top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | March 14, 2023



ree

Bago ang awards night, nakatsikahan naman namin ang Jury Chair ng 1st Summer MMFF na si Dolly de Leon, na aminadong hindi naging madali ang deliberation nila na umabot nang 6 hours.


"Medyo mahirap," pag-amin ni Ms. Dolly na soon ay mapapanood sa Grand Death Lotto with John Cena, Awkwafina and Simu Liu na idinirek ng three-time Oscar nominee na si Paul Feig.


"Meron kaming criteria na sinusundan na provided ng Summer MMFF. Pero, meron din akong sariling take."


Tatlo nga lang ang nakapasa sa taste ng Board of Jurors sa Best Actress at anim naman sa Best Actor, na kung saan nalaglag si Coco Martin at tinalo pa siya ng Korean actor na si Yoo Min-Gon.


Sagot naman ng award-winning actress tungkol dito, "Unfortunately, you cannot please everybody. Hindi naman sinasabi na discounted siya (Coco), it is just naging mahirap para sa aming lahat 'yung desisyon. Believe it or not, it is not easy for us to come out with this results.


But, this is all for the best. At the end of the day, this is really for the industry. If they feel bad, that's normal and natural and I know how that feels. So, naiintindihan ko kung may masama man ang loob."


Dagdag pa ng international actress kung bakit 'di napabilang si Coco sa list at tatlo sa Best Actor, "Kasi ang style of voting naman, each vote got a point. So, that means na malaki ang agwat. Kung anim po 'yun, ibig sabihin, kakaunti ang agwat nila, so, we included all of them.


"Kaya tatlo lang (sa Best Actress), dahil malaki ang agwat ng pang-apat, kaya hindi na namin isinama."


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | March 7, 2023



ree

Punumpuno ng pagmamahal ang Instagram post ng aktor at QC 1st District Congressman at aktor na si Arjo Atayde para sa kanyang fiancée na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 28th birthday noong March 3, na kasabay ang kaarawan ng kanyang Lola Rose (nanay ni Sylvia Sanchez).


May kasamang tatlong super sweet na photos ang post, kung saan makikita sa background ang isang beach, habang papalubog na ang araw at bakas na bakas ang labis nilang kaligayahan.


Maikling mensahe lang ang pinakawalan ni Arjo, pero damang-dama ang nilalaman ng kanyang puso, “I will love you beyond this lifetime.


"Happy birthday, my fiancée. I love you today and always. (red heart emoji)"


Idinaan naman ni Maine sa pagiging komedyante ang sagot niya sa comment section ng IG post ng boyfriend sa simpleng "K", kung saan may mga netizens na nag-react.


Pero bumawi naman ang actress-host at nag-comment ng nakakikilig na, "Lolol love you love you! (red heart emoji)."


Sagot ni Rep. Atayde, "@mainedcm I love you more!"


At para sa mga nagtatanong kung ano ang meaning ng 'LOLOL', ay 'lots of laugh out loud'.


Anyway, marami nga ang natuwa at kinilig dahil halos langgamin daw sila sa IG post, na ito nga ang last time na magse-celebrate si Maine as a single lady, dahil for sure, sa 29th birthday niya ay Mrs. Maine Atayde na siya.


Last July 28, 2022 nga nag-propose si Arjo kay Maine at last December naman nag-celebrate sila ng 4th anniversary as a couple sa 'City of Love', na labis ding pinusuan ang mga nakaka-in love na photos nila na kuha sa Eiffel Tower sa Paris, France.


RHEA TAN, KINUHANG NINANG NINA MAJA AT RAMBO SA KASAL


ree

Tuwang-tuwa at naging emosyonal pa si Ms. Rhea Anicoche-Tan, CEO at president ng Beautederm Corp., dahil isa sa mga endorsers niyang si Maja Salvador ang malapit nang magpakasal kay Rambo Nuñez.


Caption niya sa FB post, "Hahaha! When we were so messy! Hahahaha then suddenly tears came out, hahahaa! A little bit tight! I love you both, my @maja and my @rambonunez #Godmother #Family."


Bukod dito, labis na ikinatutuwa ni Ms. Rei at ibinahagi niya na may bagong batch na ng 31 scholars para sa SY 2022-2023 dahil sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa mga produkto niya.


"Sa lahat po ng nagmamahal sa #BEAUTéDERM, salamat po, sobra, sa pagbili at pagtangkilik sa amin. Every time bumibili kayo, nadaragdagan (ang) pinapag-aral ng aming munting kumpanya, eto na po (ang) second batch of scholars natin.


"Lord, nakakaiyak, thank you! Your Love Never Fails. This is All for You #ContriBeauT#BeautédermFoundation#LoveAndCompassion#IlocosSur"


Ayon pa kay Ms. Rei, hindi pa rin daw niya ma-imagine na nakapagpaaral siya ng ibang tao at mga anak ng kanyang empleyado, kaya ganu'n na lang ang pasasalamat niya sa Diyos.


Ibang klase talaga, kaya nga patuloy siyang bine-bless dahil sa pagiging very generous niya at ngayong Women's Month, nakita namin na napakarami rin niyang sinusuportahang adhikain ng mga kababaihan.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | March 6, 2023



ree

Free agent na ngayon si Megastar Sharon Cuneta matapos ang tatlong dekada ng pagiging exclusive artist niya sa Kapamilya Network.


Sa Instagram post niya, nagpahayag siya ng walang katapusang pasasalamat sa ABS-CBN, at forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.


"I have been and will always be a Kapamilya," panimula ni Mega.


"I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their station from the ground up after years of closure by the then-Philippine government. I did three shows with them which carried my name - The Sharon Cuneta Show for eleven years, SHARON for 6 years, and the third, also called SHARON, for another 6 or so years."


Dagdag pa niya, "I did Star Power, The Biggest Loser, was a coach on The Voice Kids and The Voice Teens, and a judge in Your Face Sounds Familiar.


"And of course, FPJ’s Ang Probinsyano, which I owe largely to my “son” @cocomartin_ph, who handpicked me for the role of Aurora Guillermo."

Sa naturang IG post, inamin ni Sharon na matagal na siyang walang kontrata, at sa tingin niya ay nasa tamang panahon at handa na siyang magkaroon ng bagong pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang networks tulad ng GMA-7 na puwede niyang balikan.


"For the first time in all these decades, I don’t have a long-term contract with my station. I know it is a number of things that have caused this. We lost our franchise, the station has way too many stars now and we of the “old guard” have to give way.


"So while I will always be there when they need me and will always be grateful, I guess it is understandable that I for now consider myself a free agent.


"It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya “duties,” if and when they come. One goes only where one is needed."


Paglilinaw pa niya, "And no, wala pa akong nakakausap na kahit sino mula sa kahit anong istasyon, for the record lang po."


Panghuling mensahe ni Sharon sa kanyang mother studio, "I love you, ABS-CBN. My memory and loyalty are unquestionable. But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted.


See you again hopefully soon, whenever you may need me!"


May pahabol pa ito na para kay Coco na labis niyang pinasasalamatan, kasama ang pa-hashtags sa mga executives ng ABS.


"Coco, anak, ikaw ang may malasakit sa 'kin at lagi akong iniisip. Abot-langit ang pasasalamat ko sa 'yo at habambuhay kitang mamahalin! #coryvidanes #carlokatigbak #marklopez @direklauren @michellearville @ernielopez_ph @deo_endrinal @malousantos03 @direk.olivialamasan"


At ngayon ngang in-announce ni Mega na free agent na siya, komento ng netizens, baka naman magkainteres sa kanya ang GMA-7 na una niyang pinanggalingan, na mabigyan siya ng talk show or teleserye.


Welcome naman ito kay Sharon, dahil marami siyang friends doon at never daw nawala ang love and respect sa kanya, kaya nakakapag-guest siya sa GMA shows kahit Kapamilya star siya.


Pero inulit ni Mega na, "For the record I have not spoken to anyone from any other station. I just have no work yet at ABS-CBN. Seven months na. For the first time."


Dagdag pa niya, kahit saang istasyon, na puwede nga naman tulad ng NET25 na nagpapalakas ngayon ng mga bago nilang shows, kung saan may show na ang mga mahal na mahal ni Mega na sina Tito, Vic & Joey.


"Kahit naman saan basta matino (ang) trabaho. Kung saan ako kailangan at gusto. Kung may work naman sa ABS, 'di ako aalis. 'Di naman ako umaalis, naghihintay lang, pero 'di naman kayang maghintay forever."


At tama nga ang sinabi ni Sharon nang makausap namin siya sa celebrity screening ng Batang Quiapo na ilang buwan na siyang nakatambay lang at walang trabaho, kaya nga nagbiro pa siya nu'ng magkakasama silang lahat sa isa o dalawang rows na pawang jobless after ng Ang Probinsyano.


Wala pa namang kasiguruhan ang TV series na ipinitch sa kanya na pang-international release. Soon to start pa lang ang The Mango Bride na super excited na niyang masimulan.


Meron din umanong inihahanda ang Viva Films para sa kanya.

Abala umano ito sa pagpapatuloy ng concert series nila ni Regine Velasquez sa Amerika ngayong March 17, 18, 19, 24 and 26.


Good luck our Megastar, at saanmang istasyon siya mapunta ay susundan at susuportahan pa rin ng mga Sharonians at patuloy na magniningning ang kanyang bituin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page