Tutol si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, Jr. sa isinusulong na paggamit ng yantok bilang “pagdisiplina” sa mga pasaway na lumalabag sa health protocols ngayong panahon ng pandemya at nais niyang pagmultahin na lamang ang mga ito.


Aniya, “Do what the superior races do—e.g. the Chinese. In Hong Kong and Singapore violators of health protocols are fined hundreds, even thousands of dollars.”


Nauna nang kinondena ng Commission on Human Rights ang paggamit ng “karahasan” sa pagdisiplina sa mga COVID-19 protocol violators.


Saad ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, "[W]e wish to caution the government against unnecessary use of force and actions that may lead to humiliation and trauma. Violence, even in its slightest suggestion, is not the best way to address the pandemic."


Ayon pa kay De Guia, "We recognize that the unknown nature of the pandemic has pushed others, including the government, into devising different, novel ways in enforcing health safety protocols so as to prevent COVID-19 infection among the population. However, the [CHR] has repeatedly stressed the importance of respecting the human rights and dignity of all as we address this health crisis.


"We stress that the pandemic is not a peace and order issue, but a public health agenda.”


Noong Biyernes, inanunsiyo ni Joint Task Force COVID-19 Shield Chief Police Lt. Gen. Cesar Binag na gagamit ng rattan sticks ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang mapaigting ang pagsunod sa social distancing protocols ngayong holiday season.


Pahayag ni Binag, "We have what is called the 'social distancing patrol' ordered by our chief PNP Gen. [Debold] Sinas. They will have a yantok (rattan stick), one meter length. It will be used to reprimand [violators], to measure, and to hit hardheaded individuals as well."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 5, 2020



Nagsimula nang mag-distribute ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Moscow, Russia sa pamamagitan ng 70 clinic ngayong Sabado.


Ayon sa task force ng Russia, uunahing mabakunahan kontra-COVID ang mga medical workers, guro at social workers.


Pahayag ni Mayor Sergei Sobyanin, "Over the first five hours, 5,000 people signed up for the jab — teachers, doctors, social workers, those who are today risking their health and lives the most."


Samantala, pinagbawalan namang magpabakuna ang mga buntis at ang iba pang may kapansanan.


Ang Sputnik V ay isa sa dalawang COVID-19 vaccines na na-develop ng Russia sa tulong ng Russian Direct Investment Fund. Ang isa pang vaccine ay na-develop sa tulong ng Siberia's Vector Institute at kasalukuyan pang isinasailalim ang dalawa sa final trial.


Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga siyentipiko sa agarang pag-distribute ng Russia ng bakuna dahil hindi pa umano tapos ang trials sa mga ito.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 4, 2020




Inatake ng armadong grupo ang Barangay Poblacion sa Datu Piang, Maguindanao noong Huwebes nang gabi kung saan target umano ang hepe ng pulisya, ayon sa awtoridad.


Tinatayang aabot sa 50 hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya ang umatake sa naturang lugar, ayon kay Joint Task Force Central Spokesman Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano.


Aniya, "Ang grupo na 'to ay nabi-belong sa BIFF at Dawlah Islamiya. More or less 50 sila, nahahati sa dalawang grupo. Ang isang grupo, nag-attempt na mag-harass doon sa headquarters ng Charlie Company, 6th Infantry Battalion at saka 'yung 30 po, nag-attempt na pasukin ang poblacion Datu Piang to target the chief of police of Datu Piang... si Police Captain Israel Bayona."


Ayon kay Atilano, nakasakay umano ang grupo ni Bayona sa police vehicle nang makita nila ang mga armadong kalalakihan kaya nagpasya silang bumaba sa sasakyan at pumunta sa ligtas na lugar.


Kuwento ni Atilano, "Kagabi po, nakasakay po siya roon sa patrol car kasama ang mga kasamahan niya, noong nalaman nila na may parating na malaking grupo na armado at sumasalubong sa kanila, they alighted the vehicle and naiwanan po nila ito malapit doon sa patrol base ng 6th Infantry Battalion kung saan ang patrol base na ito ang nagbabantay sa simbahan at eskuwelahan na magkatabi po ito.


"Ang nagma-man po rito ay apat na sundalo lang po at ang nakasagupa po nila ay 30 members, armed members ng BIFF at Dawlah Islamiya. 'Yung mga police po, they alighted the vehicle at nagtago po sila sa safer place but 'yung tropa ng 6ID, they tried to repel itong mas malaking grupo ng BIFF.”


Aniya pa, "Noong na-overwhelm na po sila, nag-reposition na po sila sa alternate battle position nila for safety at 'yun na rin po ang pagdating ng reinforcement kaya ‘di po natuloy ang pagpasok ng armadong grupo.”


Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng pag-target ng mga suspek sa hepe ng pulisya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page