- BULGAR
- Nov 21, 2020
BAGONG BF NI ANGELICA NA KAMUKHA NI JOHN LLOYD, MAY-ARI NG PAGAWAAN NG YATE
ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 21, 2020

Matapos na sakyan na lang ni Zanjoe Marudo ang pagkaka-link niya kay Angelica Panganiban at paggamit ng hashtag na 'rumored boyfriend' ay patuloy pa rin ang pagko-comment ng mga netizens. May isa pang ipinost na photo si Zanjoe na may caption na: "Pa-like naman, para may heart sa gitna."
Nagtalu-talo ang mga netizens at hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may karelasyon.
Ilan nga sa mga naging comments ay…
"Kung sinasabi n'yong walang respeto si Angge sa gf ni Zanjoe, mas siya naman ang walang respeto sa gf niya."
"Seryoso ka naman, 'teh. May mga bagay na puwedeng pag-usapan, ano, lalo na kung parte ng trabaho."
"Hindi yata kinagat ang gimik nila."
"Paano kakagatin, alam naman naming wala. Jusko, nakikita ko si Zanjoe, ikakasal mga 40 or 'di na. Parang ayaw, eh, or may hinahanap pa siya (more pa)."
"May GF na siya at mukhang seryoso na siya this time. Baka masyado pa lang bata si GF kaya wait-wait muna sila."
"Hindi si Angge ang girlfriend niya. Iba ang boyfriend ni Angge, the picture says it. Bale tingnan n'yo background."
"Mamaya sa pagbibiro n'yo, totoong magkadevelopan kayo."
"'Di ba awkward 'yun kasi friends sila ni Bea (Alonzo)?"
"Kain na lang kayo ng hopia dahil hindi talaga magiging sila. May gf si Z and still going strong and may bf na rin si Angge although itinatago niya."
Mukhang tama naman ang mga netizens, dahil hindi nakaligtas sa kanilang mga mata ang pagko-comment ni Angelica ng “Come home na” sa post ni Gregg Homan at nag-reply naman ang guy ng, "Just a few more days, Honn (with 3 kissing emojis)."
Kaya ang malaking tanong, si Gregg Homan ba ang itinatagong boyfriend ni Angelica?
Samu't sari naman ang comment ng mga netizens tungkol sa background ni Gregg Homan.
"Sobrang guwapo! Jackpot si Angge. Sobrang expressive ng mga facial features niya mamsh!"
"True. Bagay sila, sana mahanap na niya ang forever d'yan kay Gregg."
"Hawig nu'ng barkada niya na si Andoy Ranay."
"Naku, hindi. Bale Australian 'yang Gregg na taga-Subic. Sana, magkatuluyan sila. 'Wag tarayan 'teh."
"CEO ng mga pagawaan ng mga yacht, barge ganern. May-ari rin ng hotel ang pamilya. Kilala 'yan bilang nagre-race sa regatta."
"Kung 'yan nga 'yun, mukhang mabait si Gregg. Nakilala yata namin 'yan dati sa Subic. Sila 'yung may-ari nu'ng pagawaan ng yacht etc. na Australian. May background din siya sa theater."
"Kahawig ni JLC."
"Hawig ba ni Lloydie? Patingin pa nga!!"
Nang puntahan namin ang profile ni Gregg sa kanyang IG account, may hawig nga kay JLC. Mukhang napaka-private person niya, konti pa lang ang followers at pina-follow at may 40 posts pa lang.
Well, for sure, marami ang magri-request na i-follow siya dahil interested silang halukayin ang pagkatao ni Gregg na bagong nali-link ngayon kay Angelica.






