top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 14, 2021





Ipinatupad ang liquor ban sa Lingayen dahil sa nakakaalarmang pagdami ng kaso ng COVID-19.


Ayon kay Mayor Leopoldo Bataoil sa executive order, simula ngayong araw, January 14, hanggang March 31 epektibo ang liquor ban sa naturang lugar.


Saad pa sa naturang order, “It shall be unlawful within the Municipality of Lingayen for any person to sell, distribute, buy, or drink an alcoholic beverage in a public place from January 14, 2021, until March 31, 2021, unless extended or lifted as circumstances warrant.”


Ang pagkonsumo umano ng mga alcoholic beverages sa mga pampublikong lugar ay “attracts crowds and leads to the non-observance of physical distancing and possible spread of the virus.”


Sa ngayon ay mayroon nang 24 aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 14, 2021





Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine kung kaya maaari na itong magamit sa bansa, ayon kay FDA Director General Eric Domingo.


Pahayag ni Domingo, "After thorough review, the FDA is granting EUA to Pfizer-BioNTech COVID-19. The interim data from the ongoing Phase 3 trial shows the vaccine has an efficacy rate of 95% in the study population and at least 92% among all racial groups. The EUA means the benefits outweigh the known and potential risks.


"This is effective immediately.”


Samantala, nilinaw ni Domingo na ang pagbibigay ng EUA ay hindi rin umano nangangahulugan na maaaring ibenta commercially ang naturang bakuna.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 12, 2021





Bumuwelta si Senator Panfilo Lacson sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi umano puwedeng magpakapihikan ang mga Pinoy sa COVID-19 vaccines.


Saad ni Roque, “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan."


Aniya pa, “Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay prayoridad, siyempre, mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.


“So, tama lang naman po ‘yan, walang pilitan kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito.”


Samantala, post naman ni Lacson sa Twitter, “Cockiness has no place in a pandemic situation. Instead of building people’s confidence by starting with a higher efficacy vaccine and accomplish its intended purpose, to tell them they can’t be choosy is definitely not a smart information campaign to promote mass inoculation.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page