top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 28, 2021




Sinentensiyahan ng Sandiganbayan ng pagkakakulong ang dating general manager ng Philippine National Railways (PNR) matapos mapatunayang guilty sa two counts ng graft dahil sa ilegal na kontrata sa 2 suppliers noong 2009.


Ayon sa Sandiganbayan, guilty si Manuel Andal sa two counts ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Aabot sa 8 hanggang 12 taong pagkakakulong ang hatol sa kada-bilang ng paglabag sa naturang batas. Pinagbabayad din si Andal sa pamahalaan ng P86,505,000 multa at disqualified na rin siya sa pagkakaroon ng puwesto sa public office.


Noong 2009, nakipagkasundo si Andal sa Pandrol Korea Limited (Pandol Korea) at Nikka Trading para sa 170,000 sets ng rail fastenings at 50,000 clips at insulators nang walang proper authorities.


Saad sa ruling ng Sandiganbayan, “In entering into the contract with Pandrol Korea without waiting for the Certification from the DOTC Secretary, accused Andal clearly gave unwarranted benefit and advantage to said company because he already committed the government to the transaction without the DOTC Secretary’s review of the propriety of direct contracting.”


Saad pa ng Sandiganbayan, “And, as it turned out, accused Andal found the material so offered by Nikka Trading to have more safety features than those offered by Pandrol Korea.


“As in the case with Pandrol Korea, accused guaranteed that the contract with it would push through even before a final determination can be made by the proper bodies as to the propriety of the said procurement and the mode resorted to.”


Wala rin umanong go-signal mula sa PNR Board of Directors ang pagbili ni Andal ng mga kagamitan.


Saad ng Sandiganbayan, “When the contract with Nikka Trading was entered into, there was no signified need from the PNR as an end-user, nor was there authority from the PNR Board of Directors to purchase the same items.


“Hence, it was clearly shown that the government suffered damage in the amount of P86,505,000, which reflect the amount paid per the said contract.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 28, 2021




Tutulong ang French drugmaker na Sanofi sa paggawa ng 125 million COVID-19 vaccine doses ng kalaban nitong Pfizer simula sa July upang mapabilis ang produksiyon nito.


Dahil sa huge demand ng COVID-19 vaccines, nahihirapan ang Pfizer at German partner nitong BioNTech na mag-produce ng bakuna.


Ayon kay CEO Paul Hudson, papayagan ng Sanofi na ma-access ng BioNTech ang production facility nila sa Frankfurt.


Aniya, “We have made the decision to support BioNTech and Pfizer in manufacturing their COVID-19 vaccine in order to help address global needs, given that we have the technology and facilities to do so.


Saad naman ni Olivier Bogillot, head ng Sanofi’s French operations, “We had a slight delay on one of our vaccine candidates and decided to use that time to mobilize our production capacities to help with the Pfizer one.”


Samantala, noong nakaraang buwan, ang COVID-19 vaccine candidate na gawa ng Sanofi sa tulong ng British drugmaker na GlaxoSmithKline (GSK) ay hindi nagkaroon ng magandang resulta ngunit plano pa rin nilang mag-produce ng sarili nilang bakuna.


Pahayag pa ni Hudson, “As always, our top priority is to focus our efforts and capabilities on fighting this global pandemic. First and foremost, we will do this by continuing to develop our own COVID-19 vaccines candidates, in parallel with this industrial cooperation.


"Since our main vaccine is a few months late, we asked ourselves how we could be of assistance now.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 26, 2021




Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Cabinet members at opisyal ng pamahalaan na ginagamit umano ang pangalan ng iba pang government officials sa korupsiyon.


Pahayag ni P-Duterte, “Itong korupsiyon, at I am speaking on behalf of sa amin lahat dito, ‘yung gamitan ng pangalan… alam mo, kami, pulitiko, lalo na nu’ng eleksiyon, kung sino ang lumapit sa amin, magpa-photo, o 'di… pulitiko… ngayon, it’s time na tapos na ang eleksiyon, itong lokohan na pakita nila, katabi ko sila, kung saka-sakali, magkukumare, kumpare kami, tapos may nilalakad, tapos sabihin na ‘Lalakarin namin ‘yung papel mo, bigyan mo kami ng down payment’… mga kababayan ko, mahirap lang kami pero hindi… I’m sure kaming lahat, hindi namin daanin sa may utusan kami.


“‘Pag binanggit ‘yung pangalan ni Secretary Lorenzana, Secretary Galvez, Secretary Duque, ‘pag ginamit n’yo ‘yung mga pangalan nila sa mga contract purchase, the mere fact na nagamit ang pangalan mo, wala ‘yan. Walang pumapatol dito sa amin nang ganu’n… ‘yang lakarin.


“On the other hand, kung malaman namin, madisgrasya ka pa.


“‘Yung may mga tao na nag-iikot na sabihin nila, lakarin nila, alam mo ang gawin ninyo kung nagbigay na kayo ng pera, purnada na talaga kayo. Hindi naman totoo iyan. Saksakin na lang ninyo. ‘Wag mong barilin kasi maingay. Madali kang mahuli.


“Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta.”


Nanawagan din si P-Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na dalhin sa kanyang opisina ang mga mahuhuling nanloloko sa mga tao.


Aniya, “Para matapos na ito, lahat sa NBI pati police, sa lahat ng mahuli ninyo sa mga ganu’n, dalhin ninyo sa opisina ko, gusto ko lang silang kausapin, gusto ko silang makausap bakit ganyan ang hanapbuhay nila. Kasi lokohan, eh. ‘Yan ang problema riyan.


“Alam mo, walang maloloko kung walang magpapaloko.


“I am calling the NBI to double their time sa paghuli nito. Hulihin ninyo ito tapos kung ano, ma-detain ninyo ‘yan sa gabi… wala pa namang ano… bago ninyo dalhin sa korte for filing… idaan mo nga sa Malacañang, tingnan ko lang ang pagmumukha nito. Ang sarap kasing magganu’n ng mukha… ‘yung mukha ng tao paliitin mo.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page