top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | January 27, 2021




Matapos na i-reveal last week ng TinCan Films na si Toni Gonzaga ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit rom-com movie na My Sassy Girl, nagkaroon ng separate announcement sa magiging leading man ng tv host-actress.


Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook page at Twitter last Monday (January 25) na si Pepe Herrera ang napili nila, kasama ang mga photos na kuha sa set ng kanilang movie.


“Grateful for your warm response for our Sassy Girl. Today, let us celebrate the guy who will tell her story. We are proud to share with you Pepe Herrera as our leading man for My Sassy Girl,” post ng TinCan Films.


As expected, may kani-kanya na namang comments ang mga netizens. Marami naman ang nagkagusto at na-excite sa tambalang Toni at Pepe, dahil sa totoo lang, mahusay na aktor ang huli.


Pero meron ding ‘di natuwa dahil may mas bagay daw sa role tulad nina Vhong Navarro at Janus del Prado na naka-partner na ng sister ni Alex Gonzaga.


Natawa naman kami sa naging comment ni Alex sa IG post ng ate niya ng series of photos kasama si Pepe na may caption na, "My Sassy Girl."


Sey ni Alex, “Pepe and my Ate Kiffy, ay Sassy pala!” na nakakuha ng maraming likes at nakatutuwang comments.


Ilan ito sa mga naging opinyon ng mga netizens:


“Funny si Pepe Herera pero hindi ba masyadong matanda sila sa role?"


“Porke't sikat sa Netflix si Pepe, 'yun din kukunin kahit hindi bagay."


“Mas bet ko si Janus! May chemistry din sila sa Four Fisters."


“Nang dahil kay Pepe Herrera, gusto kong panoorin ito."


“This guy is so underrated."


“I love Pepe! He is a good actor."


“Bagay sila."


“Sana, kay Empoy na lang ibinigay ang role."


“Medyo matanda na sila sa role, pero nabigla ako kay Pepe, ha? Akalain mo, pogi pala siya. Ang tangos ng nose."


Sa vlog naman ni Toni, inamin niya na isa ito sa mga greatest achievements niya sa showbiz career niya, dahil 2006 pa pala niya ito gustong gawin.


Hindi raw niya malilimutan nang unang mapanood ang My Sassy Girl sa set ng rom-com movie nila ni Sam Milby na You Are the One 15 years ago, dahil sa suggestion ni Direk Cathy Garcia-Molina.


“'Yan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganyan ka, may pagka-feisty,” pag-alala niya.


Pero meron pa ring hindi maka-move on na si Toni ang gaganap sa PH remake ng My Sassy Girl.


Sey nila, “Okay lang, still a better leading lady would've made the big difference.


“Seryoso ba talaga na si Toni? Dapat kay Kim Chiu na lang para mas bagets."


“OK, paano kaya pababatain ang hitsura ni Toni, eh, lalo siyang nagmukhang tuyot ngayon na sumobra ang payat niya?"


“'Yung version ba nila ng Sassy Girl is adult stage na? Impossible kasing college students, eh.”


Pero ang pinakanakakalokah na comment ng netizen ay, “My Matrona Girl :)”


Grabe talaga! Pero kahit ano pa'ng sabihin ng iba, for sure, marami ang magkakainteres na panoorin ang Pinoy remake ng My Sassy Girl na ia-announce soon kung kailan at saan ipapalabas.

 
 

SIGAW NG NETIZENS: CONCERT NI REGINE, KAHIT LIBRE PA, WALANG MANONOOD!

ni Rohn Romulo - @Run Wild | January 24, 2021




May pakiusap si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na 'wag namang ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital Valentine’s concert na Freedom.


Sa tweet ni Regine last January 22, sobra talaga siyang nag-aalala.


“Hi, guys, pakiusap lang, may nag-leak na materials from the concert. Please pa-delete naman.


“Please, 'wag n'yo na i-repost.”


Sold-out na ang VIP tickets na worth P2,500 kaya nagdagdag pa ng additional 100 slots dahil marami pang gustong mag-avail na bukod sa concert ay makasama sa Zoom after party, virtual meet and greet, behind the scene at ang request portion with Regine.


Para naman sa concert lang ang gusto, P1,200 ang ticket nito at streaming worldwide, kaya mas marami ang makakapanood.


Samantala, marami pa rin ang nega kaya may nag-comment sa fashionpulis.com sa post na ito ni Asia’s Songbird, pero may nagtanggol din naman.


“Wow, pampaingay. As if may interested pa, lol!"


“Ang bitter mo naman. Stop being so nega."


“Same old biritan na naman 'to siguro."


“Kapagod sa tenga. Sakit sa ulo. Puro sigaw."


“Filipinos... Masyadong nasanay sa free."


“Kahit libre pa 'yan, wala nang interesado."


“What concert? R2K? Chareng.


“Takot siyang lugi concert n'ya… Nakikiusap si Madam..lol."


“Siyempre naman, patok, kasi siya ang Asia's Songbird. Sikat siya sa buong Asia, sobrang expensive kasi ng ticket ng concert ni Regine, eh, may pandemic, kaya 'yung others, nag-pirate siguro."


“Bakit, kilala ba siya sa India, Myanmar, Thailand Korea, Japan etc.?"


“'Di na maibabalik ang dati."


“'Yung mga nega comments dito, for sure, mga 'di pa 'yan nakanood ng live concert ni Regine and wala ring pambili ng ticket for the upcoming one, hahaha! Ugali ng mga Pinoy 'yan, eh..."


“Kahit i-pirate, walang manonood, busy ang mga tao.”


Samantala, mapapanood na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 kapalit ng timeslot na Sunday Noontime Live.


So, bukod sa A2Z Channel 11 at Kapamilya Channels, marami nang choices ang manonood kung alin ang mas maganda at malakas ang TV reception.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 23, 2020




Tiyak na pinag-init na naman ni Ivana Alawi ang kalalakihan sa kanyang IG post na may caption na, "Waiting for 2021" kasama ng star-studded heart emoji at hashtag ng kilalang rhum sa bansa.


Ayaw talagang magpaawat ni Ivana sa pagiging daring at patuloy na pinangangatawanan ang pagiging bagong pantasya ng bayan.


Sa naturang larawan, nasa bathtub si Ivana na puno ng petals, suot ang sexy pink lingerie habang nakabuyangyang na naman ang kanyang flawless butt.


Kaya naman sa loob lang ng 12 hours ay nakakuha na agad ito ng mahigit sa kalahating milyong likes. Higit naman 600K likes ang nauna niyang post kung saan ipinasilip niya ang pagiging 2021 Calendar Girl ng ini-endorse na alak.


Nakakaloka lang ang comment ni @jass_john41, "@_monaalawi bagay sa ate mo na model ng Tanduay kasi lasengga naman siya dati. Pantasya talaga siya ng mga kalalakihan kung mag-post."


Pagtatanggol naman ni @celestev78, "Ay, grabeh siya, oh. Inggit ka ba kay Ivana? Siguro, pangit ka kaya inggit ka kay Miss Ivana."


Sabi naman ni @johngalidojr, "@ivanaalawi i think 2021 calendar is better than 2020."

Pinuri naman ni @almira.delapaz.1 si Ivana, "@ivanaalawi kayganda mo na, meron ka pang mabuting puso. God bless!"


Say naman ni @zia_iv, "@ivanaalawi hello Ganda... Hindi ako mahilig mag-comment pero sa nakikita ko sa blog mo at sa mga ginawa mo sa pagtulong sa mga kababayan natin, saludo ako sa iyo......I pray for you....God bless you po...."


llan pa sa mga comments ng netizens…


@_izzaprank_, "Walang kasingkinis talaga! Partida walang foundation 'yaaaan. ayoko na talagang magsalita. labyo Mariam!!"


@alongsky, "@allandportilla kahit inumin ko na ‘yang tubig sa bathtub."


@jstn.ket, "@ivanaalawi maamaaa kinulang ka na naman sa tela pero ang ganda mo, huhu."


@carmelalinea, "Mas makinis pa puwet ni Ivana kesa sa mukha ko."


@rodelskie_23, "Oyy crush nakahubo ka na naman. Labyu."


@abril_badette, "Natotomboy ako."


@ashley_michelle_jinon, "Sana ollll. Sexy si ate at na-appreciate ko po ang magandang kalooban mo. Pangarap ko rin pong makatulong sa ibang tao 'pag may trabaho na akoooo."


Kahit na panay ang pagpapa-sexy ni Ivana, tumatatak pa rin sa mga netizens ang pagiging matulungin niya, kaya lalo pa siyang minamahal ng kanyang milyun-milyong followers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page