top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 29, 2020



Pumanaw na ang National Artist for Theater na si Amelia Lapeña-Bonifacio, ayon sa National Center for Culture and Arts (NCCA).


Ayon naman sa Teatrong Mulat ng Pilipinas, ngayong Martes, alas-7 ng umaga, pumanaw si Bonifacio.


Pahayag ng NCCA, “It is with great sadness that we announce the passing of National Artist Amelia Lapeña-Bonifacio, University of the Philippines Professor Emeritus and Founding Artistic Director of Teatrong Mulat ng Pilipinas at 7 AM today, December 29, 2020 at the age of 90.”


Kilala rin si Bonifacio bilang “Grande Dame of Southeast Asian Children’s Theatre.”


Nakapagsulat din si Bonifacio ng 44 plays, 136 short stories, at 27 libro.


Samantala, hindi binanggit ng NCCA o ng Teatrong Mulat ang rason ng pagkamatay ni Bonifacio.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 29, 2020




Positibo sa COVID-19 si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Danilo Lim, ayon sa kanyang Facebook post.


Aniya, noong Lunes nang gabi siya isinailalim sa swab test at napag-alaman niyang positibo siya sa COVID-19.


Post ni Lim, “Kagabi, matapos 'kong sumailalim sa routine swab test, nakuha ko na ang results at lumabas na positive ako sa COVID-19 sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon. Ipinapakita lang nito kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay puwedeng tamaan.”


Samantala, negatibo naman umano ang kanyang asawa at anak.


Aniya pa, “Nananatiling mild ang aking mga sintomas at sinusunod ko ang payo ng aming doktor para maalagaan ko ang aking kalusugan ngayon. I will continue to self-isolate for now. Agad ko ring sinabihan ang lahat ng mga taong may close contact sa akin nitong nakaraang linggo na i-monitor ang kanilang mga sarili at mag-self-isolate na nang 14 days.”


Paalala rin niya sa publiko, “Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang-prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 28, 2020



Nawawala at pinangangambahang patay na ang 17 mangingisda matapos lumubog ang Russian boat dahil sa bagyo sa Barents Sea.


Pahayag ng Russian Emergency Ministry, ang privately-owned boat na Onega ay lumubog malapit sa Novaya Zemlya archipelago sa Barents Sea bandang 7.30 AM (0430 Greenwich Mean Time).


Ayon sa opisyal, apat na bangka ang ipinadala sa isinagawang search-and-rescue operation at nasagip ang dalawang katao ngunit dahil sa sama ng panahon ay nahirapan silang hanapin ang iba pa.


Anila, "The crew consisted of 19 people. Two people were rescued.”


Samantala, ang pamumuo ng yelo sa trawler ang hinihinalang dahilan ng insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page