top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 30, 2020




Nag-post si Ruru Madrid sa kanyang IG account na @rurumadrid8 ng kanyang new photo at may caption na: "Escape the ordinary."


Pero nag-react ang isang netizen na si @girl_ykim at nag-post ng, "Hindi ganyan pormahan mo noon, anyare? HAHAHAHHAHAHA feel na feel amputs."


Agad naman itong pinatulan ni Ruru at nag-reply ng, "@girl_ykim ano ba pormahan ko noon? Paano ba dapat magdamit?"


Ipinagtanggol si Ruru ng netizen na si @claaireex, "@girl_ykim Te, check mo IG n'ya, ganyan talaga porma n'ya. Iwasang maiinggit next time."


Sabi naman ni @_owwwkayeee, "@rurumadrid8 it's okaaaay kuyaaaaa HHAAHAHA you changed your style not to please anyone but for yourself po. 'I'm diamond, you know I glow up' dapat sagot mo sa kanyaaa HAHAHA DYNAMITE lang malakas."


Sabad naman ni @roseann_demino, "@girl_ykim Lol. fyi, ganyan na talaga siya pumorma dati pa. Mala-Harry Styles kind of a style. Besides it’s none of your business, affected much sis."


May mga nag-react din dahil tipong ginagaya raw ni Ruru ang japorms ng sikat na vocalist ng South Korean boy group na BTS na si Kim Tae-hyung.


Sabi ni @shane_eeeyyy, "The Taehyung of Philippines, color na lang ng buhok ang kulang Kuya Ruru."


Kinontra ito ni @_dian297, "@shane_eeeyyy Sana po stop na tayo sa pagtawag sa kanya ng Taehyung ph kasi lalo siyang naba-bash. Support na lang tayo co-amiii."


Comment pa ng isang netizen, "Pineg kasi ni Ruru halos lahat ng style pati look ni Kim Taehyung ng BTS after nu'ng ma-news siya na ipinost ang photo niya at na-comment-an ni Taehyung. Wala namang masama na i-peg pero biglang palit look si Ruru after that, ginaya na lahat, mas pinahaba pa buhok at photos at posing niya, ginaya rin. May pagka-f na f naman talaga si Ruru na aura. Haha!"


Dagdag pang comment, "Paspas agad siya after mag-trending photo niya na may comment 'yung taga-BTS. Super fan daw siya, eh, isang fan ng BTS ata nag-repost ng photo ni Ruru. Pinalitan agad style niya at ginaya ang style ni V plus look at posing. 'Kaloka. 'Plus jeje aura na ggss na signature ni Ruru. Ewwness."


Opinyon naman ng isa pang netizen, "'Pag K-Pop artist ang naka-outfit and pose na ganyan, ok lang. Pero 'pag kapwa Pinoy, bina-bash."


Well, sa ngayon talaga, kahit anong gawin ng isang artista, maganda man o hindi, kung iba-bash, iba-bash at walang nakaliligtas.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 29, 2020




Panira ng happiness ang ilang netizens kaya hindi na naman napigilan ni Angelica Panganiban na patulan ang kanilang naging komento sa ipinost na photo ng aktres sa kanyang IG account na @iamangelicap.


"Kaligayahan," caption ni Angelica kalakip ang isang photo kasama ang dalawang kaibigan.


Comment ni @charles09antonio, "Ang liit ng mukha mo, Ms. Angelica, or malaki lang talaga 'yung mga kasama mo?"


Agad namang sumagot si Angelica, "@charles09antonio nakakainsulto din at the same time."


Kaya naman nag-sorry ang netizen, "@iamangelicap Sorry Ma'm, joke lang po 'yun. Cute n'yo pong tatlo."


Pero mas matindi ang naging reaction ni Angelica kay @jirehmanguilimotan, na nag-comment in bold letters ng, "WOW NAG-E-ENJOY KAYONG TATLO, AH! ISALI N'YO NAMAN AKO D'YAN KUNG PUWEDE."


Reply tuloy ni Angge na feeling namin ay nairita dahil feeling close sa kanila ang netizen, "@jirehmanguilimotan Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin jire? Bakit kasama ka? Please explain. FURTHER."


Napa-react tuloy si @damon_y, "@iamangelicap Dayum, ang harsh ni idol."


Napakaprangka talaga ni Angelica Panganiban!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page